Nasa isang Hotel si Faith ngayon na malapit lang sa kompanya para bukas ay maglalakad na lamang siya papunta doon. She will stay here for a couple of days.
Tapos na niyang tawagan si Lola. Maayos naman ito doon.
At ngayon nga ay nakatunganga siya sa kanyang laptop.
Kanina pa siya dito pero wala siyang maisip na design. Mukha ng lalaki ang paulit-ulit na nagbabalik sa kanyang isipan.
That Damn Facecard of Mr Sebastian!
Halos ma-drawing na niya ang mukha nito dahil ito ang nasa isipan niya ngayon.
Ito nalang kayang mukha ng lalaki ang ico-concept niya?
Babagay naman ito sa mga panlalaking beauty products, sa isip ng babae.
Mabilis siyang umiling-iling. Dapat mag concentrate na siya. Ang tapang-tapang pa naman niyang nag representang magpapasa ng design bukas.
Ininom na muna niya ang kanyang ice coffee para makapag concentrate.
At nag simula na siyang magtrabaho.
At mabuti na lamang at sunod-sunod ng lumalabas sa isipan niya ang mga ideya.
Kaya ay ilang minuto pa ay nakabuo na siya ng isang disenyo.
Hindi pa siya tumigil at muling nag design.
Hanggang marami na siyang nagawa na pagpipilian niya mamaya.
Hindi na niya namalayan ang oras. Nang silipin niya ang oras ay pasado alas 10 na pala ng gabi.
Kaya itiniklop na niya ang laptop at lalabas na muna siya at bibili ng makakain.
Nakalimutan niyang kumain kanina at gutom na siya.
Lumabas na siya ng hotel at nagpuntang convenience Store.
Namili siya ng pagkain at maiinom pero dadalhin na lamang niya ito at doon na niya kakainin sa silid niya.
At naglakad na siya pabalik ng hotel.
Pero nagulat na lamang siya at may biglang humablot ng bag niya.
May snatcher sa Makati?
Hindi niya inakala ito. Nagpalinga-linga siya sa paligid kakaunti na nga din ang mga tao sa daan dahil malalim na ang gabi.
Hindi na siya nakakilos ng hablutin ang bag niya.
Pero nakita niyang bumulagta ang lalaking nanghablot ng bag niya sa unahan at kumiripas ng takbo.
At maya-maya lang ay bitbit na ng lalaking tumulong sa kanya ang bag niya at papalapit na sa kanya.
“Mr Sebastian? anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?”,nagulat niyang wika dito.
Pero napansin din niya ang suot ng lalaki. Naka jogging attire ito.
Napaka masculine at ang macho sa suot nitong running attire.
“I am just running around. Hindi kasi ako makatulog”, sagot nito.
Parang nahiya pa siya sa tanong niya. Obvious naman na galing sa pagjojogging ang lalaki.
“Ahmm.. maraming salamat sa pagbawi mo sa bag ko!”, na wika na lamang niya at kinuha na ang bag mula sa binata.
“Ihahatid na kita sa hotel mo!”, anas pa nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.
Nanibago siyang hindi ito nangungulit sa kanya.
Gusto din pala niyang suyuin siyang muli ng lalaki na balikan niya- naisip ni Faith. Ang harot! saway niya sa sarili.
Nang nasa labas na sila ng hotel ay nagpaalam na sa kanya ang lalaki at tumalikod na ng walang lingon-lingon.
Napagod na ba kaagad ang lalaki sa panunuyo sa kanya?
Ang bilis naman? Hindi ba pweding magpakipot siya ng kaunti?
Napa-isip ang dalaga. Pero binawi din ang mga naiisip at pumasok na sa hotel.
Utak sa ngayon ang papairalin niya upang hindi masaktang muli.
——————-
Kinabukasan ay nasa company na naman siya alas 9 pa lamang ng umaga.
At dahil ang CEO ang mamimili ng final design at mga alas 10 pa siguro ito dadating kaya naman ay doon na siya nag antay sa loob ng opisina nito.
Nilibot na muna niya ng tingin ang kabuoan ng opisina nito. Mas malaki at eleganti kaysa sa opisina nito sa Hospital.
At bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila noon sa loob ng opisina nito.
Madali niyang iwinaksi ang naaalala.
Mas mabuti siguro kung sa labas na siya maghihintay dito.
Pero akma na siyang lalabas ay siya namang pagdating nito. Kamuntikan pa silang magkabanggaan sa pintuan.
Mas maaga pala ito kaysa sa sinabi ng sekretarya.
“Where are you going Ms Torres?”, anas nito sa kanya na malapit sa tainga niya.
Isang dangkal lang yata ang pagitan nila ngayon.
Napaatras siya.
“Ahm.. doon na sana ako maghihintay sa labas pero ay dumating na pala kayo!”, sagot niya.
He step forward to close their distance and he lean to her ears.
“May naaalala ka ba kaya nais mong lumabas?”, bulong nito na mas lalo pa siyang dinikitan.
Kaagad niyang itinulak ang lalaki. At umiwas dito.
“Wala no! ano namang maaalala ko dito!”, pagsinungaling niya.
Natawa ang lalaki sa reaksiyon niya.
“I know you’re smart Ms Torres at alam mo kung anong tinutukoy ko”, pang-aasar nito sa kanya.
“Mr Sebastian, I am here for pure business only. Please let’s all act as professional.”, anas niya dito.
“By d way, I have the design concept na naiisip ko. I’ll send it to your email then”, dagdag pa niya.
Binuksan na niya ang laptop niya at nagpunta sa email.
Hindi na niya pinansin ang lalaki.
“Can I have your email address please?”, tanong niya dito.
At imbis na sumagot ay dumukwang ang lalaki at ito na mismo ang nag type ng email address nito sa laptop niya, at kulang nalang ay mag kiss na sila sa lapit ng mga mukha nila ngayon.
Bahagya siyang lumayo dito.
Lumayo naman at umalis na ang lalaki pagkatapos nitong magtype sa laptop niya. At nagtungo na ito sa mesa.
CedGregory_Faye143@gmail.com
Ang nakita niyang itinype nito doon.
What?
Personal email ito ni Ced ah.
Napatingin siya sa binata.
Busy na ito sa mga papel na nasa mesa.
Tumayo na siya at kinunsulta ang lalaki.
“Mr Sebastian? Bakit ito ang email na tinype mo?”, tanong niya dito.
“Why? its my personal email add. Isend mo sa personal email ko, may problema ba?”, tanong pa nito sa kanya.
“Pinagluluko mo ba ako ngayon? Bakit alam mo ang personal email add ni Ced?”, malakas niyang tanong sa lalaki. Wala na siyang paki kung marinig sila sa labas. Namumula na ang ilong niya sa pigil na umiyak.
Pinuntahan na niya ang lalaki sa silya nito at hinawakan sa may kwelyo.
“Bakit mo sabi, alam ang email ni Ced? Sino ka ba talaga ha?”, naiiyak na niyang tanong nito.
He instantly wrap her in his arms. At niyakap ng mahigpit.
“I am sorry my love..”, wika niya sa babae..