Lumipas ang taon.
Kasalukuyang naghahanda si Faith sa kanyang mga panindang personalized designed bag na i-Oonline selling niya.
Hindi na siya nagtitinda sa palengke gaya noon. Simula kasi ng masunog ang palengke at ang tinitirhan nila noon sa Maynila ay hindi na siya bumalik sa pagtitinda sa palengke.
Iwan ba niya. Nagkasunod-sunod ang trahedya na dumating sa buhay nila noong nakaraang taon.
Isang Linggo pa lamang ng nakalabas ng hospital ang lola niya noon ng isa na namang trahedya ang dumating sa kanila.
Isang malaking sunog ang nangyari sa kanilang lugar. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa kanila at kahit halos wala silang naisalbang mga gamit ay nagpapasalamat pa rin ang dalaga na ligtas sila, lalo na si lola.
At dahil sa mga kamalasang iyon ay napili na lamang nila Lola na umuwi na ng probinsiya.
Taga Bulacan si Lola at may maliit naman siyang namanang lupa doon kaya doon na sila umuwi at nag simula ng panibagong buhay.
Sa kabila ng mga masasamang karanasan noon ay may bago namang bumukas na pagkakataon para kay Faith.
Habang naghahakot sila ng mga gamit noon habang nasusunog pa ang kanilang maliit na inuupahang bahay noon sa Maynila ay itong si Lola Maria ay iisang bag lang talaga ang piniling i-salba.
At ng tiningnan niya ang laman noon ay mga iilang gamit pala niya noong bata pa siya.
Pero ng isa-isa na niyang tiningnan ang mga kagamitan at bagay sa loob ay nagulat pa siyang may malaking halaga palang nakatago sa ilalim ng bag, may kwentas na may locket at larawan sa loob nito.
Naalala niya ang sinabi ng lola niya noon.
“Faith, apo itinago ko ang bag na ito upang ibigay sa iyo sa oras na kakailanganin mo. At ito na ang tamang oras.
“Bago pa binawian ng buhay ang iyong ina ng dahil sa trahedya sa bus ay ibinigay ka niya sa akin at ang bag na ito.
“Hindi ko ginamit ang pera dahil para ito sa iyo paglaki mo at kung kailangan mo na.
“At kung sakali mang nais mong hanapin ang iyong mga kamag-anak sa palagay koy mahahanap mo sila sa pamamagitan ng liham na ito”, at inabot ni Lola ang isang sobre.
Binuksan niya ang liham at may nakasulat doong pangalan at address ng lolo at lola niya, ang mga magulang ng yumao niyang ina.
Mr and Mrs Benjamin Chua.
Pero wala siyang balak kontakin ang kung sino man ang nasa sulat. Kontento na siya sa piling ng kanyang Lola Maria, na siyang kinilala niyang tunay niyang kamag-anak.
Ang perang nasa loob ng bag ay puro dolyaris hindi sa Philippine Currency.
At ng bilangin niya ito ay nasa 500,000 dolyaris o mahigit 30 million in Philippine Currency.
Nalula yata siya sa laki ng perang iniwan ng mga magulang niya. At itinago ng mahabang panahon ni Lola Maria.
Pero hindi niya maiwasang maka-isip ng masama. Ano kaya ang kanyang mga magulang noon? hindi kaya galing sa masama ang perang ito? Baka kaya sunod-sunod ang mga kamalasan niya ay dahil siya ang nagbabayad ng mga kasalanan ng mga magulang?
Kaya naman ay hindi niya ginalaw ang pera. Hanggang kinailangan na talaga nila.
Umuwi sila ng probinsiya pagkatapos ng nangyaring sunog at doon nagtayo sila ng maliit na bahay at maliit na negosyo ni Faith.
Ginamit na niya ang pera. Para din naman ito sa kanila.
She started a little convenience store na pumatok naman sa bayan nila.
Hanggang napansin niyang wala pang printing press na negosyo doon sa bayan nila.
At dahil mahilig sa art at mahusay mag design at drawing si Faith ay doon na siya tumutok.
Tumatanggap siya ng kahit anong pa design. Ma- tarpaulin, banner, logo, merchandise at personalized items. May mga inoonline din siyang mga bag na she personally designed.
Hanggang sa lumago na ang negosyo niya both online at sa physical store niya sa loob lamang ng isang taon.
Lumaki na rin ang convenience store niya na may branch na sa kabilang bayan.
May mahigit tatlongpu na siyang mga trabahanti ngayon.
Ang maliit nilang bahay ni Lola ay naparenovate at pinalakihan na niya.
May mga sasakyan na rin siyang naipundar.
Masasabi na nga niyang mabuti na ang kalagayan nila ni Lola.
Lumipas na rin ang kahirapan nila.
Ngunit hindi pa rin masaya ang dalaga dahil kahit isang taon na ang lumipas ay hindi pa rin siya makalimot sa binatang akala niya’y madali lang kalimutan.
Hindi siya hinanap ng lalaki. Hindi kailanman tumawag pa sa kanya ulit.
Alam niyang binura at na block na niya ang numero pero sa yaman ng lalaki alam niyang may mga koneksiyon at paraan iyon para hanapin o kontakin siya kung gugustuhin nito.
Kaya sa isip niya ay hindi talaga siya mahalaga sa binata. Likhang isip lang niya ang nakikita at naramdamang pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya noon.
Ganoon pa man ay naiisip pa rin niya ito at nami-miss kahit hindi man niya aminin.
Bumalik siya sa pag papadala ng mensahi kay Ced sa message app kapag nalulumbay siya.
Ito pa rin ang sumbungan niya sa lahat ng mga kalungkutan at maging sa mga masasayang araw niya.
Hinanap din ni Lola Maria si Mr Sebastian noon nagtataka ito bakit nawala na lamang itong bigla at hindi na nagparamdam.
Sinabi na lamang niyang hindi nag work ang kanilang relasyon at hiwalay na sila.
Isa sa mga dahilan siguro kung bakit nag desisyon rin si Lola na umuwi at dalhin siya sa probinsiya para makalimot siya.
Hindi man sabihin ni lola ng diritsahan sa kanya pero nararamdaman niyang nalungkot din ito sa nangyari sa kanilang dalawa ni Greg Sebastian.