Wondering Who He Is

1037 Words
Patapos na si Faith sa kanyang mga gawain online ng mag ring naman ang telepono. Nakita agad niya ang pangalan doon. "Hi! Chingu! napatawag ka? You need another advice?", biro niya dito "Ako naman ang malungkot ngayon", sagot nito sa kanya. "Bakit, anong nangyari? tungkol ba ito sa babae ulit?", tanong niya. "Kasi, walang nakaalala sa birthday ko!", parang batang nagsusumbong ito sa kanya. "Oh? Birthday mo ngayon?", anas niya. "Oo eh, pero okay lang lilipas din naman ang araw na ito", malungkot pa ring wika nito. "Alam mo, kapareho kayo ng kaarawan ng kakilala ko!", anas pa niya. "Sino? kilala ko ba?", tanong ng lalaki. Natawa naman si Faith dito. "Ni hindi nga tayo magkakilala eh! kaibigan ko pa!", anas ni Faith sa kausap. Natawa na rin ang lalaki sa kabila. "Sige! dahil kaarawan mo ngayon ay kakantahan nalang kita! okay ba sa iyo iyun?", tanong niya. "Okay na okay, atleast may nag greet na sa akin at may pa kanta pa!", masaya ng wika ng lalaki. "Sige ha! pero huwag mo kong tatawanan!", habilin pa ng dalaga. "Promise hindi!", anas ng lalaki. "Happy Birthday to you!..Happy Birthday to you! Happy birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!", kanta niya dito na may kasama pang palakpak. "Yohoo!! sigaw ng lalaki sa kabila. Na talagang masigla na ngayon. 'Totoo talaga sigurong walang nakaalala sa kaarawan nito ngayon!', sa isip ni Faith dahil naramdaman talaga niyang totoo ang saya nito pagkatapos ng kanta niya. "Maraming salamat talaga! kahit papaano ay masaya na ang kaarawan ko!", wika pa nito. "Nasaan ba kasi ang mga pamilya at mga kaibigan mo?", tanong niya dito Natahimik naman ang lalaki sa kabila. "But you don't have to answer if you cannot answer, okay?", biro pa niya dito Baka may hidwaan ito sa mga magulang o kaibigan. "It's okay!.. Well.. they were all far from me. My parents were divorced since I was young, My mom already has her own family now while my dad is away, he's stateside. Ako lang mag isa dito sa Pinas. Wala akong masyadong kaibigan din", sagot ng lalaki. Naalala ni Faith si Ced. Pareho sila ni Ced, divorce din ang parents at may pamilya ng iba ang mama nito at ang daddy naman ay foreigner nasa Amerika. Pero iwinaksi nalang niya ang naisip. Lahat nalang ba ay iuugnay niya kay Ced? Nagkataon lang siguro na itong lalaking kausap niya ngayon ay kapareho ng Family Background ni Ced. Marami naman sigurong ganoon. “Okay lang iyun! buti ka pa nga ay komplito pa ang parents kahit malayo sila. Eh, ako talagang wala ng mga magulang. I am an orphan, my parents both died in a bus crash accident when I was a baby, Ako lang ang himalang nabuhay. Mabuti nalang at may kumupkop sa aking mabait na tao, si Lola Maria. Kaya hito! masaya pa rin ako kahit wala akong kinilakhang magulang”, kwento niya dito. “That was sad! I don’t know what to say”, wika na lamang ng lalaki sa kabilang linya. “Papadala ko ba sa maala-ala mo kaya ang kwento ng buhay ko? siguradong papatok ito”, natatawang sabi ng babae. Natawa na rin ang lalaki sa kabila. “At alam mo ba? sa maniwala ka o hindi! may plot twist sa story ko!”, anas pa niya sa lalaki. “Oh? ano naman iyun? hopefully exciting ang plotwist mo”, anas ng lalaki. Natawa ulit siya sa lalaki. “Yep! It’s a surprising turn of events”, panimula niya. “Itong mga magulang ko ay mayaman pala. Just recently I found out that they left me a huge cash of money. Itinago lamang ito ng kumupkop sa akin for a very long time. And Atlast ay ibinigay na niya sa akin dahil nasa tamang oras na daw. Kaya ayon! nakapundar na kami ng bahay at negosyo! Marami kaming hirap na dinanas ni Lola Maria, pero hindi talaga niya binawasan ang halagang itinago niya para sa akin”, kwento niya sa lalaki. “Wow! Ipadala mo na sa maalaala mo kaya! maraming maiiyak at sasaya sa kwento mo! promised! naiiyak nga ako dito oh”, biro pa nito sa kabilang linya. “Hindi kapani-paniwala no? pero totoo talaga ito, kung gusto mong malaman na totoo ang kwento ko ay isearch mo si Mr Benjamin Cruz, hindi ko sila kilala ha personally, hindi ko pa din siya isenearch online. But according to a letter na ibinigay din ni lola galing daw sa mama ko ay siya daw ang Lolo ko. Pero para sa akin ay hindi ko na siya kailangan. Masaya na ako sa Lola Maria ko at masaya din naman kaming namumuhay ngayon”, mahabang kwento niya. Natahimik ang lalaki sa kabila. “Hello? nakatulog ka na ba sa kwento ko?”, tanong niya dito. “Ahmm.. almost! ‘di biro lang.. I am taking notes para di ko malimutan. Na inspire ako sa story mo. Baka magsulat ako ng libro. Magandang plot iyang kwento mo ha!”, anas pa nito sa kanya. “Hayy naku! Business minded pala ito! Pero magandang gawing libro nga anu? Anu? game ako sa naiisip mo!”, sagot niya dito. Natawa ang lalaki. “O, bakit anong nakakatawa doon?” “Wala! Itulog mo nalang siguro ang mga naiisip mong kwento , okay?”, anas nito. “What? hindi ka naniniwala sa akin!”,anas niya. “Nabasa mo lang yata iyon sa libro o napanood sa drama eh”, asar pa ng lalaki sa kanya. “Ayy.. hayof tu ah! nag effort pa akong magkwento, di naman pala maniwala”, anas niyang midyo naasar kunyari. “Okay, sige na! naniniwala na ako! Balitaan kita tungkol kay Benjamin Cruz. I will look him up for you!”, anas ng lalaki. “Naku! huwag na. I only made up his name, pangalan iyan ng alaga kong pusa, Si Mr Benjamin Cruz o Mr Ben! Huwag ka ng mag effort!”, biro na lamang niya sa lalaki. Natawa ulit ang lalaki sa kabilang linya. Magaan talaga kausap itong lalaking ito! Puro lamang sila biroan at hindi seryoso. She’s wondering now who he is?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD