Sinamahan ni Greg si Faith sa hospital. Nasa ICU pa rin si lola Maria.
Pinagpaliban na muna niya ang kanyang mga meeting tungkol sa issue ng mga na recall na mga gamot.
Pu-pwedi nang pumasok sa ICU ang kapamilya ng pasyenti ayon sa attending physician kung gustong bisitahin ang matanda.
Kaya hindi nag dalawang isip ang dalaga na puntahan ang lola niya.
"Pupuntahan ko muna ang lola ko, alam kong busy ka rin kaya balikan mo nalang ako kapag hindi ka na busy", wika niya sa lalaki bago siya magpalit ng gown para makapasok doon sa loob ng ICU.
Alam niyang busy ang lalaki kasi ilang ulit ding nag ring ang cellphone nito pero hindi nito sinasagot ang tawag at maya't maya ring may mensahing inaaabot ang sekretary nito sa binata.
Hindi naman siya bulag at manhid para hindi makuha na may problema sa kasalukuyang hinaharap ang lalaki.
"Okay! babalikan kita dito mamaya ha pagkatapos ng mga appointments ko", anas ng binata. Hinalikan pa siya sa ulo ng lalaki bago umalis.
Isa na namang gesture na kaparehong-kapareho kay Ced. Na nagpapalito sa kanya.
Tumalikod na ang lalaki kasunod ang sekretary nito.
Umiling-iling na lamang ang dalaga upang burahin muna ang nasa isipan.
Nagpunta na siya sa silid kung saan maghuhugas ng kamay at magsusuot ng disposable gown, gloves at mask, pati hair cap bago makapasok ng ICU.
Nang nasa loob na siya ay hindi niya mapigilang maiyak. Sinisisi pa rin niya ang sarili niya kung bakit nasa ICU ngayon ang lola.
Nagpapakita na kasi ng sign noong gabing iyon na nanghihina ang lola, pero dahil hindi niya iyon sineryoso at umalis pa para makipagkita sa lalaki.
Naagapan sana ng maaga ang cardiac arrest ng lola kung naroon sana siya noong mangyari ito.
Kung sakaling hindi nakaligtas ang lola niya ay baka hindi niya kakayanin.
Hinawakan niya ang mga kamay nito. Wala pa ring malay ang lola niya. At tanging tunog ng makina ang maririnig sa loob.
"Patawarin mo po ako lola, hinding-hindi na po kita iiwan! please.. gumising ka na po! diba ay mamamasyal pa tayo sa park? bakit nandito ka pa sa higaan?", humihikbing wika niya dito.
"Lola, alam mo bang may nakilala akong mabait na tao? at kamukhang-kamukha ni Ced po. Sa tingin ko nga lola ay si Ced siya, binalikan tayo sa wakas", patuloy na kwento niya dito.
"Pero ang taong ito ay napakayaman po lola kaya iwan ko kung si Ced ito o hindi, nalilito po ako. Pero sa ngayon ay nagkakamabutihan po kami”.
“Sa palagay mo po Lola, kung sakaling hindi siya si Ced, maiintindihan po kaya ni Ced kung magmahal na ako ng iba?", anas niya sa lola na mahimbing pa rin ang tulog.
"Lola, ipapakilala po kita sa kanya paggising mo po! hindi ka ba excited? magkaka lovelife na ulit ang apo mo po! kaya please... gumising ka na lola", umiiyak pa ring niyang turan nito.
Hindi na niya namalayan ang oras sa loob. Tela naidlip yata siya sa gilid ng kama ng lola niya sa kakaiyak.
May lumapit na na nurse at sinabihan siyang hindi pweding magtagal sa loob.
"Lola, babalik po ako mamaya po, nasa labas lang po ako maghihintay sa inyo", paalam niya sa matanda na mahimbing pa rin.
At lumabas na siya ng ICU. Sa labas na lang muna siya mag aantay.
Habang nag-aantay sa labas ng ICU ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang nurse na nanggaling sa loob.
“Alam mo bang kawawang-kawawa ang pasyenting lola na iyan, natagpuan nalang ng nurse mga bandang hating gabi na halos wala ng buhay. Inataki pala, nahulog na nga ang lola sa kama niya parang pilit tumawag ng tulong. Walang awa talagang kamag-anak , hayy naku! iniwan ba naman ang pasyenti kabago-gabo palang na opera”, anas ng nurse na wala man lang paki kung may makarinig na iba.
“Ganoon ba? kawawa naman”, narinig niyang sagot ng isa pa bago tuluyang umalis ang mga ito.
Napaiyak muli si Faith. Awang-awa siya sa lola. Hindi niya maisip ang sakit at struggle nito habang inaataki at wala man lang tulong o matawagan.
Nais niyang gulpihin ang sarili. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat.
Pinapangako niyang simula ngayon ay hinding hindi na niya iiwan ang lola niya kahit isang segundo, magising lamang ito.
Matagal na nag-antay si Faith sa labas ng ICU. Hindi siya nakaramdam ng pagod o di kaya’y gutom, naroon lamang siya nakatungo at nagdadasal.
Ngayon ay hindi rin siya nag padala ng mensahi kay Ced sa messenger app, unusual sa kanya.
Nahihiya kasi siya sa ginawa niya kagabi.
Mga bandang hapon ay bumisita ang doctor ng kanyang lola, kaya hindi na niya pinaglagpas ang pagkakataong kausapin ito.
Inimbita siya sa opisina ng may edad na ring doctor.
Sumunod naman siya dito. Nais niyang linawin at alamin kung bakit naCardiac arrest ang lola niya.
At doon naipaliwanag ng doctor na isa sa mga gamot na itinira noong operasyon ng lola niya ay mukhang hindi gumana o walang bisa, kaya pagkatapos ng operasyon ilang oras ang makalipas ay nakaranas ng matinding sakit ang pasyenti that leads to her cardiac arrest.
Klinaro ng doctor na hindi malpractice ito, kundi kapabayaan ng supplier ng hospital o namamahala sa mga gamot.
At ang lahat ng mga gamot nila ngayon ay sumasailalim na sa matinding magsusuri.
Na recall na ang lahat ng mga depektibong gamot.
“Alam niyo po ba Doc kung anong pharmaceutical galing ang gamot na depektibo?”, tanong niya sa doctor.
Sana mali ang hinala niya.
“It’s controversial iha, hindi ko pupweding sabihin sa iyo”, anas ng doctor.
“C&F Pharmaceutical po ba?”, diritsang tanong niya sa doctor.
Hindi sumagot ang doctor kundi yumuko lang ito.
Biglang nanghina si Faith, sa lahat pa ng pweding kompanya kay Mr Sebastian pa.
Pupwedi kasi niyang ikaso ang nangyari sa lola niya at ipasara ang pharmaceutical.
Nagpasalamat na lamang siya sa Doctor bago umalis.
Bumalik siya sa upoan sa labas ng ICU.
Mas lalong bumigat ang kalooban niya.
Grabi talaga magbiro ang tadhana sa kanya.
Masama ba siyang tao noong nakaraang buhay niya? bakit tela pinaparusahan siya sa kasalukuyang buhay niya ngayon dahil sa dami ng pagsubok.
Nanatili siya doon sa upoan, hindi kumakain o kahit uminom man lang ng tubig.
Hanggang sa gumabi na ay naroon lamang siya, hindi tumitinag.
“You know that you’re lola wont be happy if she learns that you’re torturing yourself?”
Biglang napaangat ng mukha si Faith. Si Mr Sebastian iyon. Nakangiti sa kanya at may hawak na supot, mukhang pagkain iyon.
“May sekretary said that you’ve been here since morning and not moving an inch? what happened?”, tanong pa nito sa kanya.
“Wala naman, sort of self punishment lang siguro dahil kasalanan ko talaga ang nangyari sa lola ko”, sagot niya dito.
Umupo na sa katabing upoan ang lalaki.
“Di ba ang sabi ko ay wala kang kasalanan sa nangyari sa lola mo”, anas nito sa kanya.
“Hindi pa rin mawala sa akin eh, na kung naroon lang ako ay maagang naagapan sana ang cardiac arrest ni lola, alam mo bang nahulog si Lola sa kama niya? sa sahig na siya natagpuan ng nurse? ibig sabihin she struggled to find help Mr Sebastian, at nasaan ako noong panahong iyun? nasa mga bisig mo? nagpapakasarap..”, humahagulhol na naman ang dalaga.
“Shhh.. tama na iyan, okay? Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, She will recover soon, okay?”, niyakap na siya nito para kumalma siya.
Maya-maya din naman ay kumalma na ang dalaga.
“Nagugutom ka na ba, ano kaya kung kumain na muna tayo?”, anas nito sa kanya.
Mabait sa kanya ang lalaki, taliwas sa aura at hitsura nito na mala ma-autoridad.
Tumango naman ang dalaga.