Nang sumikat na ang araw ay naglinis lamang ng katawan at nagpalit ng damit si Faith doon sa semi-private room ng lola, naroon pa rin naman ang kanilang mga gamit at walang ibang pasyenti doon.
At bumalik na rin siya sa labas ng ICU.
Mga alas Nuwebe na ng umaga. Hindi niya ikinakailang parti ng utak niya ay nag-hihintay kay Mr Sebastian, Di ba ang sabi nito ay babalikan siya ngayong umaga?
Pero sinasaway din niya ang sarili. Busyng tao iyon at may kinakaharap ding problema sa kompanya kaya hindi siya magiging priority nito.
Pero ng bandang mga alas 10 na ng umaga ay narito na ito sa hospital kasama ang doctor ng lola.
Masaya siyang makita ang lalaki ngunit hindi niya pinakita ito.
“Good morning Sunshine!”, bati nito sa kanya na naka ngiti.
Nagulat tuloy siya sa bati nito.
Bakit halos lahat ng gestures ay pareho sila ni Ced. Naiinis na tuloy siya dito.
Kaya imbis na ngitian niya ito at batiin din ay inis-snob niya ito at sa Doctor na lang binaling ang atensiyon.
At hindi na naman din nangulit pa ang lalaki.
At ang sabi ng doctor ay pupwedi nang ilabas sa ICU ang lola niya dahil stable na naman ang kalagayan nito at hinihintay na lamang magising ang matanda. Pwedi na itong ilipat sa kwarto.
Masaya si Faith sa narinig. Sa wakas ay wala na sa bingit ng kamatayan ang lola niya.
At hindi nga nag laon ay inilipat na ang matanda sa isang private room.
“Ahm.. teka lang ho bakit dito ililipat si Lola sa mahal na room? may room na po kami doon sa ibaba, doon na ho kami”, anas niya sa attendant na naglilipat sa lola niya.
“Ah, dito po ang instruction maam. Ito na po ang kwarto ng lola mo”, sagot ng attendant sa kanya.
Nagsalita din ang doctor na nasa likuran lang at sumama sa paglilipat kasabay ng mga nurse para siguraduhing maayos ang pasyenti sa bagong kwarto nito.
“Mas mainam ang kwartong ito iha kasi sensitibo pa ang lola mo, bawal na bawal itong maexpose sa maraming tao at baka mahawa ng iba pang sakit. Mas mabuting sa private room siya habang nagpapagaling”, wika ng doctor na nag checheck na sa lola niya pagkatapos mailipat sa higaan doon.
Ang mga nurse ay busy din sa pag checheck sa mga tubong nakakapit sa lola niya at sa machine.
Tumango na lamang siya dito at hindi na nakipag argue.
Hindi na niya nakita si Mr Sebastian, baka pumasok na ito sa trabaho. Hindi niya kasi pinansin kanina kaya hindi din niya namalayan ang pag -alis nito.
Alam niyang si Mr Sebastian na naman ang nag set up sa kanila ni lola na sa private room sila, sa tingin nga niya ay ito rin siguro ang nag palipat sa kanila noon sa semi-private mula sa ward, iwan niya. Baka kursonada talaga siya ng lalaki noon pang unang kita nila sa elevator, hinala niya.
Kung gusto siya nito bakit hindi siya ligawan? o baka dahil stateside ang lalaki, kapag may nangyari na sa inyo , akala nito ay kayo na? baka ganoon ang paniwala ng lalaki.
Pero iba kasi siya, gusto niya ng confirmation at affirmation ng iyong nararamdaman. Gusto niyang marinig na mahal siya ng lalaki. Gusto niyang ligawan siya.
Hahay.. nawala na naman siya sa pag-iisip sa lalaking iyon.
Napabalik sa kasalukuyan si Faith ng nagpaalam na ang doctor.
May isang nurse na hindi umalis at tela nagbabantay sa lola niya.
Nagtaka tuloy siya kaya kinausap niya ito.
“Ah, nurse pupwedi mo na kaming iwan ng lola, kaya ko na dito”, anas niya.
“Ah maam! ako po talaga ang mag aalaga sa lola mo, I am paid to do so. Kaya pupwedi ho kayong magpahinga na muna, ako ng bahala sa lola mo”, nakangiting sagot nito sa kanya.
Napangiti na lamang siya dito.
“Ah, sige. Doon lang ako sa sofa”, anas na lamang niya.
Tumango naman ang nurse sa kanya.
‘Mr Sebastian na naman ito!’, sa saloobin niya.
“Bahala kang gumastos para sa amin, mayaman ka naman, sabi mo nga you earned millions a day”, mahinang wika niya sa sarili habang nasa sofa.
Napansin niyang malambot at komportable ang sofa sa loob ng room. Kaya hindi na niya nakayanan at napapikit na.
———-
Maagang umalis ng condo si Greg at dumiritso sa hospital, pero hindi siya dumiritso kay Faith kundi sa doctor.
Nandoon naman ang doctor sa opisina nito.
Kinamusta niya ang kasalukuyang sitwasyon ng matanda kung pu-pwedi na ba itong ilipat sa isang private room na hindi malalagay sa alanganin ang buhay nito.
At ayun naman ng doctor ay stable na naman din ang matanda at lahat ng test dito ay maganda na ang results, hinihintay lang talaga nilang magising ito, at pupwedi na itong ilipat.
Masaya ang binata sa nalaman kaya kaagad niyang pinaayos ang isang private room at isinagawa kaagad ang pag lipat, at ng sagayun ay makakapahinga na rin si Faith, hindi iyong naka-upo lang ito sa labas ng ICU.
Sumama siya sa ICU at nakita nga niya ang dalaga, nag aantay doon.
Although nakaligo na ito at nakapagbihis pero inaalala pa rin niya ang kalusugan nito.
Binati niya ito ng magandang umaga pero masama ata ang umaga nito dahil inis-snob lang siya nito.
Pero bakit mas naging cute ito kapag nagagalit?
Nahuhulog na nga siya sa babae.
May meeting siya ng umagang iyon kaya ay bumalik na muna siya sa opisina, hindi na siya nakapagpaalam sa babae na naging busy na sa paglilipat.
Daanan na lamang niya ito mamaya.
———
Tanghali na kaya nag order ng masasarap na pagkain si Greg at pinadeliver sa opisina niya.
At ng dumating ang mga inorder na pagkain ay binitbit na niya ito at nagtungo sa private room ni Lola Maria.
Doon na siya kakain kasabay ng dalaga. Sana’y hindi na ito galit ngayon.
Pagdating niya doon sa silid ay nakita nga niyang nahihimbing pang natutulog ang babae sa sofa.
‘Salamat naman at nakatulog na ito sa wakas’, sa isipan niya.
Inilapag niya ang mga dalang pagkain sa mesa doon.
Mamaya na niya gisingin ang babae.
Umupo siya sa katabing upoan at masayang pinagmamasdan ang babaeng natutulog.
Maganda talaga ito at ang amo ng mukha.
She has this beautiful and long eyelashes na hindi na kailangan ng extension dahil natural na ito. She has beautiful eye brows na hindi na kailangan dagdagan o purmahin. Matangos na ilong at mapupulang mga labi, na alam niyang napakalambot niyon dahil natikman na niya ito ng pa-ulit ulit.
Napalunok siya sa naiisip. Parang gusto niyang halikan ngayon ang dalaga.
Kinontrola niya ang sarili dahil baka magalit ito sa kanya.
Iwan niya kung bakit mataas talaga ang libido niya sa babae. Napaka lakas ng s*x appeal sa kanya
Pero sa ngayon ay kuntinto na muna siyang pagmasdan ito.