Sa wakas ay napagod din ang lalaki.
Nakapikit ito habang nakahiga sa tabi ni Faith.
Hubo’t hubad pa rin sila pareho.
“Mr. Sebastian? tulog ka na ba?”, tawag niya dito.
“Mmm?”, tanging sagot nito sa kanya pero ay kumilos ito, hinapit siya papalapit sa dibdib nito at niyakap ng mahigpit.
Napapikit si Faith. Ganitong-ganito si Ced noon tuwing matutulog sila.
“May tanong sana ako?”, patuloy niya.
“mmm? what is that?”, sagot naman nito na hindi nag bukas ng mga mata.
“Saan mo pala nakuha ang mga piklat na ito?” tanong niya habang hinimas ang malaking piklat sa dibdib ng binata.
“mmm.. you’re being curious huh?”, anas nito.
“Gusto ko lang malaman, are you a survivor of a plane crash somehow?”, tanong niya.
Natawa naman ang lalaki sa sinabi niya.
“Bakit? nakakatawa bang tanong ko?”, anas niya dito, midyo naiinis.
“Napaka-wild naman ng imagination mo, Miss Torres. Pero sige sasabihin ko na”, anas nito.
“Hindi sa isang plane crash but from a fatal car accident sa amerika mga 4 years ago”, dagdag nito.
“4 years ago? and in any case, nagka amnesia ka ba after ng aksidenti?”
“Mmm.. yep! mild amnesia but somehow nagbalik naman mostly sa mga nabura kong ala-ala”, sagot nito.
“Why so curious huh?”, dagdag na tanong nito sa kanya.
“Naguguluhan kasi ako..”, pagsisimula niya.
Sa wakas ay nagmulat ng mata ang lalaki at tiningnan siya sa mukha.
“What’s the matter?”, tanong nito sa kanya.
“The Cedric Sebastian that I asked you? boyfriend ko siya na namatay sa isang plane crash mag-aapat na taon na ang nakalipas. Magkamukha kayo, magka-boses at magkapangalan!”, sagot niya dito.
Bumangon siya sa pagkakahiga at matamang pinagmasdan ang mukha ng lalaki.
Rumihistro din ang pagkalito sa mukha nito.
“Wala ka bang naaalala tungkol sa akin? Narito ka ba sa Pilipinas bago ang aksidente mo?”, patuloy na tanong niya dito?
Pero akmang sasagot na ang lalaki ng tumunog ang cellphone niya.
Naalala niya ang kanyang lola sa hospital.
“Si Lola! kailangan ko ng bumalik ng hospital!”, nagmadali na siyang bumangon at hinablot ang kobre kama upang ipang tapis sa katawan niya.
Dali-dali din niyang sinagot ang tawag habang nag puntang banyo upang mag bihis.
Naiwan ang lalaki sa kama na hindi naka kilos.
Ngunit ay tumunog din ang doorbell ng kanyang unit.
Kaya wala na siyang nagawa kundi bumangon na rin at magbihis.
Mag-aala una na ng madaling araw pala. Pero sino ba tung nang -aabala sa dis-oras ng gabi?
Pagbukas niya ng pintoan ay ang sekretary niya.
“Sir! Bakit po nakapatay ang cellphone niyo? may emergency pong nangyari”, anas nito sa kanya na natataranta.
“Will you come down please.. Pati ako natataranta sa iyo! ano bang nangyari at sinugod mo pa ako sa bahay!”, inis na sabi niya dito.
“Sir! some of the batches of Tranexamic Acid Injection were recalled due to the discovery of metal particles in a vial Sir! and some of those batches were already used in some hospitals during operations”, paliwanag nito.
“What? bakit ngayon pa nila ito nirecall?”
“They are investigating na po kung anong nangyari Sir!”.
Sa narinig ay nagmadali na siyang magbihis at tutungo sa hospital.
Naalala niya si Faith sa loob ng banyo, hindi pa ito lumalabas doon hanggang ngayon.
Kaya pagkatapos magbihis ay kinatok niya ito sa banyo.
“Miss Torres? are you in there!”
Walang sagot mula sa loob pero nakalock ang pintoan.
Kinatok niya ito ng malakas. Pero wala paring sagot.
Baka napaano na ito sa loob.
Kaya dali-dali niyang kinuha ang master keys at binuksan ang pintoan ng banyo.
At doon nakita niya ang babae na naka upo lamang sa sahig at naglulupasay ng iyak.
Agad niya itong nilapitan at niyakap.
“What happened?”, agad niyang tanong dito.
“Mr..Mr. Sebastian.. ang.. lola.. ang lola ko po, critical daw”, putol putol na wika nito habang patuloy na tumatagis.
Pinahid niya ang mga luha nito at niyakap.
“Kasalanan ko ito..”, patuloy pa nito habang umiiyak.
“Kung hindi ko sana iniwan si Lola.”, patuloy nito.
“sshh.. wala kang kasalanan! Let’s go to the hospital now”, wika niya dito at inalalayang maka tayo.
Nakabihis na naman ang babae kaya lumabas na sila ng banyo.
Nakita pa niya ang gulat ng kanyang sekretary noong nakita ang babae.
“Glen, drive us to the City Hospital please”, anas niya sa sekretary habang inalalayan pa rin ang babaeng hindi pa rin matigil ang iyak.
Pagdating sa hospital ay sinamahan na muna ni Mr Sebastian ang babae. Nasa ICU pa ang matanda.
Halos mawalan na ng ulirat sa pag-iiyak ang dalaga sa nakitang kalagayan ng matanda.
Kung hindi niya ito sinamahan ay baka ano pang mangyari sa dalaga.
Madali ding kumuha ng tubig ang sekretary niya.
Nahimasmasan naman ng kaunti ang dalaga ng nakainom ito.
“You need to be strong, okay? Kukuha tayo ng magaling na doctor at nurses, for now you need to rest”, wika niya sa babae.
Nagpatianod na lamang ito sa kanya. Siguro ay napagod din sa pag iyak.
Pina-upo na muna niya ang babae sa di kalayuang silya habang kinausap ang sekretary.
Binigyan niya ng instruction ang sekretary upang mag asikaso dito sa hospital.
“Oh? ito yung pasyenti na tinulungan mo rin Sir? yung inilipat mo sa semi private room? nakakaawa naman. Akala ko ho ba ay successful ang operation nito? bakit nagkaganito?”, anas pa ng sekretay.
“Huwag ka ng maingay. At ito rin ang iimbistigahan ko kung bakit, kung ito’y malpractice sisiguraduhin kong mananagot ang doctor na humawak sa matanda, sa ngayon ay kukuha tayo ng pinakamagaling na doctor”, anas niya sa sekretarya.
Pagkatapos magbigay ng instruction sa sekretarya ay binalikan niya ang dalaga.
“Would you like to go home for now? ang sekretary ko na ang mag-aayos dito, sa ngayon ay ligtas na ang lola mo ayon sa doctor pero dapat pa rin siyang nasa ICU dahil mataas pa rin ang posibilidad na maulit ang cardiac arrest”, paliwanag niya sa babae.
“Ayokong umuwi Mr Sebastian, gusto kong maka-usap ang doctor kung bakit nangyari sa lola ito, sabi nila maayos na ang lola ko pero bakit.. bakit..”, hindi na nito natapos ang sasabihin dahil umiiyak na naman ito.
“Yes, kakausapin natin ang doctor, okay? bukas na bukas rin”, anas nito sa kanya.
“But for now, you’re too weak to handle this, let’s go home and come back tomorrow, may private nurse na ring mag-aalaga at titingin sa lola mo, okay?”, anas ng lalaki at hinila na niya ang babae patayo.
Bukas na niya aasikasuhin ang problema niya sa kompanya. Uunahin na muna niya ang nangyari sa lola ng babaeng iwan niya ay na-attached na siya ng husto.
Inalalayan niya ang babaeng makasakay sa kotse.
Babalik na muna sila sa condo, at bukas na aayusin ang lahat ng gulo.