Pa-uwi na si Faith ng bahay, mag-aalas 10 na ng gabi, marami kasi silang tinapos na printing doon kaya ginabi na talaga siya ng husto.
Nang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ang pangalan ng tumatawag. Muntik pa siyang mapatanong kung sino si Chingu? Naalala naman niya agad ito. Kaya ay sinagot na niya ito.
"Hello? kumusta Chingu?", bati niya dito.
"Masigla ka yata ngayon, wala ka na bang problema?", agad puna nito sa kanya.
"Ito naman! gusto yata palagi akong may problema. Di ba pweding masaya naman ako!", anas niya sa kausap.
Natawa naman ang kausap niya sa kabilang linya.
"Baka kasi hindi kana talaga tatawag sa akin dahil wala ka ng isusumbong at hindi mo na kailangan ng kausap", wika nito
"Well... pwedi naman sigurong vice versa, tawagan mo ako kapag ikaw ang kailangan ng kausap. At tatawag pa rin ako sa iyo no, kahit masayang kwento ang ishi-share ko sa iyo!" anas pa niya.
Kahit extranghero ito ay magaan talaga ang loob niya dito.
"Sinabi mo iyan ha!", sagot ng lalaki sa kabila.
"By the way, napatawag ako dahil baka ay makatulong ka sa akin, I need some advice", anas ng lalaki.
"Oh? hindi ako good advicer but susubukan ko, ano naman ngayon ang problema mo? pero baka lumala pa iyang problema mo dahil sa advice ko", natatawa pang sambit niya.
"No, it's gonna up to me naman kung i-aapply ko o hindi ang sasabihin mo", sagot ng lalaki sa kabila.
"Sige, Fire! share mo na!", anas niya dito at full ears na sa kausap.
"I am currently in-love with this woman, pero galit siya sa akin ngayon. Paano ko kaya mapalambot ang puso niya para bumalik siya sa akin?", tanong ng lalaki sa kanya.
"Ano naman kasi ang ginawa mo ba't nagalit sa iyo si Girl? huh? Nadamay pa ako sa problema mo!", sagot niya dito.
"Tutulungan mo ba ako o sesermonan?", anas naman ng lalaki.
"Sorry na! teka mag iisip na muna ako", sagot niya dito habang naglalakad na papasok ng bahay.
"Teka! ano ba ang dahilan bakit nagalit si Girl? hindi ako makapag-isip ng solusyon kung hindi ko malalaman ang puno't dulo ng war niyo!", dagdag pa niya.
"Ahmm..sort of third party eh, pero wala talagang ibang babae, siya lang talaga ang mahal ko. Kaya lang ay may isang babae na tinext siya at nagpakilalang fiancee ko para lamang sirain ang unti-unti na sanang nabuo kong relasyon with the woman I love. Kaya ayun, She left me", paliwanag ng lalaki.
Hindi nakasagot si Faith sa lalaki. They are almost in the same situation. Ang kaibahan lamang ay totoong mahal ni Lalaki ang babae at nag eeffort itong makuhang muli ang mahal na babae.
Sana ay ganoon din sana si Mr Sebastian sa kanya, pero ay hindi eh, isang taon na nga ang lumipas mula ng umalis siya at wala man lang siyang narinig mula sa lalaki.
"Hello? you still there?", tanong ng lalaki ng wala na itong marinig na sagot mula sa kanya.
"Ah, Oo nandito pa. Nag-iisip lang!", katwiran niya dito.
"Ang guapo mo siguro no at pinag-aagawan ka ng mga babae!", anas pa niya dito.
"Mmm.. sakto lang naman. Pero mag a-advice ka ba o tatawanan mo lang ako! I'm dead serious here", anas pa ng lalaki
"Wow huh? ang hirap kaya ng pinapagawa mo! ikaw nga hindi mo ma-figure out anong gagawin mo, ako pa kayang hindi ko kilala anong gusto ng babae mo!", dagdag katwiran niya.
Natawa naman ang lalaki sa kanya.
"Oh, bakit natatawa ka ngayon? akala ko ba ay seryoso tu!", tanong niya.
"eh, kasi ay mas na stress ka na kaysa sa akin ngayon", anas ng lalaki.
Natawa na rin si Faith.
"Hayaan mo na! I'll figure it out then!", anas ng lalaki makaraan.
"Wait.. baka makatulong itong sasabihin ko, ito naman, atat eh", anas niya
"Okay, ano iyung advice mo!", tanong ng lalaki
Biglang naging seryoso si Faith bago nagsalita.
"You just have to be honest with her! clear all the misunderstandings. Find her now and tell her she's the only one you love, and no other else, huwag mo siyang paghintayin ng matagal. Dahil kung patagalin mo pa iyan, iisipin niyang totoo ang text at iisipin niyang hindi ka naging totoo sa kanya. Kaya bago pa mahuli ang lahat, Go na! find her and tell her the truth!", mahabang wika niya dito.
Ang lalaki naman ngayon ang hindi nakasagot sa kanya.
"Hello? andiyan ka pa?", tanong niya dito.
"Ahmm.. Yep! Sorry, I am taking notes kasi", anas pa nito sa kanya.
"What? tatandaan mo lang naman iyon, nag notes pa, ano tu lecture?", anas niya.
"Para hindi ko makalimutan, maam!", biro pa nito sa kanya.
"Baliw!", anas niya dito at natawa na lamang.
Nag kwentuhan pa sila saglit bago ibinaba na ni Faith ang telepono.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Sana'y mahanap rin siya ni Mr Sebastian. She is just here waiting to be found eh.. Sana lang!