Mga bandang tanghali na kinabukasan ay nakatanggap ng tawag si Faith mula kay Greg.
Excited niyang sinagot iyon.
“Hi! how’s your flight?”, tanong kaagad niya dito.
“It was okay! and food is always great in the plane”, anas ng binata.
Natawa naman si Faith sa kwento nito.
“How’s Lola? may date na ba kailan talaga ang labas ni lola sa hospital?”
“Okay naman si Lola, still insisting on doing her Physical exercises on her own. Nakabantay lang talaga ako dito sa kanya. At baka sa friday na kami lalabas, sabi ng doctor”, sagot niya dito.
“Sa Friday? that’s 2 days from today. If I cannot make it I will have someone to help you sa paglabas niyo”, anas ng binata.
“Okay lang iyon! mag focus ka nalang sa work mo diyan, okay? babalitaan kita kaagad kapag nakalabas na talaga kami”,
“Okay then! thank you. Just stay still on the line okay. Mag che-check in lang ako”, anas ng binata.
Naririnig naman ni Faith ang background ng binata. Kinakausap nito ang receptionist yata dahil narinig niyang about rooms and rates ang topic.
Narinig din niyang kinuha ng binata ang presidential suite.
‘Wow! mag isa lang pero ang pinakamamahal na room ang kinuha, malaki pa. Iba talaga ang mayayaman’, sa isipan ng dalaga.
Hanggang narinig din niya ang isang tinig ng babae. Mahina dahil baka malayo.
Pero napansin pa rin niya ang pagtawag nito sa lalaki.
At ang tinig nito’y wari’y nang-aakit sa binata.
Biglang umusbong ang selos niya dahil sa mga naririnig sa background galing sa lalaki.
‘Umayos ka Faith! bati lang naman iyon, selos ka kaagad? You’re so sensetive and unreasonable’, bulyaw niya sa sarili.
Hanggang bumalik na sa linya ang binata.
“I am sorry love. I’ve just checked in and nandito nako sa suite ko”, anas ng binata.
Naghintay si Faith kung may ikukwento ito tungkol sa babaeng naka-usap kanina. Alam naman nitong nasa linya siya at nakikinig. Baka he won’t mind sharing who she is? para naman mapalagay ang curious mind niya.
Pero walang binanggit ang binata.
Palalampasin na lang niya iyon. Baka ay kakilala lang ng binata iyon at walang ibang ugnayan.
“Mabuti naman para makapahinga ka muna. Anong oras ba ang meeting mo diyan ngayong araw?”
“Mga alas 3 pa ng hapon kaya Yes! papahinga na muna ako”, sagot nito.
“Ibababa ko na ha para makatulog ka na!”, anas ng dalaga.
“Wait! huwag na muna. Kwentuhan muna tayo!”, wika nito.
At nag telebabad pa sila na parang ang tagal ng hindi nag kita.
Wari’y naka LDR ang dalawa.
————-
Greg’s POV
Pagkatapos nilang mag telebabad sa telepono ni Faith ng halos isang oras din ay nag re-ready na siya para sa conference na dadaluhan.
Kanina ay nagkita sila ni Michelle. Hindi niya akalain na dadalo din ito ngayon.
Hindi na niya ikinuwento kay Faith ang tungkol sa babae kanina, alam niyang narinig ni Faith ang mga nakakairitang pang-aakit nito sa kanya.
Si Michelle ay anak ng business partner ng ama niya. Muntik pa silang ipa kasal ng mga magulang nila kung hindi siya nadisgrasya at naging inutil for 2years ay hindi nila iaatras ang arrange marriage. Pero hindi nila inasahan na muli siyang babangon at makabalik sa malusog na pangangatawan.
Kaya ngayon ay nagsisisi ang mga ito at nais ibalik ang noong arrange marriage. Tutol siya sa arranged marriage nila noon mas lalo na ngayong nakilala niya ang mga ugali ng mga Chua. Siya mismo ang prankang tumanggi kay Michelle na ibalik ang arrangement nila.
At ngayon pang nakita na niya ang babaeng pinakahanap-hanap mas lalong ayaw niyang mainvolve sa kahit sinong babae.
Ngunit ang babae ay aaligid-aligid sa kanya at kulang na lamang ay maghubad sa kanyang harapan na hindi uubra sa kanya. Wala siyang ni isang nararamdamang atraksiyon sa babae.
Umiling-iling si Greg para kalimutan ang mga na aalala.
mga bandang alas 2 i-medya ng hapon ng lumabas na ng hotel room ang binata.
————
Nasa isang kilalang hotel ginaganap ang conference na dinaluhan niya ngayon.
Mga kilalang business tycons ang mga naroroon ngayon.
At bilang nagmamay-ari sila ng dalawang malalaking hospitals at pinakamalaking pharmaceutical manufacturer sa bansa ay naimbitahan siya dito.
Ang conference ay tungkol sa mga makabagong teknolohiyang pang medisina upang mapadali ang gamotan at pag oopera ng mga major organs ng katawan ng tao, tulad ng sa puso at utak.
Mahalagang inpormasyon ito upang mapa-unlad din kung sakali ang paraan ng panggagamot sa ating bansa partikular sa mga hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Marami siyang nakilalang mga malalaking tao sa buong mundo sa conference kanina.
Marami ring mga Pilipino businessman doon.
Mga alas 7 na ng gabi ng matapos ang unang araw ng conference.
Ang mga kakilalang businessman at kaibigan ay agad nagyaya na lumabas sila para kumain at mag unwind, mag eenjoy habang nasa Singapore sila.
Gustong tumanggi ni Greg pero hindi siya tinantanan ng mga ito.
Kaya narito sila ngayon sa isang Restobar.
Pagbibigyan na muna niya ang mga kaibigan pero hindi siya magtatagal dito dahil nangangako siyang tatawagan muli ang mahal na niyang babae ngayong gabi. At alam niyang maghihintay ito.