He Will Be Away

841 Words
Masayang naghahaponan ang dalawa. Ang lola Maria ay tapos na ring kumain. Masaya din ito ng makita ang binata lalo ng makita ang bulaklak na dala nito. Nasa hapagkainan pa ang dalawa at nagkukwentuhan habang kumakain. “Faith, by the way, I’ll be away for couple of days, I have a business trip to Singapore tomorrow”, habilin ng binata sa dalaga. “But I’ll make sure to be here sa paglabas ni Lola”, dagdag pa ng binata. Nalungkot ng bahagya si Faith sa narinig, mamimiss niya ang binata sa ilang araw na hindi ito makikita pero hindi na niya ito ipinakita imbes ay ngumiti siya sa binata. “Huwag ka ng mag-alala sa amin ni lola, kaya namin dito, okay? Huwag mo kaming alalahanin, do what you need there! Alam kong importanting trabaho iyon!”, sagot ng dalaga. “I will be in touch with you all the time, okay?”, wika naman ng binata. Tumango at ngumiti si Faith sa binata. Tumayo na ang binata at kiniss sa buhok ang dalaga. Another gestures that reminded her with Ced. Hindi niya alam kung bakit feel talaga niyang si Ced ang binata kahit iba ang storya ng nakaraan ng binatang nasa harapan ngayon. “I will be missing you!”, anas pa nito sa kanya. “Naku! ilang araw lang naman iyon! Madali lang lilipas ang araw, hindi mo nalang mamalayan at uuwi kana pala!”, wika pa ng dalaga na pinapasigla ang kanilang usapan. “Still I will be missing you!”, pangungulit ng binata sa kanya. “Hindi mo ba ako mamimiss?”, dagdag pang tanong nito sa kanya. “Syempre mamimiss.. pero kailangan mong umalis kaya anong magagawa ko!”, sagot naman ng dalaga. “I’ll gonna stay longer tonight”, wika ng binata. Napangiti si Faith sa desisyon ng binata. She likes it when he’s here too. “Sige! pero baka pagod kana ha! Kailangan mo rin magpahinga”, komento ng dalaga. “I’m okay as long as I am here with you”, madamdaming saad ng binata na hinapit na ng tuluyan si Faith sa katawan nito. Kinilig naman si Faith sa mga sweet notes ng binata. Kaya naman ay niyakap niya ito. Bahala na kung tuluyan na siyang mahulog dito. “Mmm.. I wanna stay like this for a while”, anas pa ng binata na nakapikit na habang yakap-yakap si Faith. “Mmm.. me too!”, nakangiting turan ng dalaga. Hahayaan niya ang puso at damdamin niyang manaig ngayon kaysa sa isipan. _________ Mga bandang hating gabi na rin ng mag desisyong uuwi na si Greg. Nasa Sofa lang sila at magkayakap na nakahiga. Kahit malaking tao si Greg ay nagkasya pa rin silang dalawa doon. “Love, I need to go now”, anas niya sa dalaga na nakapikit na. “Mmm? Hatid na kita sa labas”, sagot pa niya dito. “Huwag na, matulog ka na ulit”, wika ng binata. “I’ll call you tomorrow, okay?”, dagdag pa nito at hinalikan siya sa mga labi. “Okay! mag-iingat ka palagi ha? hihintayin ko ang tawag mo”, sagot ng dalaga. At muli pa siyang hinalikan ng binata ng mas maalab at mahabang halik, na wari’y ayaw talaga nitong pakawalan ang dalaga. Natawa naman ang dalaga. Super clingy talaga ng binata taliwas ng imahi nito. “Pagbalik ko humanda ka sa akin!”, bulong nito sa kanya. “I’ll wait for you Mr Sebastian and I’ll be looking forward to it”, bulong din niya dito. At imbis na pakawalan na siya upang umalis na ay muli siyang siniil ng halik nito ng mas mapusok. Hindi na siya nakatanggi at sinagot na niya ang mga halik nito sa kanya. Humihingal sila pareho ng maghiwalay ang mga labi nila. “I can’t get enough of you, Love!”,bulong nito sa kanya. “You need to go now… “, hindi pa niya natapos ang sasabihin dahil hinahalikan na naman siyang muli nito. “Damn! I want to take you! I want to make love to you, right now! ”,mahinang mura nito. “Not now My Love, I am sorry..”, sagot niya dito. Kumalma naman ang binata makaraan. “Then, I will be looking forward to it when I get home”, anas na lamang nito sa dalaga. Ningitian niya ang binata. “Yes! Please”, anas ng dalaga. Bumitaw na sa wakas ang binata sa pagkakayakap sa dalaga. “I’ll get going then. I will see you soon, okay?”, habilin ng binata. “Take care please! See you soon”, sagot niya dito. At umalis na ang binata. Inaamin ni Faith na may kakaibang lungkot at takot siyang nadarama ng tuluyan ng umalis ang lalaki. Tulad ng lungkot noon ng umalis si Ced. Pero pilit niyang pinapatatag ang sarili. Hindi mangyayari ang nangyari kay Ced noon kay Mr Sebastian ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD