Helping An Elderly

990 Words
Kinaumagahan ay maaga ngang bumiyahi si Faith paluwas ng Maynila. Alas 2 pa ng hapon ang meeting niya sa G&F Cosmetics kaya ay nagbook na muna siya sa hotel malapit lang sa companya. At naglakad-lakad na rin siya sa malapit na mall doon. Pumasok siya sa isang cosmetic store at naglibot-libot. Nakita niya ang mga Beauty Products ng G&F cosmetics. Kaya naman ay sinuri niya ang mga ito. Isa ang beauty products na ito sa mga high end pala. Malaking company pala talaga ang magiging partner niya kaya ipinapangako niyang galingan ang trabaho dito. Nang may nakita siyang matandang babae na mukhang nahirapan sa suot na sapatos nito. Naalala niya ang kanyang Lola Maria dito kaya ay nilapitan na niya ito. “Lola, magandang umaga po! masakit ho ba ang paa niyo sa suot mong sapatos?”, tanong niya dito. Nag-angat naman ng mukha ang matandang Ginang sa kanya. Ngumiti ito ng makita siya. “Oo nga eh, mali ang napili kong sapatos”, sagot niya dito. “Gusto mo bang magpalit tayo?”, offer niya dito. Naka white rubber shoes siya at malambot ito at magaan, komportable sa paa. Branded din naman ito kaya mamahalin din. Alam niyang magiging komportable ang lola dito. “Naku! huwag na iha!”, anas nito. “O di kaya’y sasamahan na kita, bili tayo ng komportableng sapatos for you!”, offer niya dito. “Ay huwag na iha, papauwi na din naman ako”, Tanggi ng matanda. “Kailangan niyo pa hong maglakad pababa at malayo-layo pa ho iyon, malapit lang naman ang department store dito”, offer pa niya. “Nakakahiya naman sa iyo iha, nakakaabala pa ako saiyo”, anas ng matanda. “Wala naman talaga akong mahalagang lakad dito Lola, nag lilibot lang talaga ako. Umupo na muna kayo doon sa upoan at ako na ang magpuntang tindahan ha? Hintayin mo nalang ako, okay?”, anas ni Faith. Inalalayan pa ni Faith ang Ginang na maka-upo sa upoan na nandoon. “Madali lang ako lola ha, hintayin mo ako!”, anas niya at nagmadali ng umalis para ibili ang matanda ng komportableng maisusuot. Tumango naman ang matanda. Hindi na nakita ni Faith ang paglapit ng isang Lalaki sa matanda. “Maam, hihintayin niyo po ba ang babaeng iyon?”, tanong nito. “Shhh.. lumayo ka nga baka makita ka pa. Oo hihintayin ko dahil iilan lang ang mga kabataan na ganoon kabait”, sagot nito. Lumayo na ang bodyguard ni Francisca Lim. Kung wala siyang magawa ay paminsan-minsan ay mag didisguise ito at magpupuntang mall. Personal niya sinusuri ang mga empleyado niya at ang mga producto nila na itinitinda sa mall. At ngayong araw nga ay nasa BGC nga siya at nagbihis ng pangkaraniwan para mag masid-masid at kukuha ng first hand experience at unfilter comments sa mga produkto nila. Pero ayun nga ay sumakit ang paa niya sa sapatos niya. At ito nga ay Ibang experience ang nakuha niya. Napangiti ang Ginang. Its really rare to find such youngster who has beauitiful heart and soul. At hindi nga nagtagal ay may dala na itong sapatos para sa kanya. Bumagay pa sa damit niya ang kulay. Isang cute na doll shoes at napaka gaan at komportable. “Lola, tulungan na kitang magpalit ha?”, anas pa nito. At hindi na siya nakatanggi pa. Tinanggal na ng babae ang suot niyang sapatos at ipinalit doon ang bagong bili nito. At kasyang-kasya nga niya. “Try mo pong maglakad lola kung masakit ba o hindi”, wika pa nito na nakangiti. Tumayo na siya at bahagyang naglakad. Hindi na masakit at napakalambot ng sapatos. “Ang galing mo naman pumili iha! ang komportable nga at ang cute ng design”, anas niya. Ngumiti lamang ang dalaga. “Maraming-maraming salamat iha! teka! babayaran kita”, at kinuha nito ang bag at akmang kukuha ng pera. Pero pinigilan ito ng dalaga. “Naku lola! huwag na po! ako naman po ang nag presenta. Regalo ko na po sa iyo iyan! Kung magpunta ka ulit dito ay iyan na po ang suotin mo dahil komportable sa lakaran”, anas pa nito. Hinawakan ng matanda ang kamay ng dalaga. “Napaka-bait mo naman iha! Ano bang pangalan mo?”, tanong ng Ginang. “Ah. eh.. wala po iyan lola! may maganda po kasing nangyayari sa akin ngayon kaya ay ibabalik ko lang po sa kapwa ko ang blessings”, sagot nito. “Faith po ang pangalan ko po!”, dagdag pa nito. “Kaygandang pangalan, bagay sa maganda at mabait na batang gaya mo”, anas naman ng lola. “Kukunin ko ang phone number mo para maanyayaan kita balang araw sa amin, bilang pasasalamat!”, dagdag pa nito. “Ah, sige po lola”, sagot ni Faith sa matanda. At isi-nave na nga ni Faith ang numero niya sa telepono ng matandang Ginang. “Saan ka po pala papunta lola baka masamahan pa kita?”, tanong ng dalaga pagkatapos. “Naku! hindi na iha! tinawagan ko na ang apo ko at susunduin na ako nun. Kaya huwag mo na akong alalahanin”. “Ah, sige po Lola”, sagot na lamang ni Faith sa matanda. Tiningnan niya ang kanyang orasan pambisig. Tanghali na rin pala. “Gusto niyo ho bang mananghalian na muna tayo, lola?”, At bago pa makasagot ang Ginang ay dumating ang bodyguard ng matandang ginang at nagpakilalang apo nito "La! tayo na po!", anas pa nito sa matandang Ginang. "Naku! salamat Iha ha! narito na pala ang sundo ko! Nextime, okay? iimbitahan kitang kumain", anas naman ng matanda. Kinuha na ng lalaki ang bag ng matanda at iba pang bitbit nito. "Sige po lola! mag-iingat po kayo palagi", paalam na rin ng dalaga dito. Kumuway din ang matanda sa kanya habang naglalakad na palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD