It Was All A Dream

735 Words
Masakit ang ulo ng magising si Faith. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Bakit nasa kanyang kwarto siya? Diba ay magkasama sila ni Ced kagabi sa Condo nito? Lumabas siya ng silid at nakita pa niya ang bote ng alak na ininom niya, nasa mesa pa rin ito. What? Panaginip lang iyon lahat? Pero bakit parang totoong-totoo? Diba ay nag punta siyang Maynila at Nagkita silang muli ni Mr Sebastian. Nagtapat nga sa kanya ang binata at nagkabalikan sila. They made love too.. Parang totoo ang lahat ng iyon… Kinusot ni Faith ang mga mata, kinurot ang sarili pero nasa bahay talaga siya. Bumalik siya sa loob ng silid at humiga sa kama baka makatulog siyang muli at paggising niya’y nasa piling na naman siya ng binata. Pero kahit anong pilit niyang makatulog muli ay ayaw talaga. Mas lalo lang sumakit ang kanyang ulo. Hanggang narinig niya ang tinig ng kanyang lola. "Faith, apo! tanghali na, hindi ka pa ba babangon?", tawag nito sa kanya. Tiningnan niya ang relo sa dingding. Pasado alas 9 na pala. Bumangon na siya at lumabas ng silid. At nakita niya ang lola niyang nagliligpit ng kusina. "La? hindi ho ba ako nagpaalam na luluwas ng Maynila kahapon? o ano mang araw?", tanong niya sa lola niya. "Ah, hindi ko maalala. Ang nagpaalam sa akin kahapon ay si Carla, na hindi makakapasok ngayon dahil graduation ng anak niya. Kaya wala tayong cook ngayon", anas ng lola. "Luluwas ka ba ng Maynila?", balik tanong nito sa kanya. Napatampal sa noo si Kim. "Ah, hindi po lola, may nakalimutan lang ako, ako na po ang magluluto, gutom na po ba kayo?", tanong niya sa lola niya "Hindi pa naman, nakapagKape na ako kanina at may pandesal din diyan, bumili ako kay Karding manlalako", sagot ng lola niya. Nagtimpla na rin siya ng Kape para tuluyan na siyang magising. Magising sa mga kahibangan niya. _____________________ Matapos nilang mag-umagahan ni Lola ay nag bukas na ng email si Faith. Mamaya na siyang tanghali pupunta ng tindahan. At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang email doon. Tulad ng nasa panaginip niya ay may natanggap siyang email proposal. Premonition ba ng mangyayari sa hinaharap iyong panaginip niya? Dali-daling niyang binuksan ang email at binasa. Isang Job offer nga. Pero hindi galing sa malaking cosmetics company kundi galing sa isang politiko. Biglang nadismaya si Faith. Ganoon pa man ay tinanggap na niya ang trabaho. Sila ang magpiprinta ng mga tshirts, banner at print ads ng isang politiko. Papalapit na kasi ang National eleksyon. Pera din ito kaya go na! Pero naghangad talaga siyang magkakatotoo ang panaginip niya. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. ________________________ Naging busy na rin si Faith sa mga projects na dumating. Bukod sa mga campaign materials ay may wedding invitation card at birthday giveaways siyang kasalukuyang tinatarbaho. At nang makita niya ang birthdate ng celebrant ay naalala na naman niya si Ced. Ka birthday ni Ced ang bata. April 8. Kung buhay lamang ito ay mag dadalawamput-walong kaarawan na ang binata. Binuksan niya ang message app niya sa phone. At gaya ng dati ay walang ilaw sa profile picture ng binata at ang mga chat niya dito ay nanatiling unseen. Gayunpaman ay nag compose nanaman ng mensahi si Faith doon. 'Hi My love! pasensiya na kung madalang na akong magmessage sa iyo, busy lang po ang iyong reyna! Are you okay right there? Sana ay hindi ka busy diyan sa kinaroroonan mo. Love, malapit na pala ang kaarawan mo. Naalala ko dahil may birthday giveaways akong deni-design ngayon at ka birthday mo ang celebrant' Nag padala pa siya ng picture ng give away na tinatarbaho niya sa message app ni Ced. 'Look love! isn't it cute?'- mensahi niya. Isa iyong hand sanitizer na pwedi ikabit sa mga bags na hugis cute na teddy bear na may damit at baseball cap, mabubuksan ang Cap nito kung gustong gamitin as sanitizer. 'If your here I'll gave you one!', dagdag pa niyang mensahi sa binata. 'Anyway, I'll be busy again in the few days but I wont forget your birthday, okay?', anas pa niya sa chat. 'Bye love! I'll message you again next time!', at isinara na niya ang kanyang telepono at nagpatuloy sa trabaho. Somehow she is happy after sending Ced messages kahit alam niyang hindi ito mababasa ng binata. She still find refuge and happiness talking to Ced even in this crazy way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD