Now She Knows

753 Words
Nang matapos sila sa haponan ay nag-anyaya pa ang lola France ng mag tsaa sila sa living room habang nag kukwentohan, maaga pa naman para umuwi. Ngunit ang binata ay nagpaalam na dahil may tatapusing trabaho. Nang wala na ang binata ay naglakas loob si Faith na magtanong kay Lola France tungkol ky sa nabanggit nito kanina tungkol sa binata. “Lola, maaari po bang magtanong tungkol kay Mr Sebastian?”, anas niya dito. “Oo, ano iyon iha?”, sagot nito. “Kailan po nangyari yung disgrasya na naging dahilan na hindi nakalakad si Mr Sebastian?” “A year ago iha! the plane he was on From Singapore crashed landed due to severe weather condition. Lahat naman nakaligtas but few got injured, at isa na ang apo ko, he was unconscious ng dinala sa hospital at ang kanyang mga paa ang sobrang napurohan”. kwento ng lola France. Hindi naka-imik si Faith sa narinig. Ito iyung panahon na umattend ang binata ng conference sa Singapore. Hindi man lang niya ito nabalitaan. Masyado siyang nasaktan at maraming ding nangyari sa buhay niya. Ito din siguro ang sinabi ng binata na may rason siya kung bakit hindi siya nito hinanap ng mga panahong iyon. Dahil may sariling laban din ito. Laban mula sa kamatayan. “At kahit nasa wheelchair iyung batang iyon ay hindi mapapirmi laging abala sa paghahanap noong babaeng nang iwan sa kanya. Na iyon pa nga ang dahilan kung bakit napaaga ang pag-uwi ng apo ko mula Singapore. Pero wala akong nagawa, tinamaan talaga ang apo ko sa sino man yung babaeng iyon!”, dagdag pa ng matandang Ginang. Napayuko na lamang si Faith sa narinig pa ng matanda. Isa itong realisasyon. Realidad na kasalanan niya ang nangyari kay Mr Sebastian. At hinanap siya nito. Mali ang akala niya. At ito siguro ang dahilan kung bakit nandito siya at kinuha siyang business partner ng isa sa mga kompanya nila. He wants to get back to her. Pero Mr Sebastian deserves someone better. Yung magmamahal nito ng buong-buo hindi tulad niyang hindi pa rin nakaka move on sa namatay na nobyo. At babaeng buo ang tiwala sa binata at kayang ipaglaban. Hindi tulad niyang nang-iiwan kapag nasasaktan. Hindi siya karapat-dapat sa lalaki. “Lola, maaari ko po bang kausapin sandali si Mr Sebastian?”, tanong niya sa Lola “Oo naman. Puntahan mo nalang kaya doon sa Study room niya sa itaas. Pangalawang kwarto na makikita mo. Sigurado akong nandoon iyon”. “Salamat po lola!”, anas niya at pumanhik na itaas. Napangiti ang lola. Kumatok na muna si Faith sa silid. “Pasok!”, narinig niyang sambit ng binata. At pinihit na niya ang door knob at pumasok sa silid. Napatigil naman ang binata sa ginagawa sa laptop ng makita siya. “Ahmm.. sorry kung nakakadisturbo ako. I just wanna say I am sorry for leaving you behind before at sa nangyari din kahapon. I was the reason you’d been hurt and almost died. And Thank You for finding me once again. I knew it already. I was chosen to be your business partner, the offer was really only for me. Uuwi nako sa probinsiya bukas. Huwag kang magkakasakit ulit. At sana’y makahanap ka na ng babaeng mas bagay at buong-buong magmamahal sa iyo Mr Sebastian!”, mahaba niyang wika dito. At tumalikod na siya para umalis. Yun lang din naman ang gusto niyang sabihin para sa lalaki bago siya tuluyang lalayo dito. Ngunit hindi pa siya nakalabas ng silid ay hinawakan siya sa isang kamay ng binata at hinila pabalik. Niyakap siya nito ng mahigpit. “Where do you think you’re going huh?”, wika nito sa kanya habang yakap. “Mr Sebastian. I don’t deserve someone like you. Hindi ako matapang na kaya kang ipaglaban. At hindi pa ako nakaka move on sa lalaking minahal ko noon. Ibang lalaki ang nakikita ko sa iyo!”, anas niya dito pero hindi siya pumapalag, hinahayaan niyang tangayin siya ng damdamin ngayon. “Shhh.. there’s no one better for you, Love! You’re the only one for me”, sagot ng binata. Napapikit na lamang ang dalaga sa narinig mula sa binata. “I love you Faith before, now and forever!”, dagdag pa ng binata. Napaluha na ang dalaga sa narinig mula sa binata. He is confessing his love now to her. Hindi siya makapaniwalang mahal siya nito kahit noon. Ngunit siya. Hindi pa niya masasagot ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD