NAKATALI ang dalawa kong kamay at paa habang tinitira ako ng asawa ko dito sa kuwarto ng mga katulong.
Umuuga ang double deck sa ingay at mga impit kong iyak. Nakatitig siya sa mukha ko, pero hindi dahil sa mukha ko kundi sa mascarang suot ko ang mukha ng isang babae.
Ganito siya kapag nakagamit ng droga, sa akin niya binubunton ang pangungulila niya kay Señorita Antonia at siya din ang dahilan kung bakit napariwara sa buhay si Alex.
Sinasambayan niya ng pagsampal sa akin kaya tumatabing ang mascara saka niya ako hahawakan sa leeg at sasabunutan. Kapag minalas pa ay halos mamatay na ako sa kakasakal niya sa akin.
“Putangina mo, Antonia! Lalaspagin kita ng bu.rat ko!”
Sinigaw niya ang pangalan ng babae kahit minsan hindi ko pa nakita. Naroon rin ito sa New York at doon nagpatuloy sa pag-aaral ng medisina.
Pagkatapos niyang makaraos, iniwan niya akong parang basahang itinapon sa sahig.
Umalis siyang walang lingon, kasabay ng pagsara ng pinto na tila tuluyang pumatay sa natitira kong lakas.
Ilang sandali pa, dahan-dahang bumukas ang pinto.
Lumapit ang dalawang katulong, si Aling Rosa at Mila. Nanginginig ang mga kamay nila habang kinakalagan ang tali sa aking mga pulso at bukung-bukong.
“Diyos ko, hija…” bulong ni Aling Rosa, nangingilid ang luha.
Hindi ko na napigilan ang hikbi. Bumuhos na naman ang iyak ko nang walang pigil.
Inalalayan nila akong maupo sa kama. Tinakpan ni Mila ang balikat ko ng kumot, para bang may maitatabing dignidad kahit kaunti.
Hinaplos ni Aling Rosa ang likod ko nang marahan at paulit-ulit. Iyak ako nang iyak habang mahigpit ang kapit ko sa kumot.
“Mukhang madadagdagan na naman ang mga pasa mo.”
Ramdam ko ang mga awa nila sa akin pero kung ako mismo na asawa ay walang magawa paano pa silang katulong lamang?
Nakatulog ako sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko. Paggising ko ay umaga na at parang walang nangyari kagabi.
Pinagtimpla ko siya ng kape habang nagbabasa siya ng diyaryo dito sa veranda. Pero inis niya itong nilapag na padaskol sabay tayo.
Para siyang hangin na dumaan lang sa paligid ko. Kinuha niya ang bag at susi ng kotse niya saka lumabas ng bahay. Pagka-alis ng sasakyan niya ay saka ako tiningnan ang diyaryong binasa niya.
Headlines: Billionaire Conrad and fiancee seen dining in New York
Napako ang tingin ko sa litrato ni Antonia. Kahit itim-at-puti lang ang kuha, hindi maitatanggi ang ganda niya, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, at may anyong sanay mahalin at ipaglaban. Doon ko tuluyang naunawaan kung bakit baliw na baliw si Alex sa dati niyang nobya. Paano ko nga ba siya masisisi kung ganito kaganda ang babaeng iniwan niya sa nakaraan?
Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa tabi niya. Si Conrad. Kilala siya sa buong mundo lalo na sa larangaran ng Football at isa ring Surgeon. Idol na idol siya ng kapatid ko kaya natuto na rin maglaro ng football kahit 10 years old pa lang.
Bahagyang nakatagilid ang mukha nito at natatakpan pa ng maitim na shades. Hindi ko makita nang buo ang itsura niya, ngunit sapat na ang hulma ng matangos niyang ilong at ang perpektong ngipin na bahagyang sumisilip sa ngiti niya para mapansin ang kakaibang presensya nito. Hinaplos ko ang mukha niya at napangiti ako nang mapait, nararamdaman kong umiinit ang gilid ng mga mata ko. Pero bago pa kumawala ang aking luha ay agad kong nilapag ang diyaryo sa mesa.
Ayokong magtagal sa balitang iyon, parang wala akong karapatang titigan pa. Kinuha ko ang basahan at timba, saka nagsimulang maglinis ng buong bahay. Pinunasan ko ang mga alikabok, inayos ang mga kasangkapan, nilinis ang bawat sulok.
Kahit asawa ako ni Alex, patuloy pa rin akong kumikilos na parang isa lamang katulong sa mansion. Alam naman ng lahat na ito naman talaga ang buhay na nakasanayan ko. Bago pa man ako maging asawa ni Alex, isa na akong tagasilbi sa bahay na ito.
At kahit nagbago ang apelyido ko, parang wala ring nagbago sa akin.
Pareho pa rin ang papel ko. Pareho pa rin ang katahimikan ng pagdurusa.
Matapos kong linisin ang buong bahay, agad kong kinuha ang bayong at lumabas para mamalengke. Naiwan sina Aling Rosa at Mila sa kusina sila na ang bahalang magluto at maglaba. Sanay na kami sa ganitong hatian ng gawain. Walang nag-uutos sa akin, kusa ko itong ginagawa, parang hindi pa rin ako ang may-ari ng apelyidong dala ko ngayon.
Gulay, bigas, kaunting isda—mga bagay na sapat lang para sa araw-araw. Iniiwasan kong tumingin sa mga mamahaling bilihan. Hindi ko kailangan ng luho. Hindi ko rin alam kung kailan ako hihingi, o kung may karapatan ba akong humingi dahil palaging sumbat ang naririnig ko kay Alex kapag lumalagpas kami sa budget.
Pagsapit ng hapon, dumiretso ako sa lugar na mas tahimik at mas gugustuhin ko pang tumira kasama ang lola at kapatid ko.
Sa sementeryo…
Buhay pa man si Lola pero ang mundo niya ay kasama ng mga yumao. Libingan iyon ng mga mayayaman malalaking puntod, marmol na sahig, at mga pangalan ng pamilyang hindi ko kailanman magiging kauri. Si Lola Pasing ang tagalinis doon. Araw-araw siyang nagwawalis sa pagitan ng mga nitso, nagbubunot ng mga damo, at minsan ay naglilinis ng mga lapida na bihirang dalawin ng mga buhay.
Buwan-buwan ay may sahod siya. Hindi man malaki, pero nakakatulong rin sa pangangailangan kahit papaano. Pero kahit ganoon, umuuwi pa rin ako sa kanya. Dito rin ako lumaki at nagdalaga hanggang sa ikinasal ako kay Alex.
Pagdating ko, nadatnan ko siyang may hawak na walis, bahagyang nakayuko habang nililinis ang paligid ng isang puntod. Ngumiti siya nang makita ako, parang walang bigat ang buhay niya kahit sa ganitong lugar siya nagtatagal.
“Dumating na ang apo ko,” sabi niyang nakangiti.
“Mano ho, Lola.” Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa noo ko saka ko siya niyakap. Miss na miss ko si Lola mag-dadalwang buwan rin hindi ako nakadalaw kasi halos hindi ako mawalan ng pasa. Tinaon ko lang talaga na may pasok sa ekswela ang kapatid ko para hindi niya mapansin. Si Lola naman kasi ay hindi na halos mapansin ang balat ko.
Iniabot ko sa kanya ang mga pinamili kong grocery, bigas, delata, kaunting kape at asukal. Maliit lang iyon, pero alam kong malaking bagay na para sa kanila.
“Hindi mo na sana inabala ang sarili mo,” sabi niya, pero mahigpit pa rin ang hawak niya sa bayong.
Ngumiti ako, kahit masakit ang dibdib ko.
“Kumusta ka naman sa bago mong buhay, apo?” mahinahong tanong ni Lola.
“Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?”
Napayuko ako sandali bago sumagot. “Busy po sa opisina ’la,” mahina kong sabi.
Dahan-dahan niyang ginap ang kamay ko at ngumiti. Kulubot man ang balat niya, ramdam ko ang init at lambing na matagal ko nang hinahanap.
“Siguro mahal na mahal ka ng asawa mo,” sabi niya.
“Sa ganda mong ’yan, apo, tiyak na hindi ka na niya pakakawalan. Kaya nga pinakasalan ka, ’di ba?”
Parang may kumurot sa dibdib ko. Muntik na akong maiyak, pero pinigilan ko. Sa halip, ngumiti ako iyong ngiting sanay na akong isuot para pagtakpan ang katotohanan. Dahan-dahan akong tumayo at inilapag ang mga grocery sa maliit na lamesa sa tabi niya.
“Opo naman, Lola,” pilit kong sabi.
“Siya nga po ang nagsabi na bisitahin kita ngayon at dalhan ka ng pasalubong.”
Kinagat ko ang labi ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng mga mata ko luha ng pagsisinungaling, luha ng takot. Ayokong makita niya ang katotohanan. Ayokong masaktan siya dahil sa buhay na pinili kong pasukin.
Mas mabuti nang ako na lang ang magdala ng sakit lalo na ngayon matanda na ang lola ko. Mas mabuti nang maniwala siyang masaya.
“Siya nga pala apo, nagpunta rito si Lucinda at pinapaabot na darating daw ‘yung kaisa-isang apo ng mga Del Carmen si Senyorito kaya pinapatawag ako sa mansyon para may tagaluto.”
“Ano po? Eh Lola matanda na kayo hindi n’yo na kaya pang magtrabaho. Wala ba silang mahanap na katulong?” Napalingon ako agad dahil bigla akong nainis. 85 years old na si Lola wala silang awa sa matanda ilang dekada nanilbihan sa kanila.
“Hindi naman mabigat ang trabaho roon sa mansyon apo… saka hinahanap daw ako ni Senyorito Conrad. Gusto niyang ako ang magtimpla sa lulutuin para sa kasal niya kay Antonia! Mababait ang mga Del Carmen apo hindi mo lang sila naabutan kasi doon na sila nanirahan sa ibang bansa. Ngayon lang uuwi para sa kasal ni Conrad at Antonia.”
Biglang may kumalabog sa puso ko. Yung sakit na matagal na panahon kong pilit na ginagamot pero hindi pa rin humihilom. Hindi alam ni Lola na dati kong asawa ang tinutukoy niya. Hindi ko na lang sinabi pa na minsan akong ikinasal sa Maynila pero mas mabuti na rin na hindi niya malalaman pa.
DINALA siya ni Alex sa isang lugar na kakaiba para sa kanya—isang exclusive charity gala. Sa bawat sulok ng malaking hall, kumikislap ang mga ilaw sa mga mamahaling alahas. Mga diamond necklaces, rings, at bracelets na nagkakahalaga ng milyon-milyon. Ang mga bisita, nakasuot ng mga designer gown at suits, ay nakamasid sa bawat item, at ang ilan ay itinaas ang kamay kapag nais nilang magbid.
Pakiramdam ni Kassandra ay nilalampaso siya ng mga mayayamang taong nakapaligid. Nagmukha kasi siyang basahan habang nakatayo sa dulo ng hall, malayo sa stage at sa mga pangunahing bisita, hawak ang bag niyang sa ukay niya lang nabii. Ramdam niya ang kakaibang hangin ng yaman—ang amoy ng expensive perfume, ang makintab na sapatos, ang mga kumikislap na alahas na tila sinasagisag ang kapangyarihan at pera. Hindi niya maalis sa isip ang dami ng kabayaran para sa bawat piraso—milyon-milyon. Katumbas na ng malawak na lupain.
“Diamond necklace, starting bid: 100 million ,” sabi ng auctioneer. Ilang kamay ang unti-unting itinaas.
Napalunok si Kassandra, tila naglalaro lang ang mga ito. Ang sarap ng buhay ng mga mayayaman kung makapaglustay ng pera ay gano’n-gano’n lang.
Nakatingin lang siya, ‘yon lang naman ang kaya niyang gawin. Hindi nya alam kung bakit siya dinala ni Alex dito at pinasuot pa ng magarang damit. Pero kahit papaano ay natutuwa din naman siya at saksi siya sa pamumuhay ng mga Alta-Sociedad.
Samantalang si Alex ay nakatayo sa tabi niya, pero malikot ang mga mata nito na tila may hinahanap.
“100 million… 200 million… 300 million…”
Napabalik ang atensyon niya sa harap. Sunod-sunod ang presyo, bawat tawag ay nagdudulot ng kaunting tensyon sa kanya.
Ang ilan sa mga bisita ay halatang nagpipilit na maipakita na kaya nilang magbayad. May ilang ngumingiti habang itinaas ang kamay
Tahimik na huminga si Kassandra. Gusto niyang itanong sa asawa kung ano ba talaga ginagawa nila dito. Ngunit nakita niya ang titig ni Alex na salubong ang kilay kaya tumahimik na lang siya at baka masampal pa siya nito.
“500 million… 550 million… 600 million!” Nagpatuloy sa pataasan ng presyo. Nakita niyang may ilang tumitig sa bawat isa, naghihintay kung sino ang huling magtaas ng kamay.
“1 billion!”
Lahat ay napatingin sa pinakamataas na offer.
Sa gitna ng ilaw, isang magandang babae ang nakatayo, maputi ang kutis, buhok na kulay pula na bagay na bagay sa kanya, at suot ang damit na halos kinulang ang tela. Kumikislap ang kumpyansa sa kanyang mga mata habang nakangiti siya sa crowd.
“May mas tataas pa ba?” tanong ng auctioneer.
Walang sumagot. Tahimik na muling bumalik sa tensyon ang silid.
Biglang sumabog ang sigawan at palakpakan. Isa sa mga tao sa crowd ang nagbiro kung saan ay rinig ng lahat.
“Girl, you’re so lucky! Sana ol barya lang ang 1 bilyon!”
Ngumiti ang babae at tinawag ang isang lalake na agad na lumapit at ngumiti sa crowd.
“Of course! My fiancé is a billionaire.”
Parang binuhusan ng isang drum na tubig si Kassandra nang makilala ang lalake.
Si Conrad.
“Congratulations!” bati ng mga tao sa kanila, sabay palakpakan.
Habang napunta na kay Antonia ang necklace, hinawakan naman siya ng asawa niya at lumapit sila. Nagulat si Antonia nang makita si Alex habang si Kassandra ay tahimik na nakatayo sa likod ng asawa niya.
Si Conrad naman ay nakipagkamay sa dalawang lalaki at malawak itong nakangiti. Kahit nakatagilid lang ito ay sobrang guwapo pa rin.
“Babe, meet Alex, my childhood friend,” sabi ni Antonia kay Conrad kaya biglang kumalabog ang dibdib ni Kassandra. Pero bago pa man humarap sa kanila si Conrad, bago pa siya nito makita ay mabilis siyang tumalikod at nakisiksik sa mga tao upang hindi siya mapansin.
Para siyang matutumba habang naglalakad patungo sa ladies’ room. pumasok siya at agad na sinara ang pinto. Napasandal siya sa pinto, napapikit ng mariin, at napahawak sa dibdib niya, sinusubukang huminga at pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya mapigilan ang bilis ng ti.bok ng puso niya.
Hanggang sa napaupo siya sahig at umiiyak. Akala niya sa paglipas ng panahon ay mawawala na rin itong sakit sa puso niya. Subalit nandito pa rin pala, sobrang sakit pa rin. Kusang bumabalik ang pagkamatay ni baby Adrian, ang paghihiwalay nila, at ang katotohanang mahal na mahal niya pa rin ang dating asawa kahit limang taon na ang nakakaraan.