Chapter 8

2166 Words
Mabilis na dumating ang University Week. Lahat ng estudyante abala sa may booths, games, mini concerts, at kung anu-anong events na nagpapasigla sa campus. Pero sa gitna ng lahat ng ingay, may isang taong hindi mapakali. Si Jace Rosaventi. Habang naglalakad siya sa hallway, hawak-hawak ang isang paper bag na may ribbon. Isa na namang favor mula sa mga kaibigan niyang masyadong makulit. “Pre, last na ‘to, promise!” sabi ni Enzo kanina na halos mangiyak. “Pang-apat na ‘yan, Enzo,” mariing sagot ni Jace. “Eh kasi Valentine’s Month pa rin eh. Sige na, ikaw lang kasi may access kay Jenny.” “Tss. Kung gusto mo talaga siyang makilala, kausapin mo.” “Hindi ko kaya, bro. Please na, ikaw na talaga ang pag-asa namin.” Kaya heto siya ngayon, naglalakad papunta sa Tourism Department, halatang walang gana. He’s fed up. “Kuya Jace!” tawag ni Jenny nang makita siya sa may corridor. Nakangiti ito at may hawak na folder, mukhang kakatapos lang ng class. “Hey,” aniya rito. “Naparito ka po? May kailangan ka kay Suzanne?” “Uh, hindi,” sagot niya, sabay abot ng paper bag. “May nagpapabigay ulit.” Napataas ang kilay ni Jenny, pero tinanggap din ang gift. “Another one? Grabe naman ‘yung mga kaibigan mo, ang persistent nila. Pasensya ka na, Kuya.” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Jace, pero halatang pilit. “At least ngayon hindi na silang lahat. Isa lang ‘yung consistent. Si Enzo.” “Teka, ‘yung makulit mong friend na maingay?” “Exactly,” malamig niyang sagot. Tinitigan siya ni Jenny, parang gustong matawa. “Bakit hindi na lang siya ang magbigay sa ‘kin? Talagang inistorbo ka pa. Pasensya ka na Kuya, ha?” “It’s fine, Jenny,” medyo may inis na tono niya. “Nasanay na ako. Araw-araw akong courier ng kababawan. Wala naman akong kinalaman sa feelings nila.” “Eh ‘di sabihin mo na lang kaya kuya na ayaw mo na?” “Sinabi ko na. Pero ang sagot nila, ‘ikaw lang kasi close kay Jenny.’” Napatawa si Jenny, hindi alam kung matatawa o maaawa. “Reliable ka kasi, Kuya.” Ngumisi si Jace, pero halatang frustrated. “Reliable sa maling dahilan.” “Kuya Jace,” natatawa pa rin siya, “huwag ka ngang grumpy. Nakakatawa nga eh.” “Hindi nakakatawa,” mahinang sagot nito. “Nakakainis.” Napatigil si Jenny. Hindi dahil sa tono, kundi dahil ngayon lang niya narinig si Jace magsalita nang may halong… emosyon. Hindi galit, pero may diin — may bigat. Sanay kasi siyang tahimik ito. ⸻ Kinagabihan ay nasa student lounge si Jace kasama ulit ang barkada niya. Abala silang lahat sa pagkain ng burger habang pinagtitripan siya. “Pre, kamusta ‘yung delivery mo kay Jenny?” tanong ni Enzo sabay tawa. “Naibigay ko, next time itatapon ko na sa basurahan,” sagot niyang malamig. “Sinabi mo bang galing sa akin?” “Hindi. Wala naman akong sinabi.” “Ha? Eh paano niya malalaman na ako ‘yon?” “Hindi niya kailangang malaman,” malamig pa rin niyang tono. Tahimik sandali ang grupo. Si Enzo, medyo napakunot ang noo. “Teka, bro, parang iba ka lately ah.” “Anong iba?” “Parang naiinis ka kapag si Jenny ang topic.” “Siguro kasi araw-araw kong naririnig pangalan niya,” mariin niyang sabi. “At araw-araw akong ginagawang middleman ng mga immature na tao.” Nagtinginan sina Kyle at Raph. Si Enzo, medyo natigilan. “Uy, chill, pre. Crush lang naman, hindi gera.” Huminga nang malalim si Jace. “Sorry sa inyo. Kung kasing kapal lang ng mukha niyo ang mukha ko wala sanang problema, ano? The heck! Ilang arw niyo na akong binibwesit. I’m tired. Ang lyo pa ng building nila.” Pero alam niyang hindi lang pagod ‘yon. Hindi niya lang masabi — kasi ni siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit sa tuwing may ibang lalaking nagbabanggit ng pangalan ni Jenny, parang naiinis siya. Maybe it’s brotherly. “Bro, alam mo naman ‘di ba? Nakakahiya kay, Jenny. Haggard na kami masyado sa thesis. Huwag ka na magalit,” nakangiting wika ni Enzo. “The hell!” ⸻ Kinabukasan, habang nag-aayos si Jenny ng mga papers sa study area ay biglang dumating si Jace. Tahimik lang itong tumabi, dala ang isa na namang maliit na gift box. “May nagpapabigay ulit,” sabi nito halatang wala sa mood. Napabuntong-hininga si Jenny. “Huwag mo nang tanggapin, kuya. Nakakahiya na sa ‘yo.” “Hindi ako tumatanggap. Pinipilit lang ako,” sabi niya sabay upo sa harap. “Teka, bakit parang mainit ang ulo mo?” Hindi agad sumagot si Jace. Sa halip, tiningnan lang niya ang box, saka nagtaas ng kilay. “Ilan pa ba ang kailangan nilang ipadala bago sila makontento?” Nagkibit-balikat si Jenny. “Ewan ko. Hindi ko naman hinihingi ‘to.” “I know.” Tahimik pero matalim ang tono niya. “Kaya nga nakakainis. Ginagawa ka nilang pa-contest.” “Kuya Jace…” natawa siya nang mahina. “Hindi mo kailangan ma-stress d’yan. Ako nga chill lang.” “Eh ako hindi.” Natahimik si Jenny. Tumingin siya kay Jace, at doon niya nakita ‘yung bahagyang pagkailang sa mata nito — parang gusto nitong bawiin ang sinabi. “Hindi ko ibig sabihin ‘yon,” dagdag agad ni Jace, halatang nag-aalangan. “I mean, I just… ayoko lang nakikita kang ginaganyan ng mga kaibigan ko. Saka ako rin, ang layo ng building niyo.” Ngumiti si Jenny, malambing pero may halong tanong. “Huwag mo na tanggapin ulit, Kuya. Promise, bahala na kung magalit sila. Sabihin niyo po na hindi na ako tumatanggap,” aniya rito. “Exactly,” mabilis nitong sagot. “I already told them that. You’re my friend, my sisters best friend. And they’re taking advantage of that.” Ngumisi si Jenny, pero sa loob-loob niya, may naramdaman siyang kakaiba at napangiti. “Sige, friend.” ⸻ Pag-uwi ni Jace nang gabing iyon ay hindi siya mapakali. Nakatingin lang siya sa kisame, paulit-ulit sa isip ang salitang binitiwan niya. “Friend.” Pero bakit habang iniisip niya ‘yon, may kung anong bigat sa dibdib? Bakit sa tuwing naririnig niya ‘yung pangalan ni Jenny mula sa bibig ng iba, gusto niyang umalis? At bakit parang gusto niyang itigil na lahat ng delivery — hindi dahil pagod siya, kundi dahil ayaw niyang makita na may ibang nagpapasaya rito? Tinakpan niya ang mukha at napangiti nang mapait. “Ang tanga mo, Jace,” mahina niyang bulong. “Sisterly care daw, ha?” Pero sa dibdib niya, hindi na sisterly ‘yung kumakabog. Tahimik ang hapon sa bahay ng mga Rosaventi. Banayad lang ang ihip ng hangin na dumadaan sa malalaking bintana ng living area, habang nagkalat sa mesa ang mga papel, laptop, at kape nina Jenny at Suzanne. Pareho silang abala sa pag-aayos ng report sa Tourism, pero kahit anong pilit ni Jenny na magpokus, panaka-naka pa rin ang sulyap niya sa dining table kung saan nakaupo si Jace. Naka-glasses ito, seryoso, at parang hindi nadi-distract kahit sandaling ingay lang. Sa pagitan ng pagbubukas ng libro at pagta-type sa laptop, ang bawat galaw nito ay maingat, disiplinado, parang laging may sinusundang tamang ritmo. Tahimik lang, pero may kung anong bigat at presensiya na hindi puwedeng hindi mapansin. “Bes,” bulong ni Suzanne habang nagta-type, “hindi ka na naman nakikinig. Kanina ka pa tingin nang tingin sa dining table.” Napakurap si Jenny at agad na umiwas ng tingin. “Ha? Hindi ah. Tinitingnan ko lang ‘yung orasan. Ang tagal na kasi nating nag-aaral.” Ngumisi si Suzanne. “Oo nga. ‘Orasan,’ ha? Hindi ‘Jace.’” Tinapunan siya ni Jenny ng unan. “Ang kulit mo talaga! Focus ka nga riyan.” Natawa si Suzanne at nagpatuloy sa ginagawa. Pero sa gilid ng kanyang paningin, hindi niya maiwasang mapansin na bawat segundo, may kakaibang tahimik na agos ng tensyon sa pagitan ng kuya niya at ni Jenny. Hindi malisyoso, pero… may lambing na hindi maipaliwanag. Napangiti naman siya. Maya-maya pa ay tumunog ang doorbell. Nagkatinginan silang tatlo. “Sino ‘yon?” tanong ni Suzanne. Si Jenny ang tumayo. “Ah baka si Carlo, ‘yung classmate namin sa Tourism. Maghahatid ng printed copy ng report.” Bago pa siya makalapit sa pinto ay narinig na niyang bumukas ito. Paglingon niya, si Jace na pala ang sumalubong. Isang tahimik pero matalim na tingin ang binigay ni Jace sa lalaking nakatayo sa labas. “Ah… good afternoon po, Sir,” medyo nauutal si Carlo. “Project lang po ni Jenny—” “Inaabot mo ba o ipapakita mo pa?” tanong ni Jace, malamig pero hindi bastos. “A-abot lang po, Sir.” Agad nitong iniabot ang folder. “Good,” sabi ni Jace. “Salamat.” At bago pa makapagsalita si Carlo ay isinara na ni Jace ang pinto. Tahimik ang paligid. Si Jenny, nakatulala, habang si Suzanne halos mapatid sa kakatawa. “Kuya!” natatawang sigaw ni Suzanne. “Para kang security guard, grabe!” “Wala naman akong ginawang masama,” mahinahong tugon ni Jace habang bumabalik sa upuan. “Baka maistorbo kayo sa pag-aaral.” “Maistorbo?” nakataas kilay ni Suzanne. “Eh ni hindi pa nga siya nakakapasok, isinara mo na agad ‘yung pinto!” Tahimik lang si Jace, nagbasa ulit ng libro na parang walang nangyari. Pero si Jenny, hindi mapigilang mapangiti. “Grabe ka, Kuya. Parang… seryoso mo masyado. Hindi naman siya masamang tao.” “I didn’t say he was,” sagot nito nang hindi tumitingin. “Just cautious.” Napailing si Suzanne. “Cautious daw. Kuya, baka protective na ‘yan ha.” Tumingin lang saglit si Jace, malamig pa rin pero may halong biro. “Don’t start, Suzie.” ⸻ Kinagabihan, nagdesisyon silang tatlo na mag-review sa may mini-library ng bahay. Habang nagbabasa si Jenny ay napansin niyang madalas siyang tinititigan ni Jace. Hindi lantaran, pero ramdam niya — ‘yung uri ng titig na parang nagbabantay. “Kuya, seryoso ka masyado,” biro ni Suzanne. “Relax, hindi naman mawawala ‘yang libro sa harap mo.” “I’m just reading,” maikli nitong sagot. Ngumisi si Suzanne. “O baka naman may iba kang binabasa riyan… sa kabilang mesa?” Namilog ang mga mata ni Jenny. “Hoy, Suzie!” Ngumisi lang ito, “Eh kasi naman, obvious. Parang every five minutes, may glance si Kuya sa ‘yo.” “Hindi totoo ‘yan,” sabat agad ni Jace. “Totoo kaya,” singit ni Suzanne. “At ‘wag kang deny, kuya. Alam mo, iba ka na talaga. Parang alert mode lagi kapag may lalaking lumalapit kay Jenny.” Tumahimik si Jace. For a few seconds, walang kumibo. Pagkatapos ay marahang nagsalita siya, hindi nakatingin kaninuman. “Hindi lang ako kampante sa mga lalaking madaling lumapit.” Tumigil si Jenny sa pagsusulat. “Bakit naman?” tanong niya, halos pabulong. Bahagyang nag-angat si Jace ng tingin, diretso sa kanya. “Dahil karamihan sa kanila, hindi alam kung anong gusto nila. At kapag nasaktan ka, hindi nila alam kung paano mananagot.” Tahimik. Ang lakas ng t***k ng dibdib ni Jenny. Hindi niya alam kung concern lang ba ‘yun o may ibang laman ang mga salitang binitawan ni Jace. Pero halata sa tono — may bigat, may paninindigan. Pag-uwi ni Jenny sa condo ay hindi niya mapigilan ang sarili. Nakaupo lang siya sa kama at iniisip ang mga nangyari. Tahimik lang naman si Jace palagi. Wala namang mga salita o galaw na nagpapakita ng interes. Pero bakit parang ramdam niya ‘yung proteksyon nito? ‘Yung pakialam na hindi naman hinihingi, pero palaging nandiyan? Ganoon siguro ang pakiramdam na may kuya. “Hindi,” bulong niya sa sarili. “Concern lang ‘yun. Kaibigan lang. Kuya lang ‘yun ni Suzie.” Pero kahit anong pilit niyang paniwalaan, may kilig na kumikiliti sa dibdib niya — ‘yung uri ng kilig na ayaw mong aminin, pero ayaw mo ring mawala. ⸻ Samantala, sa kwarto naman ni Jace, nakaupo siya sa harap ng desk at nakabukas ang laptop pero hindi nagta-type. Tahimik lang saka malalim ang iniisip. Binalikan niya sa isip kung paano napangiti si Jenny kanina. Simple lang ‘yung ngiti, pero totoo. Walang arte. Walang halong pag-aalala. At doon siya parang tinamaan. “Hindi. Concern lang ‘to,” bulong niya sa sarili. “She’s Suzanne’s friend. Wala dapat.” Pero habang pinapanood niya ang group photo nila kanina sa phone siya, si Suzanne, at si Jenny sa gitna, nakangiti habang may hawak na kape napansin niyang may maliit siyang ngiti sa labi. Hindi niya alam kung bakit. At sa unang pagkakataon, hindi rin niya gustong malaman. He can’t take the risk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD