Pagkabukas pa lang ni Jenny ng pinto, halos matumba si Suzanne sa kaba’t pag-aalalang dala niya. “Jenny… please. Can I talk to you? Hindi ako aalis hanggang hindi mo ako pinapakinggan.” Tahimik lang si Jenny. Walang galit sa mukha pero walang warmth. Cold. Steady. Detached. “Come in,” malamig niyang sabi. Sumunod si Suzanne, halos parang naglalakad sa salamin na may nakakalat na bubog. Umupo siya sa sofa, pero si Jenny nakatayo lang, arms crossed. “Umupo ka,” alok ni Jenny. Umiling si Suzanne. “No, I don’t deserve to sit. Not when you’re standing. Not after everything.” Hindi nag-react si Jenny. Huminga nang malalim si Suzanne. “Alam ko na lahat, Jenny. Everything. Elijah, what Jace did, what our mother did… all of it.” “Good,” sagot ni Jenny. “Then you understand why I don’t o

