Tahimik ang gabi. Hindi ganoon karami ang tao sa coffee shop sa tapat ng baywalk. Malamlam ang ilaw, tunog lang ng soft jazz at mahinang halakhak ng ilang customer ang maririnig. Nasa dulo ng café si Jenny, suot ang simpleng white dress at denim jacket. Wala siyang suot na makeup, pero para kay Jace na bagong dating at nakasuot pa ng office attire parang hindi na kailangan. “Akala ko hindi ka tutuloy,” bati ni Jace, may ngiti sa labi habang inilalapag ang laptop bag sa tabi. Napatingala si Jenny at medyo nagulat. “Siyempre tutuloy. May utang pa akong thank you sa kape kagabi.” “Ah,” tumaas ang kilay ni Jace, sabay umupo sa harap niya. “So ‘yun lang pala dahilan kung bakit ka pumayag ngayon?” “Wala naman akong sinabing ‘yun lang,” mabilis niyang sagot, sabay hawak sa tasa para maitago

