Hindi pa man tuluyang nakakabawi si Jenny mula sa bigat ng mga sinabi ng mommy ni Jace ay sunod-sunod naman ang dagok na dumating. Una ay ang balitang nag-trending sa social media tungkol sa Ate niya. “Maxine Alvarez caught shouting at co-star.” Sabay mga blurred photos at edited clips na halatang may gustong palabasing masama sa ate niya. “Hindi totoo ‘yan, bes!” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Jenny kay Suzanne habang hawak ang cellphone. “Kilala ko si Ate. Hindi siya ganun.” Tumango si Suzanne at halatang nag-aalala rin. “I know, Jen. Pero grabe, ang daming fake accounts na nagpo-post. Parang coordinated, oh. Look.” Sabay nilang tiningnan ang comment section na puro bash, puro paninira. May iba pang naglalabas ng lumang pictures ni Maxine na kesyo may attitude raw, kesyo laos na

