Pagkauwi ni Jenny ay hindi siya agad nakatulog. Nakahiga lang siya sa kama habang nakatitig sa kisame habang naririnig pa rin ang mahihinang patak ng ulan sa labas. Hindi niya alam kung bakit gano’n, ang daming iniisip, pero isa lang ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Si Jace. Ang payong. Ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Napailing siya at tinakpan ng unan ang mukha. “Ano ba ‘tong nararamdaman ko…” Ngunit bago pa siya tuluyang mapanatag ay tumunog ang phone niya. Messenger. Jace Rosaventi: Gising ka pa? Napakagat-labi si Jenny. Napatitig siya sa pangalan. Bakit parang kabado siya bigla? Jenny: Oo. ‘Di pa antok. Ikaw? Jace: Nagbabasa sana ako, pero wala sa mood. Siguro dahil ang lakas ng ulan. Jenny: Haha. Gano’n din ako. Parang ang sarap lang magmuni-muni

