Tahimik na umaga sa condo unit ng mga Alvarez. Sa kusina ay abala si Jenny sa pag-aayos ng pancake batter habang kumakanta nang mahina. Simpleng white dress lang ang suot niya, at nakatali ang buhok sa likod. Lumabas mula sa kwarto ang ate niyang si Maxine Alvarez, naka-oversized shirt, may hawak pang mug ng kape at mukhang bagong gising. “Hoy, birthday girl,” bati nito, sabay ngiti. “Ginising ako ng amoy ng pancake. May pa-surprise ka pa, ah.” Napatingin si Jenny at natawa. “Ate naman, hindi ‘to surprise. Wala kang ginawa kahapon eh, kaya ako na lang nagluto ngayon.” “Excuse me,” kunwaring reklamo ni Maxine. “Ang busy ko kaya sa taping. Pero sige, dahil birthday mo ngayon, ikaw ang boss. Ano gusto mong gawin mamaya?” Umikot si Jenny paharap sa kanya, may hawak pang spatula. “Wala na

