Tahimik ang buong condo. Tanging tik-tak ng wall clock ang naririnig, at ang banayad na hampas ng hangin mula sa balcony. Dahan-dahang iminulat ni Jenny ang mga mata at tila bang nagising sa isang panaginip na ayaw niyang matapos. Sandali pa bago tuluyang nag-sink in ang lahat — kung saan siya naroroon, at higit sa lahat, kung sino ang kasama niya kagabi. Again and again. They did it again. Napabalikwas siya nang maalala iyon. “Oh my god!” mahina niyang bulong, sabay takip ng kamay sa mukha. Para siyang sumabog sa hiya. Ang mga eksenang pilit niyang binubura kagabi ay unti-unting nagre-replay sa isip niya. Iyong mga titig, iyong mga bulong, iyong init na parang kumukulong sa pagitan nila. Hindi naman sila nagkaroon talaga, pero sapat na ang mga nangyari para hindi siya makatingin k

