Mainit ang ilaw sa backstage at puno ng ingay, kabog ng dibdib, at mga halakhak na pilit pinapatay ng kaba. Nakatayo si Jenny sa harap ng salamin saka marahang pinupunasan ang pawis sa sentido habang inaayos ng stylist ang kanyang buhok. “Miss Jenny, five minutes before lineup,” paalala ng coordinator. “Okay po,” sagot niya nang may ngiti, kahit sa loob-loob niya ay kumakabog ang puso. Hindi dahil sa takot kundi sa excitement. Iyon na ang culmination ng ilang linggo niyang paghahanda. Sa gilid, nakita niya si Liane, maganda, confident, pero may mga mata na tila laging may hinahamon. Pareho silang kalmado sa panlabas na anyo, pero si Jenny, sanay na sa ganitong klaseng laban. Hindi niya kailangang magpataasan ng kilay o manliit ng iba. Tahimik siyang kampante at alam niyang ginawa niya a

