Mainit at maingay ang hapon sa bayan nila Jenny. Sa bawat kanto ay may nakasabit na mga makukulay na banderitas, may banda sa plaza, at halakhakan ng mga bata habang nagkakarerahan sa gitna ng kalsada. Mula sa malaking mansyon ng mga Alvarez, umaalingawngaw ang tugtugin ng rondalla habang nagsisimula na ang salo-salo. Halos buong bayan ay naroon. Ang malawak na bakuran ng mga Alvarez ay puno ng mga mesa may inihaw, kaldereta, lumpia, at halo-halo na walang katapusan ang pila. Si Jenny, suot ang simpleng floral dress na kulay dilaw ay abala sa pakikipag-usap sa mga bisita. Ang buhok niya ay nakatirintas lang, at kahit pinagpapawisan, ang ganda pa rin. Hindi niya kailangang magsalita nang marami sapat na ang ngiti niyang nakakahawa. Sa gilid naman ay halos ‘di makapaniwala si Suzanne haba

