Tahimik ang buong bahay nang makatulog si Jenny. Para siyang kandilang naupos, sobrang pagod, sobrang wasak, at sa unang gabi simula nang malaman nila ang lahat ay nakahinga siya nang kaunti. Pero sa labas ng kwarto ay iba ang hangin. Ang ama nila ay nakatayo sa sala at nakatalikod sa kanilang lahat, ang dalawang kamay nakasapo sa ulo. Si Mama ay tahimik na umiiyak, pinipigilan ang hikbi. Si Maxine naman ay nakaupo at ramdam ang pagod pero mas ramdam ang bigat ng responsibilidad sa balikat niya. No one spoke at first. Hanggang sa marinig ang mabigat na boses ni Don Juancho. “Hindi ko matatanggap na ganito ang sinapit ng anak ko. Hindi ko kayang makita siyang ganyang nasasaktan dahil sa Rosaventi. Hindi ko kayang palampasin ‘to. This is too much.” Malamig, putol-putol, pero puno ng ga

