Tatlong araw after the auction, abala si Jenny sa boardroom kasama ang core team ng kumpanya nila. Kalma lang ang mukha niya pero alam ng lahat na matalim ang focus niya. Maraming investor ang papasok at kailangan ang full cooperation ng partner companies kasama na ang Rosaventi Group. Exactly iyong kumpanya ni Jace. Pero chill si Jenny. Walang kahit anong bakas ng discomfort. Kung hindi alam ng tao ang nakaraan nila, iisipin nilang business partners lang talaga sila. Nagbukas ang pinto. Pagpasok ni Jace ay automatic na nagtaas ng tingin ang buong boardroom except Jenny. Hindi man lang niya ito tiningnan. Nagpirma siya, nag-scroll sa tablet, nagbigay ng notes sa assistant niya nang diretso. Jace, on the other hand ay hindi mapakali. He was trying to look composed, pero halatang kina

