Mabilis ang naging takbo ng mga araw para kay Jenny. Simula nang magsimula ang training para sa pageant, halos araw-araw siyang nasa gym, rehearsal hall, o sa student center para sa mga practice walks at interviews. Sa una, mahiyain pa siya — tahimik lang, laging nasa gilid, at halos ayaw lumapit sa mga kandidatang sanay na sa atensyon.
Pero habang tumatagal ay unti-unti siyang nakilala. Hindi dahil sa sobrang galing, kundi dahil sa natural niyang aura. Simple pero may dating. Hindi pilit, hindi engrande, pero ramdam mong may grace sa bawat kilos.
“Jenny, your walk improved a lot!” ani ng trainer nila isang hapon matapos siyang maglakad sa mini runway ng rehearsal hall.
“You have that quiet confidence. Keep that.”
Napangiti lang si Jenny at pinahid ang pawis sa noo.
“Thank you po,” sagot niya, medyo nahihiya pa rin kahit pinupuri.
Si Suzanne, na syempre all-out support ay todo palakpak sa gilid.
“See? Sabi ko na sa ‘yo eh! Kaya mo ‘yan!”
Natawa si Jenny.
“Nakakahiya nga minsan, parang hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.”
“Girl, trust me,” sagot ni Suzanne, sabay hawak sa balikat niya.
“You’re glowing. Hindi mo lang napapansin, pero lahat ng tao rito napapatingin na sa ‘yo.”
“Is that a good thing?” alalang tanong niya. Natawa naman si Suzanne.
“Of course!”
Isang hapon, habang nasa gym sila para sa physical training ng mga candidates, dumating si Joshua kasama ang ilang atleta. May dalang mga gamit at bola, halatang galing pa sa training. Maingay ang grupo, nagtatawanan, at may mga babaeng napapahinto para tingnan sila.
Jenny froze for a second nang mapansin niya ito. Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit si Joshua roon sa gitna ng araw na halos abala siya sa pagpapaganda ng sarili.
At si Joshua… napahinto rin.
Hindi niya agad nakilala si Jenny. Naka-pony tail ito, suot ang simpleng workout clothes, may hawak na water bottle, at may ngiti sa labi habang nakikipagkwentuhan kay Suzanne.
It took him a moment to realize — that’s her.
The same Jenny who used to run after him sa probinsya, naka-duster pa minsan, may hawak na plastic ng turon o iced coffee. The same Jenny who used to pout kapag hindi siya pinapansin.
Pero ngayon… iba.
Hindi na ito ‘yung batang sanay umasa sa oras niya. Hindi na ito ‘yung Jenny na umaasang tatawag siya gabi-gabi. She looked like someone who didn’t need him to feel complete.
“Uy, Jenny!” tawag ng isang co-candidate niya. “Sama ka na sa interview practice!”
Ngumiti si Jenny. “Sige, susunod ako.”
Habang naglalakad siya papunta roon, hindi niya namalayang si Joshua ay nakatitig pa rin sa kanya, parang nawala sa sarili.
“Bro,” sabat ng teammate niya, “‘di ba ex mo ‘yon?”
Namilog ang mata ni Joshua at agad na umiwas ng tingin.
“Ha? Hindi, ah… kaibigan lang ‘yon.”
“Kaibigan? Eh parang hindi lang kaibigan ang tingin mo kanina.”
Tinapik niya lang ang balikat ng kaibigan at pilit na natawa.
“Focus ka nga sa training mo.”
Pero kahit anong pilit niyang ibaling sa iba ang isip niya, hindi niya maalis sa utak niya kung gaano na nagbago si Jenny.
⸻
Kinagabihan, habang naglalakad pauwi si Jenny kasama si Suzanne ay nadaanan nila ang field kung saan nagte-training pa rin ang mga atleta. Doon niya muling nakita si Joshua. This time, pawis na pawis, pero focused, determined, at parang wala nang ibang mundo kung hindi sports.
Nang magtama ang mga mata nila saglit ay bahagyang tumango si Joshua. Walang salita, pero may halong recognition. Parang sinasabing, “I see you.”
Tumango rin si Jenny iyong ngiting magaan lang, bago lumakad palayo.
Pag-uwi nila sa bahay nila si Suzanne para sa isang project ay nakita nila si Jace. Abala pa rin sa laptop, may mga papel sa harap, at nakasuot ng salamin. Hindi man lang sila napansin. Sanay na si Jenny sa tahimik nitong presensya. hindi istorbo, hindi rin malapit.
“Pagod ka?” tanong ni Suzanne habang nag-aayos ng gamit.
“Kaunti,” sagot ni Jenny. “Pero masaya. Parang unti-unti kong nakikilala ‘yung sarili kong hindi lang nakatali sa kung sino ako noon.”
Ngumiti si Suzanne, proud sa tono ng boses ng kaibigan. “That’s my girl.”
Kinabukasan, nagkita ulit sina Lianne at Jenny sa rehearsal. Habang nagme-makeup sila ay lumapit si Lianne, nakangiti pero may bahid ng pag-aalinlangan sa mga mata.
“You look great today,” sabi nito.
“Salamat,” sagot ni Jenny suot ang simpleng ngiti lang.
Tahimik silang dalawa saglit bago nagsalita ulit si Lianne.
“You and Joshua… you used to be close, right?”
Medyo nagulat si Jenny, pero hindi siya nagpakita ng tensyon.
“We were friends,” sagot niya kalmado. “Back in the province.”
“Ah, I see,” sabi ni Lianne. “He never mentioned much, but I guess… some things don’t need to be said.”
Nagtagal ang tingin nito sa kanya, parang sinusukat ang bawat ekspresyon niya. Pero si Jenny ay composed lang.
At doon napagtanto ni Lianne kung bakit kakaiba si Jenny — kasi hindi siya kailangang magpanggap para magmukhang maganda.
Nang matapos ang araw na iyon, habang naglalakad si Joshua papunta sa parking lot ay napadaan siya sa rehearsal hall. May ilang ilaw pa, at mula sa loob ay nakita niya si Jenny na mag-isa, nag-eensayo ng lakad sa harap ng salamin.
Tahimik lang siyang tumingin mula sa labas. Wala siyang lakas ng loob na lumapit, pero hindi rin siya makaalis.
Sa loob naman si Jenny ay nakangiti, pinipilit makuha ang tamang posture, ang tamang anggulo. At sa bawat hakbang niya, may halong tiwala hindi na para kay Joshua, kundi para sa sarili niya.
Sa katakahimikan ng gabi, napagtanto ni Joshua na baka ito na ‘yung Jenny na hindi na kailangang hintayin siya.
Ang Jenny na unti-unti nang nagiging babae — hindi para sa kanya, kundi para sa sarili niya.
Mainit ang hapon nang dumating si Jenny sa university studio. May mga estudyanteng nagmamadali, may mga staff na nag-aayos ng ilaw, at mga kandidatang abala sa pagre-retouch ng makeup nila. Excited siya, pero halatang kinakabahan. First official photoshoot nila para sa university pageant.
“Hoy, Jen!” tawag ni Suzanne habang inaayos ang buhok.
“Andito na ‘yung gown mo, ha! Sinend ni ate kong maganda kagabi. Ang ganda, promise.”
Ngumiti si Jenny, kinuha ang hanger mula sa kaibigan. “Salamat, Suzy ko. Hindi ko talaga kaya ‘to kung wala ka.”
“Ewan ko sa ’yo, ikaw lang naman ‘to sa batch natin na may glow-up story. Alam mo bang napapansin ka na ng ibang departments?” sabay kindat ni Suzanne.
“Lalo na raw kapag naglalakad ka sa hallway. Parang model.”
Napangiti lang si Jenny. Hindi niya ugaling magyabang at sanay siya sa tahimik na papuri.
“Naku, baka binobola lang nila ako.”
“Hindi, no. Kaya nga dapat bigay todo ka ngayon.”
Pagpasok ni Jenny sa dressing area, agad niyang nakita si Lianne Valdez, nakaupo sa vanity table, may tatlong assistants na nag-aayos ng buhok at makeup. Suot nito ang isang royal blue gown na kumikintab sa ilalim ng ilaw. Parang hindi estudyante — parang celebrity.
Nang makita siya ay ngumiti si Lianne. “Hi, Jenny.”
“Hi,” magalang na sagot ni Jenny habang inilalabas ang sarili niyang gown.
“I didn’t expect you’d pick that color,” sabi ni Lianne, tinitingnan ang beige na tela. “Very simple… but I guess simplicity suits you.”
Tumango lang si Jenny, piniling huwag magpadala sa tono. “Yes, I like it that way.”
Lumipas ang ilang minuto, abala siya sa pag-aayos. Kinuha niya ang gown mula sa hanger, pero napahinto siya. May napansin siyang kakaiba sa likod. Nilapit niya sa ilaw at doon niya lang nakita ang malalim na hiwa sa zipper area. Punit, at halatang sinadya.
Napasinghap siya. “Ano ‘to?”
Narinig siya ni Suzanne at agad lumapit. “Hala! Jen! Paano nangyari ‘to?”
“Hindi ko alam…” nanginginig ang kamay niya habang hawak ang tela. “Kagabi pa ‘to nakasabit. Wala namang ibang humawak.”
“Baka may nahila lang?” sabi ni Suzanne, pero ramdam ni Jenny na hindi lang basta accident iyon.
Bumukas ang pinto ng dressing room. Si Lianne, nakatayo sa may gilid na parang walang alam, pero may mapanuring tingin. “Is everything okay?”
Tumingin si Jenny sa kanya, pero ngumiti lang. “Yes, just a small problem.”
“Well,” sabi ni Lianne, sabay tingin sa relo, “you should hurry. They’re calling our batch in ten minutes.”
Umalis ito nang may ngiting tipid at sa loob-loob ni Jenny, ramdam niya na may kinalaman ito. Pero wala siyang ebidensya, at ayaw niyang gumawa ng eksena.
Nang umalis si Suzanne para humanap ng safety pins ay naiwan si Jenny sa dressing room. Nakaupo siya sa gilid, halos maiyak.
“Paano na ‘to…” mahina niyang bulong.
Just then, may kumatok.
Paglingon niya, si Jace Rosaventi — simpleng naka-shirt at slacks, may hawak na bag.
“Suzanne told me to check on you,” sabi nito, kalmado lang ang boses.
Nagulat siya. “Ah… kuya Jace. Wala lang, small problem lang po. You don’t have to—”
Pero bago pa siya makatapos, lumapit na ito at kaagad na tinitingnan ang nasirang gown.
“That’s not small,” sabi niya diretso. “You won’t make it in time if we wait for someone to fix this.”
Natahimik si Jenny. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, lalo na’t seryoso ang mukha ni Jace.
“Do you have any spare cloth or jacket?” tanong nito.
“Wala po, eh…”
Tahimik lang siya habang binubuksan ni Jace ang dala niyang bag. Kumuha ito ng dark blazer at ilang paper clips.
“It’s not ideal,” sabi niya, “pero at least matatakpan ‘yung punit. I’ll secure it for now.”
Nagulat siya nang maramdaman ang maingat nitong paglapit saka tinutulungan siyang isuot ang gown at i-clip sa likod ang napunit na parte. Hindi ito awkward, parang sanay lang si Jace sa mga ganitong sitwasyon. Sobrang tahimik, kalmado, at maayos.
“There,” sabi niya matapos ayusin. “Just keep your posture straight. The blazer will make it look intentional — parang accent piece.”
Natawa si Jenny kahit naiiyak pa rin. “Thank you, kuya Jace. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina.”
Tumango lang ito, simple at diretso. “You can still make it if you go now.”
Pagdating niya sa shooting area, halos tapos na ang batch. Napatigil sandali ang mga tao nang makita siyang pumasok suot ang beige gown na may dark blazer sa ibabaw. Hindi ito fancy, pero may kakaibang dating — classy, elegant, at matapang.
“Candidate number twelve, Jenny Alvarez!” tawag ng photographer.
Hawak niya ang confidence na binuo niya buong buwan. Sa bawat click ng camera ay ramdam niya ang t***k ng puso niya. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa panibagong tiwala sa sarili.
Pagkatapos ng shoot ay palakpakan ang staff.
“That was great, Jenny!” sabi ng photographer. “Simple but powerful. Gusto ko ‘yung styling mo parang statement.”
Ngumiti lang si Jenny, habang sa ‘di kalayuan, si Lianne ay tahimik na nakatayo, halatang nagugulat na kahit sinira niya ang gown ay mas lalo lang itong gumanda sa huli.
At si Joshua na naroon sa gilid para manood sa mga candidates, ay hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung anong mas nakakagulat na ang dating simpleng Jenny mula probinsya ay nag-e-exude ng confidence,. Hindi na ang mahiyaing Jenny.
Pagkatapos ng shoot ay bumalik si Jenny sa dressing room. Wala pa si Suzanne, pero naroon pa rin si Jace at nag-aantay.
“Thank you ulit, kuya,” sabi niya nang mahina. “Kung wala ka, hindi ako makakapag-photoshoot.”
Tumango lang si Jace habang inaayos ang strap ng bag niya.
“You did well,” sabi niya. “You didn’t let a small thing ruin your moment.”
Ngumiti si Jenny. “You make it sound easy.”
“It’s not,” sagot ni Jace, diretso pa rin ang tono. “Pero minsan, kailangan mo lang tumindig kahit hindi mo alam kung kakayanin mo.”
Tahimik silang dalawa sandali bago ito tumalikod. “I’ll go ahead. Hinihintay ko pa si Suzanne.”
At nang maiwan si Jenny mag-isa ay hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi dahil sa ginawa ni Jace, kundi dahil sa sarili niya dahil sa unang pagkakataon, nakayanan niyang hindi tumakbo palayo.
Sa salamin, nakita niya ang sariling pagod, magulo ang buhok, pero may ngiting hindi niya nakikita noon.
At doon niya lang naisip, minsan pala, ang mga sirang bagay… doon nagmumula ang pinakamagandang transformation.