Tahimik sa loob ng kotse. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tugtog sa stereo — isang mellow na kanta na parang sinadya talaga ni Jace para sa mood ng gabi. Nakatunganga si Jenny sa bintana, pinapanood ang mga ilaw ng lungsod na dahan-dahang dumadaan. Hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niya ang kakaibang init sa loob ng dibdib niya. Parang bawat segundo sa tabi ni Jace ay nagiging mabagal, pero hindi siya nagrereklamo. “Are you cold?” tanong ni Jace, sinulyapan siya. Umiling siya. “No. I’m fine.” “Sure?” Umabot ito para itaas nang kaunti ang aircon vent na nakatutok sa kaniya. “I don’t want you catching a cold again.” Napangiti siya. “Ang concern mo, parang tatay.” Napatawa si Jace, malalim at mababa. “Hindi ako tatay. I just… care.” Bahagya siyang napalingon. Nagtama u

