Tahimik ang umaga sa campus nang dumating si Jenny kasama si Suzanne. Hawak-hawak ni Suzanne ang recruitment flyer ng university pageant, sabik na sabik habang naglalakad sila papunta sa registration booth.
“Bes, I swear, this is your moment!” ani Suzanne, sabay sabit ng braso sa kanya. “Hindi ka puwedeng umatras, okay? You have the looks, the brains, and that main character energy!”
Napailing si Jenny pero natatawa. “Suzanne, parang gusto ko lang ma-experience ‘yung fun part. Hindi ko naman goal manalo.”
“Ewan ko sa ’yo,” biro ni Suzanne. “Pero sige, kahit ano ang reason mo, basta sasali ka. Alam mo, perfect ‘to. You’ve been too quiet since… you know.”
Alam ni Jenny kung ano ang ibig sabihin ni Suzanne. Hindi man niya gustong balikan, pero totoo. Mula nang masaktan siya kay Joshua, parang nawala ang confidence niya. At ngayon, kahit kabado, gusto niyang subukan ulit maging alive.
Habang nagfi-fill out siya ng form ay napatingin siya sa stage ng auditorium kung saan nagaganap ang audition. Maraming estudyante roon, may mga naka-gown, may iba namang nagpa-practice ng introduction.
“Ang daming maganda, bes,” bulong niya. “Baka mapahiya lang ako.”
“Hindi ‘no!” mabilis na sagot ni Suzanne. “Trust me, you’ll stand out.”
Pagpasok ni Jenny sa audition room, agad siyang tinawag ng host.
“Next candidate, please! Name?”
“Jenny Alvarez, first-year Tourism student,” sagot niya nang mahinahon ngunit may kumpiyansa.
Maraming judges at staff sa harap, pero ang hindi niya inasahan ay ang isang pamilyar na mukha sa gilid ng hall na si Joshua.
Nakasuot ito ng varsity jacket, nakatayo sa tabi ng organizer, at parang may tinutulungang mag-setup ng mic.
Sandaling nanlambot ang tuhod ni Jenny, pero pinilit niyang magpakatatag.
“Kaya ko ‘to,” sabi niya sa isip.
Nang tumingin si Joshua sa direksyon niya ay para bang huminto ang oras. Nakatitig ito, parang hindi makapaniwala na nakikita niya si Jenny roon.
Ngumiti lang si Jenny nang marahan, ‘yung tipong “I’m okay” smile at nagpatuloy sa introduction.
“I joined this pageant not to prove anything to others, but to remind myself that confidence means standing even when it’s hard.”
Tahimik ang paligid. Maraming napatingin sa kanya, at nang matapos siya ay may ilang nagpalakpakan.
Pero hindi nakaligtas sa kanya ang isang babaeng nakatingin mula sa kabilang gilid ng stage. Matangkad, maganda, confident.
Nang tawagin ng host ang pangalan nito, narinig niya ay next candidate, Lianne De Vera, Business Administration major.
Ngumiti si Jenny at sinabayan ng palakpakan, pero may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag.
Habang si Lianne ay naglalakad papunta sa gitna, napansin niya kung paanong biglang nagbago ang ekspresyon ng dalaga nang mapatingin kay Joshua at kung paanong bahagyang umiwas si Joshua, parang nag-aalangan.
Pagkatapos ng audition, sa labas ng auditorium ay nagkita ulit sina Jenny at Lianne. Parehong naka-smile, pero may halong tensiyon na hindi halata sa iba.
“Hi,” bungad ni Lianne, magiliw pero matalim ang mga mata. “Jenny, right?”
“Yeah,” sagot ni Jenny, magalang na nakangiti. “You were amazing kanina, by the way.”
“Thanks,” sagot ni Lianne. “Ikaw rin — simple pero graceful. Kaya lang…”
Saglit itong tumigil, parang nag-iisip ng tamang salita.
“Just a friendly advice, baka gusto mong i-consider kung dapat mo talagang ituloy. Alam mo naman, it takes a lot of pressure, judgment, competition…”
Nagulat si Jenny.
“Oh… I appreciate that. Pero gusto ko pa ring subukan. For experience, I guess.”
Ngumiti si Lianne, pero hindi abot sa mata. “Well, it’s your choice. But you seem… familiar. Have we met before?”
Umiling si Jenny, kalmado. “I don’t think so.”
“Hmm,” sabi ni Lianne, naglalaro ang ngiti.
“Maybe I’ve just seen you around. Anyway, good luck.”
Sabay talikod nito, at dumaan sa likod kung saan nakatayo si Joshua.
Nakita ni Jenny kung paanong tinapik ni Lianne ang balikat ni Joshua at kung paanong ngumiti ito, at kung paanong hindi na siya tinignan ng binata.
Sa dibdib niya, may kumurot pero hindi na galit, hindi rin inggit. Parang isang mahinang kirot ng alaala na ayaw mawala.
Kinagabihan, habang nag-aaral siya sa library ay dumating ang pamilyar na bulto. It was Jace.
“Long day?” tanong nito, inilapag ang tasa sa tabi niya.
“Medyo,” sagot ni Jenny, napabuntong-hininga. “Nag-audition kami sa pageant. Ang daming magaling.”
“Kasama ka?” tanong ni Jace, umupo sa tapat niya.
“Yeah,” ngumiti siya nang bahagya. “Sinubukan ko lang. First time kong gawin ‘yon.”
“Good,” sagot ni Jace, diretso ang tingin. “I think you should do more things for yourself. Hindi dahil gusto ng iba, kundi dahil gusto mong subukan.”
Napayuko si Jenny, ngumiti. “Alam mo Kuya, lagi kang may sinasabi na parang simpleng salita lang pero tumatama sa puso.”
Ngumiti si Jace nang mahinahon. “Siguro kasi marunong akong makinig.”
Tumahimik sila sandali, hanggang sa bumuntong-hininga si Jenny.
“Nakakatawa, no? Kanina, nakita ko si Joshua. Hindi ko in-expect. Parang… hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.”
“Normal lang ‘yan,” sagot ni Jace. “You cared about him. Hindi naman agad nawawala ‘yung ganun. Pero darating ‘yung araw na kapag nakita mo siya, wala nang kirot. Peace na lang.”
“Gusto ko ‘yung peace na ‘yon,” mahinang sabi ni Jenny.
“Darating ‘yon,” sabi ni Jace, sabay abot ng kape. “Pero sa ngayon, enjoy mo muna ‘yung journey mo.”
Napangiti si Jenny. “Thanks, Kuya Jace. You’re a good friend.”
“Always,” sagot ni Jace, sabay ngiti. “Kahit di mo pa alam, you’re already stronger than before.”
⸻
Sa mga sumunod na araw, nagsimula na ang rehearsals ng pageant.
Si Jenny, mas determinado na.
Si Lianne naman, unti-unting napapansin ang mga tingin ni Joshua, hindi man madalas, pero sapat para mapansin niyang may something sa pagitan nila ni Jenny.
Her face was full of questions.
“Sino ka ba talaga, Jenny Alvarez?”