“Promise, last na ‘tong favor ko sa’yo,” sabi ni Suzanne habang nag-aayos ng bag. “Suzy, hindi mo kailangang magpaliwanag,” sabi ni Jenny, sinusuklay ang buhok niya. “Sinabi mo kasing bonding lang, so bonding.” “Bonding nga! Pero hindi ko sinabi kung sino kasama natin,” sabay kindat nito. Napatingin si Jenny. “Suzanne…” “Relax. It’s just Kuya Jace. Sabi ko kasi gusto ko ng kape sa labas. Sinabihan kong samahan tayo. Ayaw mo naman akong payagan lumabas mag-isa, ‘di ba?” Napabuntong-hininga na lang si Jenny. Of course. At hindi pa siya nakaka-react nang dumating si Jace na naka-white shirt lang at denim jacket, simple pero grabe ang dating. “You girls ready?” tanong nito, casual lang pero nakatitig kay Jenny. “Yes!” sabat agad ni Suzanne. “Tara na!” Sa Café “Akala ko bonding nat

