Chapter 21

1981 Words

Pagkarating nila sa siyudad ay sinalubong agad si Jenny at Suzanne ng mainit na hangin at ingay ng mga sasakyan. Malayo iyon sa malamig na simoy ng hangin sa probinsya, sa amoy ng kapeng barako at palay. Tahimik lang si Jenny sa biyahe, habang si Suzanne ay halos hindi mapakali. “Grabe, Jen,” sabi niya habang papalapit na sila sa village gate nila. “Hindi talaga ako maka-get over sa bahay n’yo. Para akong turista buong duration ng pag-stay ko.” Ngumiti lang si Jenny at napailing. “Sobra ka naman. Normal lang naman ‘yung sa amin.” “Normal?” tumaas ang kilay ni Suzanne, tawang-tawa. “Girl, may fountain sa harap ng gate n’yo! At ‘yung dining area niyo, mas malaki pa sa buong kitchen namin.” Napatawa na rin si Jenny. “Wala ‘yon. Hindi naman importante kung gaano kalaki ang bahay, Suzy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD