Tahimik ang buong condo. Tanging tunog ng aircon at mahina niyang buntong-hininga ang naririnig. Nakahiga na si Jenny, pero gising pa rin ang isip niya. Parang paulit-ulit na nire-replay ng utak niya ‘yung huling message ni Jace—“Sweet dreams.” Simple lang naman, pero may kung anong bigat sa bawat letra. Napapikit siya at pinilit iparamdam sa sarili na kaibigan lang ‘yon. Chat lang. Walang malisya. Pero sa totoo lang, bawat ping ng notification kanina ay parang heartbeat na bumibilis nang bumibilis. Napaikot niya sa daliri ang buhok niya, sabay ngiti nang tipid. “Grabe,” bulong niya sa sarili. “Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin?” Hindi niya maintindihan. Akala niya, tapos na. Akala niya kay Joshua lang ‘yung kaya niyang maramdaman ng ganito. Pero simula nang magkausap ulit sila ni Jace,

