Limang araw na ang lumipas mula ng gabing sinampal ako ni Jana. Hanggang ngayon walang pa rin akong maisip na dahilan bakit niya nagawa sa akin yun. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na siya nakausap ulit. Ilang araw palang ang lumipas marami na ang nagbago. Ang daming gumugulo sa utak ko. Una yung dahilan ng pagsampal ni Jana sa akin at pangalawa hindi ko makontak si Hendrick simula ng umalis ito. Ang sabi niya lang nung Lunes pumunta siyang Cebu may emergency sa isang branch ng negosyo nila doon at kailangan niyang personal na asikasuhin.Hindi ko pa sana malalaman kung hindi ko siya tinawagan para kumustahin, mabilis lang ang naging usapan namin kasi sabi niya may kakausapin pa daw siyang business partner. Apat na araw nang hindi siya nagparamdam sa akin, nag-aalala na

