"Ava anak gumising ka na." Rinig ko ang boses sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Araw-araw akong sinasamahan ni mama maglakad lakad sa palibot para makalanghap ako ng sariwang hangin. "Sandali lang po Ma, liligpitin ko lang itong higaan ko." sagot ko sa kanya. Inayos ko ang aking higaan. Umupo muna ako sa kama at inayos ang aking buhok. Mahaba na pala ito kelangan ko ng magpagupit. Tuwing umaga ito na ang nakagawian namin ni mama simula ng dumating ako dito sa amin. Laking pasasalamat ko sa pagtanggap nila mama at papa sa nangyari sa akin. "Pa, Ma..p-patawarin niyo po ako" napaluhod ako sa harap ng aking mga magulang. " Tumayo ka." inalalayan akong tumayo ni mama, nanghihina pa ang aking mga tuhod " Ano bang nagyayari sa'yong bata ka? May masakit ba sayo?" Sinusuri ni Mama ang aking

