I was left alone confused. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinabi ni Boss. Totoo ba yun? Ang amo ko manliligaw sa akin? Sigurado ba siyang ako talaga ang liligawan niya sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kung tutuusin ni hindi ako nakakalahati sa mga yun. Mayayaman, magaganda, sopitikada at mas bagay sa estado nila. Samantalang ako, kabaliktaran ng lahat. Mahirap lang kami, ang maliit na lupang sinasakahan na mga magulang ko ay hindi pa amin. Hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ko pa pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang makatulong sa mga magulang ko. Nababasa ko lang to sa mga pocketbooks dati kaya mahirap para sa akin na maniwala sa mga sinabi niya. Pero inaamin ko, may k

