Napapadalas ang pag-aya sa akin ni Boss na kumain sa labas pero ni isa wala akong pinagsabihan.Kahit si Jana, hindi ko nababanggit sa kanya kasi nahihiya ako at baka isipin niyang assuming ako. Parang balewala lang din naman siguro yun dahil wala naman kaming ibang napag-uusapan ni Boss. Sobrang awkward nga kasi tahimik lang siya. Palagi lang nakatitig sa akin, wala namang sinasabi. Ako lang yung nagsasalita, nagkukwento ng kung ano-ano sa kanya. Tango at tipid na ngiti lang din naman ang binibigay niya sa akin. Hanggang doon lang dahil pagkatapos naming kumain hinahatid niya na ako pauwi sa bahay. Hindi rin naman siya nagte-text. Ganun lang talaga. So wala namang big deal diba? It's just a normal employee-employer relationship lang naman ata? Ayoko din bigyan ng ibang kahulugan dahil

