Georgina's POV Naka-kunot ang noo ko habang tinitignan ko si Sandro habang abalang-abala sa pagluluto nang aming almusal. Don't get me wrong! Hindi siya rito natulog. We didn't sleep together. Sadyang nagulat na lang ako na paggising ko andito na siya at nagluluto. Malamang kagagawan na naman ni John ito. Yung baklang iyon lang naman ang may susi dito sa condo ko. "Hey! Good morning, gorgeous." Masiglang bati sa'kin ni Sandro nang mapansin niyang andito ako sa bungad ng kusina at pinagmamasdan siya. Hindi ko mapigilang hindi mapa-arko ang kilay. Kailan pa siya naging welcome dito? "What are you doing here?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Alanganin niya naman akong tinignan. "Cooking?" Pilosopo niyang sagot habang ipinapakita pa sa'kin ang niluluto niyang pancake. Napa-irap ako

