Chapter 26 Georgina's POV "Tapos te anong nangyari?!" Kilig na kilig na tanong ni John sa'kin habang andito kami sa Pantry. As usual lunch break namin. "Ano....." Nahihiya at nauutal kong sagot rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kaninang umaga. As in unexpected talaga. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan ni Sandro that time. Kung bakit bigla niya iyong ginawa. Pero hindi maitatanggi ng puso ko na masaya ako... Masayang masaya ako. Halos hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko kanina. Umaapaw yung galak sa puso ko. Kagaya ni John ay kilig na kilig din ako. "Ano nga te?! Aba huwag kang pabitin! Pasalamat ka at wala ako doon kanina para masaksihan ng live!" Sabi nito sa'kin. Oo nga pala't may mga naka-saki na kapwa ko empleyad

