MY HEART has been heavy, watching people around me living the best of their lives. How happy they are building their own families. Working for their dreams and careers. Already successful. I couldn’t help but feel so hopeless and worthless.
Marahas akong napabuntong hininga bago pumasok sa loob ng malaking building. I know I’ve been keeping my pride for so long and each time I am hurt, my anger rises for this person. Alam ko noon pa man ay may kinikimkim na akong galit sa kanya, ngunit hindi pwedi maging asapat ang nararamdaman kong galit para magbago ang pakikitungo ko rito. Dahil alam ko una pa lang, wala naman siyang kasalanan.
But ironically, when I found one tiny single reason to hate. I throw it all to that person.
“Good morning, Ma’am!” A young woman greeted me, wearing a gorgeous uniform that blends the luxury of this building. Maski kanyang bati ay tila ba mahal. “How may I help you?” She smiled at me showing her perfect teeth and giving a radiant welcoming atmosphere.
Napalunok ako at napasulyap sa repleksyon ng sarili ko sa salamin na nasa likod ng babae sa counter. I stared at my pale peeling lips, dull skin, and black shades that covered my swollen eyes and some bruises near my eyes.
“Ma’am? How may I help you?” she fluently said.
Nung sabihin ko na wala akong appointment sa kanyang boss ay nais na akong paalisin ng babae. Pero nung sabihin kong ipaabot ang pangalan ko ay pinaghintay niya ako ng ilang minuto sa lobby bago ako sinamahan ng isang staff.
We entered the elevator and I noticed how the staff kept on glancing at me. Hinila ko pababa ang suot long sleeve para matakpan ang pasa sa aking pulsuhan.
Halos sa pinakamataas na floor pala kami pupunta, kung ganun ay naroon ang kanyang opisina? Hindi nakapagtataka, ang dedikasyon at paghihirap niya ay may napuntahan din. At ngayon ay natupad na ang mga pinangarap niya.
We are welcomed by the secretary outside the huge office. Pinagbuksan ako ng pintuan ng babae at pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang nakatayo at nag-aabang na aking kaibigan. Suot ang pormal na damit at nagtatakang mga titig.
“Aubs,” she mumbled almost whispering. “Napadalaw ka?” Nginitian niya ako at agad nilapitan. But when I removed my shades, she suddenly stopped. Namilog ang mga mata niya at nung mahimasmasan ay mabilis akong nilapitan.
She held my hands and pulled me to sit on her couch.
“What did he do to you?”
She looks concerned and has a distressing voice. Despite our unsolved issues, nanatili siyang hindi nagbabago na para bang walang nangyari sa aming alitan noon.
“I saw your interview…” nanginig ang labi ko at namuo ang luha sa aking mga mata. “How you courageously fight for what happened to you and how it all ends with justice. I got inspired.” Dinaadan ko sa biro ang huling sinabi.
“Aubs…” isang iling ang kanyang ginawa at bakas ang awa sa akin.
“You’ve become an excellent lawyer, Attorney Solero.” Sinuyod ko ng tingin ang kanyang malaking opisina. She has been on the top for being an undeniably good defender. Lahat na ata ng kaso na nababalitaan kong hawak niya ay naipapanalo niya. Siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan sa buhay ko. Hindi dahil magaling siya, kundi dahil kaibigan ko rin si Lucianda at noon pa man ay tagapagtanggol ko na. “Help me…” I plead and hold her hands. Bumagsak na ang mga luha sa aking mga mata.
“What help do you need, Aubs?” seryoso niyang sambit na tila handa sa anumang bagay na mangyayari.
“Postrados are a powerful family, you know where Joros gets all the courage to hurt and abuse me. Because he always gets away from it.” Napatikom siya ng labi. “Gusto kong ipawalang bisa ang kasal namin at… kasuhan si Joros.”
I’ve been following and reading a lot of articles and news about my friend Lucianda Solero. After she passed the bar exam, biglaan na siyang nakilala sa mga mabibigat at walang takot na kaso niyang hinahawakan. Pero nagkalakas loob lang ako na makapagdesisyon nung maramdaman ko na tila ba pareho rin kaming nalagay sa isang sitwasyon na tinatago ang katotohanan dahil sa kahihiyan.
“Of course, Aubs. I will help you,” she said earnestly. “Tell me what happened to you.”
I stared at her face. Walang kupas ang ganda ni Lucianda, ngunit gaano man kaamo ang mukha niya ay hindi makakatakas ang mga mata at kilay niyang tila walang inaatrasan na laban.
I once judged her capability of becoming a lawyer. Hindi dahil hindi siya magaling. Dahil alam ko na may ugali siya na maaaring makaapekto sa kanyang trabaho. Her nightlife, her history of dating men, her behavior sometimes. Pero kakaibang Lucianda ang nasaksihan ko nitong mga nagdaang buwan na siyang binago na ng panahon at mga pagsubok. And I am holding on to that, that maybe one day, I will also find my own way to get out of this mess and change my life. This is just a challenge and failure for me to learn, change, and see the bigger picture of life.
I want to be inspired and have a vivid life again. I want to see myself going home without fear and disturbed thoughts. I want to live each day… away from abuse. I want to smile again. The little Aubrey inside me disappeared when the torture and abuse started to live in my life.
Ang Aubrey na masayahin noong high school kasama ang mga kaibigan niya ay nawala na. At hindi ko alam kung kaya pang maibalik nun ng hustisya, because I think the pain is a scar forever inside me.
Tinignan ko si Lucy at hindi alam kung saan magsisimula. Dahil ang balikan lahat ng nangyari sa akin ay kailanman hindi magiging madali. Nanginig ang labi ko, dumaloy ang mainit na luha sa aking pisngi. Sumikip ang dibdib ko at narito pa rin sa puso ko, ang pagmamahal sa asawa ko sa kabila ng lahat.
Should I start where everything was still fine and happy? Should I start where my heart began to fall for him?
"It was a good start, a beautiful start, Lucy. You know that." Napahagulhol na ako at tinakpan ng palad ang aking labi. "You how amazing our relationship started. How I thought it was perfect."