PROLOGUE

323 Words
PROLOGUE Sobrang naiinip ako sa loob ng classroom. Wala kasing teacher kaya medyo naboboring ako. At para 'di ako dalawin ng antok, I decided na kunin ang cellphone ko. May load ako ngayon, so naisipan kong magtype ng 11 digits number (09071427683) at sabay pindot ko ng call. Hindi ko inaasahan na may sasagot pala sa tawag ko. Kaya nagawa ko itong pagtripan. "Hello babe, kanina pa ako naghihintay dito. Nasan ka na ba? Akala ko ba sabay tayong uuwi? Nasa classroom pa rin ako ngayon, sa room 3 building A.", sambit ko sa kabilang linya. Pinipigilan kong 'wag matawa para sa ganon maging kapani-paniwala ang lahat. "s**t! WHO ARE YOU?", mariing bigkas nito. Boses panlalaki ang siyang narinig ko kaya mas lalo akong naganahan na pagtripan ito. "Hindi mo na agad ako kilala babe? Ang tagal na nating magjowa tapos ganyan ka. How dare you! Hindi ka sa akin makaka-score mamaya.", I said sabay end ko ng tawag. Halos sumakit ang tyan ko dahil nagawa ko ng tumawa ng malakas. Maya-maya nagsi-uwian na rin ang mga kaklase ko at ako na lang ang natira sa classroom. So hindi na rin ako nagtagal at kinuha ko na ang aking bag. Pagkalabas ko palang ng pinto, bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasanday sa dingding. I guess may hinihintay siyang tao. Isinantabi ko na lamang 'yon dahil nagmamadali ako. Naka-ilang hakbang palang ako palayo, nang biglang magring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen, yung taong tinawagan ko kanina ang siyang tumatawag sa akin. "H-hello?", kinakabahang sagot ko. "At last, I found you babe.", wika nito sa kabilang linya. Teka, masyadong malapit ang boses niya sa gawi ko. Hindi kaya yung lalaking nakasanday sa dingding ang natawagan ko? Dahil sa naisip ko, unti-unti akong napalingon sa aking likuran. "Ngayong nandito na ako, baka pwede mo na akong pa-scorin mamaya babe.", ngising sambit ng binata. Potangena! Mapapahamak ako ng wala sa oras! Punyeta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD