CHAPTER 4

617 Words
CHAPTER 4 Tyler Alexis POV: "f**k!", malutong na bigkas ko dala ng matinding emosyon. Mariin ko ring hinawakan ang aking buhok kasabay ng pagsuklay ko rito gamit lamang ang kamay. Naalala ko tuloy ang sinabi ng dalaga kanina tungkol sa buhok ko. "Tsk. Manok na isasabong?", mahinang sambit ko na animo'y hindi ako makapaniwala sa naging komplimento nito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganyang lait, at sa babae pa talaga nanggaling 'yon! "Wala ka pala pare. Talo ka ni Shamyka. Akala ko ba, isang oras lang makukuha mo na agad siya? Mukhang mahihirapan ka yata sa kanya ha?", sulpot na wika ni Anton mula sa aking likuran. Isa siya sa mga barkada ko na tumulong sa akin para gawin ang effort na 'to. Napalingon naman ako rito na medyo nagsasalubong ang kilay. Kapag ganon na ang reaksyon ng aking mukha, alam na nito na badtrip ako. "Chill lang pare. Sinasabi ko lang naman ang totoo. Gaya ng nakita ko kanina, palaban siya. Kaya hindi mo basta mabibihag ang puso non." saad niyang muli. "Can you just shut up?! Tangina! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" pagmumura ko naman. "Sabi mo eh. Sige, maiwan na kita.", tanging sabi nito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na tingnan siya palayo dahil yung atensyon ko, napunta kay Steven. Naglalakad kasi ito palapit sa aking pwesto na may ngisi sa labi. Matanda siya sa akin ng dalawang taon pero hindi ako sanay na tawagin siyang kuya. Para sa akin, magkapatid lang kami sa dugo. Kasi ang totoo n'yan, siya ang dakila kong karibal pagdating sa lahat. "Nakilala ko kanina si Shamyka. And all I can say, she's nice. Parang gusto ko tuloy mapalapit sa kanya.", litanya nito nang makalapit sa akin. Ganito siya kung mang-inis. Normal ang datingan pero iba ang impact. "Makinis ang kutis niya. Maganda ang pangangatawan. At higit sa lahat, malaki ang hinaharap. Siguro masarap siya sa kama noh? Ano sa tingin mo bro?", patuloy na wika niya. Dahil hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig nito, mabilis ko siyang kinwelyuhan. "H'wag na huwag kang magkakamali na bastusin ulit ang girlfriend ko sa harapan ko mismo. Dahil sa oras na ulitin mo pa 'yang sinasabi mo, baka mandilim bigla ang paningin ko sa'yo!", galit kong turan sa kanya. Sa halip na matakot ito, tumawa lang siya na nakakainsulto. "Girlfriend mo? Bro, nananaginip ka yata. Hindi mo girlfriend si Shamyka. Siya pa nga itong nagsabi sa akin na hindi ka niya boyfriend." iling na saad nito kasabay ng pag-alis ng kamay ko sa kwelyo niya. "Kaya walang rason para magalit ka sa akin ng ganyan.Masyadong mainit ang ulo mo Tyler, babae lang 'yon." kalmadong sabi ni Steven. Hindi ako nakapagsalita at matalim ko itong tiningnan. Pero hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala siyang sasabihin. "--Sige ganito na lang, dahil kapatid kita, ako na lang ang mag-aadjust. Kapag natapos mo ng kamahin si Shamyka, mas mabuti kung ibalato mo na siya sa akin." pasegunda nitong wika. 'Di na ako nakapagpigil pa kaya agad ko itong inambangan ng suntok. Napalakas yata ang pagkakasapak ko dahil dumugo ang kanyang labi. "s**t Tyler! Are you out of your mind? Ba't mo ba ako sinuntok?!" bulyaw ni Steven sa akin. "I told you, 'wag na wag mong babastusin si Shamyka. She's mine! At kahit anong mangyari, hindi ko siya ibabalato sa'yo! Kaya matuto kang rumespeto sa pagmamay-ari ng iba, lalo na kung sa akin 'yon.", huling saad ko rito at saka ko siya tinalikuran. Si Steven, ang pagiging gago at babaero non ay nasa loob. Hindi momahahalata sa panlabas nito dahil ibang ugali ang pinapakita niya. Pero kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap, lumalabas ang sungay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD