"You saying something, my sweet?" Napamura sa kanyang isip ang dalaga. Hindi lang pala manhid ang lalaki, bingi rin ito. Nalusaw tuloy ang tapang at drama niyang naipon. "Wala, wala..." Umalis siya sa pagkakadagan dito at nahiga sa tabi nito. Hindi pa man siya nakakahinga nang maayos ay pumulupot na ang mga bisig nito sa kanya. Liam snuggled her, as she pulled the covers on their bodies. Mahina siyang natawa habang pinagmamasdan ang lalaking unti-unti nang iginupo ng antok at pagod habang nakaunan sa kanyang dibdib. Malambing niyang sinuklay ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri. Kung narinig lang sana nito ang kanyang sinabi. Nang i-ungol nito ang kanyang pangalan sa pagtulog nito ay mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. Kulang na lang pipiin nito ang katawan niya sa hig

