"Nakaalis na ba si Rian, Claude?" Sinilip pa ni Liam ang living area bago hinarap ang matanda. Hindi niya sinamahan ang dalaga noong araw na iyon sa pagbisita sa mga kapatid nito. Nagdahilan pa siya na may gagawin sa opisina kahit na ang totoo ay wala naman talaga. Napakunot ang noo si Claude nang mapansin ang ganda ng ngiti niya noong umagang iyon. "Anong klaseng ispiritu ang sumapi sa'yo at ngiting-ngiti ka?" He softly laughed. "Samahan mo ako, Claude. Punta tayo sa Cartier," sabi niya, sabay tukoy sa luxury jewelry shop na madalas niyang pinupuntahan. Napataas ang kilay ni Claude. "Anong meron?" "Come on, aren't you happy that I'm happy too?" "I'm far more concerned why," saad ng kausap. "Because you might be losing your mind with all of the hard thinking you were doing these pas

