II

2019 Words
Parang naglalakad sa ulap si Rian. Nakatanim pa rin sa isipan niya ang mga nangyari kahapon. Sampung libong tip, at pagkain para sa kanya at sa mga kapatid niya. Sino ba namang hindi matutuwa? Naglalaro rin sa isip niya ang guwapong mukha ng kanyang tagapagtanggol. Hindi niya man matandaan ang pangalan nito ay tila naka-ukit naman sa kanyang isip ang mala-Arabo nitong mukha. At ang awtoridad sa boses nito sa tuwing nagsasalita. Napabuntong-hininga siya. Kailangan na niyang magpokus sa trabaho niya. Marami pa siyang utang na kailangang bayaran. Kahit na papaano ay nabawasan niya ang utang niya kay Aling Susan gamit ang iniwang tip sa kanya. Pero kailangan niya pa ring kumilos at magtrabaho para sa kanyang mga kapatid. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan ay humahangos na nilapitan siya ng kanyang manager. "Rian, bilisan mong mag-ayos at may naghahanap sa'yo sa VIP lounge!" Napakunot-noo siya. "Ano po?" "'Yong costumer kahapon, hinahanap ka. Ikaw raw ang gusto niyang mag-serve sa kanya." Nagtataka man ay sinunod niya pa rin ang utos ng kanyang manager. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at dali-daling nag-ayos. Nagtungo si Rian sa VIP area at kumatok ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Ramdam niya ang pagtalon ng puso niya nang makita niya ang pamilyar na Arabong mukha na nakatunghay sa laptop nitong hawak. Kumakabog man ang dibdib ay bahagya pa rin siyang lumapit at kinuha ang atensyon nito. "Magandang umaga, Sir! Can I get your order?" Nag-angat ito ng tingin. Pansin niya ang pagpipigil nito ng ngiti. Tumikhim ito bago inilapag ang laptop nito sa ibabaw ng lamesa. Tinitigan si Rian. Napalunok ang dalaga. Para kasing tumatagos sa kaluluwa niya ang mga mata nito. "Did you get the tip and the food?" Tumango siya. "Opo, Sir. Marami pong salamat!" "Well then, I'll order the same food as yesterday." Bago lumabas ay nginitian niya ito pagkatapos ay maligayang nagpunta sa kitchen para ipaalam ang order nito sa mga chef nila. Para siyang naglalakad sa alapaap. Hindi niya mapigilang mapangiti. Mariing kinurot ni Rian ang kanyang braso. Masyado na siyang nananaginip nang gising. Jusko, Rian. Huwag mong sabihing crush mo si Sir? tanong ng isang parte ng utak niya. Mas lalong nag-init ang tainga niya sa pag-iisip no'n. Bakit niya naman magiging crush ang kostumer nila? Dahil mabait ito? E ano naman ngayon kung crush mo siya? Crush lang naman, e. Depensa naman ng puso niya. Hindi naman magiging kayo. Nang magbalik si Rian sa loob ng VIP room ng kanyang kostumer ay pulang-pula na ang pisngi niya sa hindi niya malamang dahilan. Nahihiya ba siya? Kinikilig? Pareho? Rian! Kumalma ka nga! sawata niya sa sarili. Ngunit huli na. Nag-angat ng tingin ang lalaki at napansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. "S-sir, he-here's y-your o-order," nauutal na sabi niya. Inilapag niya sa harapan nito ang steak at wine na in-order nito at isang platito na may lamang chocolate mousse. "You good?" tanong nito. Tumango siya. Tumikhim ang lalaki. He pointed at the empty seat in front of him. "Have a seat first." "Ahm, sir," nahihiyang sabi niya. "May... trabaho pa po kasi ako..." "Then I'll pay you double. Sit now," maawtoridad na sabi nito. Napalunok si Rian. Nananaginip ba ako? Umupo siya sa harapan nito pagkatapos ay pilit na ipinako ang tingin sa interior ng VIP room. Ang maliit na crystal chandelier na nakasabit sa pagitan nilang dalawa ay nagbibigay ng malamlam na ilaw sa kuwarto. Ang mga leather dining chair ay maayos na nakahilera sa paligid ng isang itim na marble table na nakapagitan sa kanilang dalawa ngayon. "What's your name?" "Ho?" gulat na tanong niya. "Your name. I suppose you have one." "A, Rian po, Sir." Pansin niya ang bahagyang pagkadismayang napinta sa mukha nito. May inaasahan pa ba itong ibang sagot? "Our names sound alike," sabi nito. "You work here as a..." "Waitress po, Sir. Dalawang taon na po ako dito." Tumango-tango ito. "Is the pay good?" "Okay naman po, Sir. Nakakaraos naman ho." Kumunot-noo ito. "Nakakaraos? What do you mean by that?" Nahihiya siyang napangiti. "Marami lang pong pinagkakagastusan, Sir. Pero nakakaraos naman." "So the pay here isn't enough for your daily needs." Hindi nakaimik si Rian. Ayaw naman niyang magkuwento ng talambuhay niya sa kostumer nila. Sa kabila no'n ay ramdam niya ang mabilis na pagpintig ng puso niya dahil inuusisa nito ang buhay niya. Jusko, Rian! Ambisyosa ka talaga! Lumipas ang ilang sandali na walang umiimik sa kanilang dalawa. Hindi naman makatayo si Rian at makalabas ng silid dahil baka magalit ang kostumer nila. Nang tumikhim ito ay tsaka lang siya nagbalik sa huwisyo. "I presume you have so many expenses. Do you mind if I ask what are those?" "Ho?" Sa lalim ng pagi-Ingles nito ay hindi na niya maintindihan ang sinasabi nito. Nagpunas ito ng labi pagkatapos ay sumandal sa upuan. "Mukhang marami kang pinagkakagastusan. Puwede ko bang malaman kung ano ang mga 'yon? Kung ayos lang tanungin." "A, 'wag na po, Sir. Nakakahiya." Ramdam niya ang pag-iinit ng tainga niya. Nag-iwas siya ng tingin ngunit mabilis siyang napalingon nang marinig niya ang mahinang pagtawa ng amo. "It's alright, I insist." "Nagbabayad lang po ng utang, Sir. Dami, e. " Mahina siyang tumawa. "Sugarol po kasi 'yong tatay ko, ang daming iniwan na utang sa amin ng mga kapatid ko. Kaya... medyo hindi po sumasapat 'yong sahod ko. Ako lang po kasi nagtatrabaho, Sir. Bata pa 'yong dalawang kapatid ko." "Ilang taon ka na ba?" "Bente ho, Sir." "Cut the 'ho' and 'po'. I'm still young. I'm just twenty-nine." "Okay po." Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa kausap. "Ah, ang ibig kong sabihin, okay." Mahinang tumawa ang lalaki. Parang nananaginip si Rian. Kahit na sa pagtawa ay tunog guwapo ito. "You're amusing, don't you know that? Anyway, if the pay here isn't enough, then why stay? Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho?" "Dito lang kasi 'yong tumatanggap ng highschool graduate, Sir. No choice talaga." Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Mahirap talaga buhay dito sa siyudad. The competition here is very tight. Either you break, or you make it." Lumamlam ang mata ni Rian. Pinag-iisipan ang sinabi ng kausap. Oo nga naman. Mahirap ang buhay sa siyudad. Pero wala naman silang ibang uuwian. Dito na ipinanganak ang mga magulang niya. Dito na rin siya nagkaisip at namulat. Wala siyang takas. Walang ibang tatakbuhan. "Hindi naman ako siguro forever na na ganito, Sir. Dadating din naman 'yong panahon na makakabayad ako sa lahat ng utang ng tatay ko," sabi niya. Ngumiti ito. "I admire your optimism. However, I'm afraid I have to go." Napatayo ang dalaga. "Ahm, sige, Sir! Kukuhanin ko lang ang bill ninyo." Dali-daling lumabas ang dalaga at kinuha ang bill sa counter. Nakapagtatakang hindi siya pinagalitan ng manager niya kahit na halos tumambay siya sa inupahang kuwarto ng kostumer na kausap niya. Nang makabalik siya at maibigay ang bill dito ay mabilis din siyang umalis. Baka kasi isipin nito ay naghihintay siya ng tip. Hindi naman siya abusado at ayaw niyang magmukhang abusado. Masaya na siya na kahit papaano ay gumaan ang loob niya nang makausap niya ito. Tahimik siyang naglilinis ng mga lamesa nang maramdaman niya na may tumapik sa braso niya. Paglingon niya ay halos malaglag ang puso niya sa lupa nang makita niya kung sino iyon. Si Sir! "I have to go, Rian. Keep up the good work." Ramdam niya ang pagsibol ng mga mumunting paruparo sa kanyang sikmura nang ngitian siya nito. Hindi nakahuma ang dalaga hanggang sa maglakad ang lalaki papalayo. Noon niya lang napagtanto na hindi niya naitanong ang pangalan nito. Gusto niya mang tanungin ang manager niya ay pinipigilan siya ng hiya. Baka mamaya, kung ano pa ang isipin ng mga katrabaho niya. Gaga ka, Rian! Crush lang 'yan, huwag mong seryosohin! saway niya sa sarili. Nang makasakay si Liam sa loob ng kanyang pulang Ferrari ay hindi niya mapigilang hindi mapangisi. Sumasagi kasi sa isipan niya ang maamong mukha ng waitress sa restaurant na kanina lang ay kausap niya. Kahit na halos ilang oras niyang hinintay na mag-umpisa ang shift nito ay hindi niya alam kung bakit masaya pa rin siya nang makita niya itong papasok sa loob ng VIP room. Pilit na iwinaksi ni Liam ang mukha nito sa kanyang isipan. Masaya lang siyang kasama, that's all. And Liam know too well that she's just being nice and accomodating because he's a costumer. A VIP, to be precise. And he's Liam Hayes Astoria, after all. Women pay attention to him for two things: looks and money. Liam doesn't care that much about it. There's a long line of girls waiting for him to pay them attention. But the snobbish and heartless Liam doesn't care about them. His heart is already taken by someone who disappeared without a trace. Humigpit ang kapit niya sa manibela. Remembering he's on the road, he let out deep exhales to calm himself. Binuksan niya ang kanyang smartphone at tinawagan si Claude, ang kanyang sekretarya na halos tumayo nang ama para sa kanya. Nakailang-beses pang nag-ring ang kabilang linya bago ito sinagot ng kanyang tinatawagan. "How's the search for Vanessa, Claude?" Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Wala pa rin, Sir. I hired the best private investigators but still, nothing. Kahit na anong trace o clue kung saan siya nagpunta, wala. It seems like she disappeared out of plain sight." He sighed. "Thanks, Claude." "What if, you give up on her already, Liam?" nag-iba ang tono ng boses nito. Pakiramdam ni Liam ay nakikipag-usap siya sa kanyang ama. Hindi siya umimik. He's been convincing him to give up for months now, and they both know that Liam is more than determined to find her. Once he has set his attention on to something, he'll definitely do whatever it takes to achieve it. What Liam wants, Liam gets, 'ika nga. "It's been two years, son. She already broke up with you. Maybe it's time for you to, you know. Look for someone new." "If it's that easy, Claude, then I would've done that ages ago." His voice croaked. He cleared his throat and then turned his attention on the road. "What about the girl yesterday? Ikinansela mo pa talaga lahat ng meetings mo para lang tumambay sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya." Liam scoffed. "She just... Look, Claude. She amused me. That's all." "Why, because they look alike?" Hindi na sinagot ni Liam ang kausap. He knew him too well. Ipinokus niya na lang ang atensyon niya sa pagmamaneho. Hinintay niya na ibaba ng kausap ang telepono. But he didn't, as if he's curious about the girl from the restaurant too. Well, he must admit, he's a little bit curious about her too. Maybe because just like what Claude said, she looks like somebody else. "What's her name again?" "Rian," he mumbled. Sumagi na naman sa isipan niya ang maamong mukha nito at ang lambing ng boses nito kapag nagsasalita. Liam can't help but imagine her sitting beside him inside the car. Calling him 'Sir', softly laughing, her cheeks red with embarassment. "What?" Ang boses ni Claude ang nagpabalik sa huwisyo niya. Tumikhim ulit si Liam. He should calm his nerves. "It's Rian, Claude." Lumipas ang ilang sandali ng katahimikan. Hindi malaman ni Liam kung ano ang ginagawa ng sekretarya. He can faintly hear his voice from the other line as if he's talking to someone else. Mayamaya ay bumalik ito sa tawag sa kanya. "Rian Vera Cruz, 20." Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Liam. "Hey, Claude. Don't tell me you hired a private investigator to know the details of her life?" Tumawa ito. "Took you long enough to figure out." "What the hell, Claude! I told you, she just amused me. That's all." "We can work on with love later," nambubuskang sagot nito. "I'll hand you the information about her tomorrow, 10 AM sharp." "Stop playing cupid, Claude. You know I'm still stuck with—" Tumawa ito. "Someday, you'll be thankful to me that I played cupid on you, son."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD