"Bakit ba tayo nandito, Liam? Ang-init-init," mahinang reklamo ng dalaga habang naglalakad sa tabi niya. Inaya niya kasi ito na magpunta sa ecopark ng siyudad ng X. Upang maka-iwas sa mga paparazzi ay napagdesisyunan niya na magsuot ng shades at cap, kagaya ng kasama. "Wala lang, loving the nature. Tsaka maganda ang sunlight sa balat." Ang totoo ay gusto niya lang itong ipasyal. Gusto niya lang itong makasama. Matingnan at mapagmasdan nang maigi. Hindi niya mapigilan na hindi pag-aralan ang sarili niyang damdamin. Kinakain siya ng guilt niya sa tuwing nakikita ang mga mata ng dalaga na tila napipilitan na lang ngumiti at tumawa sa kanya. Mahina itong tumawa bago kumapit sa braso niya. Mabato ang daanan habang napapaligiran sila ng mga puno. Tahimik, ang tanging maririnig lang sa paligi

