Hindi nakahuma ang dalaga sa alok ni Liam. Hindi niya alam kung maiinsulto ba siya o matutuwa; naghahalo ang galit at ang kakaibang emosyon sa loob ng dibdib niya.
"Pasensya na po Sir, pero hindi ako kagaya ng iniisip niyo." May bahid na ng galit ang boses niya.
Nginisian siya nito. "I know, Rian. But what I mean is, it might take you forever to pay your huge debt. Hindi lang naman libo ang pinag-uusapan natin dito, milyon. Milyon ang utang ng tatay mo."
Lalong nalaglag ang panga ng dalaga nang marinig iyon mula sa bibig ng kaharap. Paanong nalaman nito ang tungkol sa utang ng kanyang ama? Sigurado siya na hindi niya sinabi ang mga detalye niyon dito, at mas lalong hindi siya humihingi ng tulong dito.
"Paanong—"
"I'm Liam Astoria, Rian. I have my own ways. And I'm not going to back out with my offer. It is a huge help for the two of us, don't you think? Just consider it as a—"
"Pasensya na Sir, pero inuulit ko, hindi po ako kagaya ng iniisip niyo," mataas ang boses na sabi ng dalaga. "Mas gugustuhin ko na na magbayad ng utang panghabangbuhay kaysa ibenta ang sarili ko, Sir."
"I'm not asking you to be a prostitute."
"At mas lalong hindi ko naman po gusto na maging kerida ninyo!" Pigil ang pag-iyak na tumalikod si Rian. "Kukuhanin ko na po ang bill ninyo, may trabaho pa po ako."
Nanghihina ang mga tuhod na naglakad siya papalabas ng pinto. Hindi makapaniwala si Rian na ganoon pala ang totoong ugali ng Liam na iyon. Akala niya pa naman...
Ano pa bang aasahan mo, Rian? Lahat ng mga mayayaman, basura ang tingin sa mga babaeng katulad mo, bulong ng isip niya.
Ayaw man niyang bumalik sa VIP area ay napilitan siya dahil kailangan niyang ihatid ang bill nito. Nanginginig ang mga tuhod ni Rian. Nagbabadya ang mga luha na bumagsak mula sa mga pisngi niya. Matigas ang ekspresyon na hinarap niya ulit ang lalaki. Wala siyang mabanaag na emosyon sa mukha nito. Ilang beses na minura ni Rian ang lalaki sa isipan niya. Dapat pala ay hindi siya masyadong naging komportable rito.
"Rian—" Maawtoridad ang boses nito ngunit mabilis niyang pinutol iyon.
"I hope you enjoyed your stay here, Sir."
Tinalikuran niya ang lalaki. Hahakbang na sana siya palabas ng kuwarto nang marinig niya ang baritonong boses nito.
"Consider my offer, please. " May halong pagsusumamo ang tinig nito.
Hindi siya umimik. Naglakad siya diretso sa staff room. Hindi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay naloko siya ng pagiging mabait sa kanya ng lalaking iyon. Katulad lang din pala ito ng daan-daang lalaki sa siyudad ng X. Naghahanap lang ng bagong putahe. At pakiramdam ni Rian ay para siyang bagong ulam sa paningin nito.
Nagalusan ang ego ng dalaga. Hindi niya iyon maikakaila. Para siyang nainsulto nang sabihin nito na baka buong buhay niya ay nagbabayad siya ng utang ng kanyang ama, at wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang ibenta ang sarili niya. Kahit na ganoon nag sitwasyon ng buhay niya, kailanman ay hindi niya naisipang ibenta ang sariling laman niya.
Napasalampak ang dalaga sa isang sulok ng maliit na staff room. Hindi niya mapigilan na maawa sa sarili niya. At magalit sa mundo.
Kung hindi lang sana sila ibinaon mg tatay niya sa utang, 'disin sana'y hindi ganito ang buhay niya.
Ilang minuto pa ang binilang niya bago siya tumayo at naglakad palabas ng staff room. Pihado niya ay nakaalis na ang lalaki. Ayaw niyang harapin ito at mas lalong ayaw niyang makita nito na malapit na siyang umiyak.
Pilit na iwinaksi ni Rian sa isipan ang mga salitang binitawan ng lalaki. Pilit na ipinokus ang atensyon sa trabaho niya sa restaurant. Ngunit kahit na anong paglimot ang gawin ng dalaga ay parang tuksong nagpabalik-balik sa isipan niya ang alok nito. At kung paano siya nainsulto.
Naiinis at naaawa ang dalaga sa sarili. Naiinis siya dahil ambilis na nahulog ang loob niya rito, at naaawa dahil pakiramdam niya ay para siyang tinarantado.
Hanggang sa makauwi ang dalaga ay parang wala siya sa huwisyo. 'Ni hindi niya pinansin ang mga katrabaho niya, basta umalis na lang siya bitbit ang mga gamit niya. 'Ni hindi niya na rin naisipang magpalit pa ng damit.
Nagpalaboy-aboy si Rian sa mga maiingay na lansagan ng siyudad ng X. Malalim ang iniisip. Hindi umiimik.
'Ni hindi siya makaiyak. Ano bang ginawa niyang kasalanan para siya ang magdusa sa mga pagkakautang ng kanyang ama? Para siya ang araw-araw na apakan ng mga tao sa paligid niya? Kung hindi lang dahil sa mga kapatid niya...
Gusto ko nang sumuko, bulong ng isipan niya.
Huminto ang mga paa niya sa mahabang tulay na nag-uugnay sa siyudad ng X at sa karatig siyudad nito na Han. Malamlam ang mga mata na nakatitig si Rian sa asul na katubigan sa ilalim ng tulay.
Humigpit ang kapit niya sa barandilya. Hanggang sa naramdaman niya na ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Ang gumagaragal niyang sigaw ay umalingawngaw sa kahabaan ng tulay na iyon na walang katao-tao. Paos ang tinig niya. Hindi na alam ni Rian ang dapat niyang gawin sa buhay niya o sa mga utang ng kanyang ama.
Tama si Liam. Baka nga iyon na lang ang tanging solusyon...
Tumahimik ka nga, Rian, saway niya sa sarili. Alam mo naman na hindi mo kayang gawin 'yon.
Ilang beses na nagpakawala ang dalaga ng malalim na buntong-hininga bago naglakad pauwi. Tiyak niya na hinihintay na siya ng mga kapatid niya.
At kailangan niya ulit magpanggap na kinakaya niya pa ang lahat.
---------------------
Mabigat ang dibdib na naglakad si Liam palabas ng restaurant. It wasn't because she got mad; it was because she turned him down. Ang Liam's huge pride got hurt a little bit. Wala pang babaeng tumanggi sa kanya nang ganoon. Kahit kailan. No one dared to cut him off while talking and no one dared to argue with him. Not until this day, when this waitress decided to break that record.
If it was someone else, he would've made their life miserable in just a mere matter of seconds. Pero paano pa nga ba niya gagawin iyon kung mala-impyerno na ang buhay ni Rian? And him doing nothing about it frustrates him even more.
Tinanggal niya sa pagkakabutones ang dalawang unang butones ng polo niya at sumakay sa loob ng bitbit niyang itim na Porsche. His head is pounding. Sandaling isinandal ni Liam ang ulo sa headrest ng driver's seat.
Fuck it, Liam.
But somehow, her turning him down made him feel more guilty. Alam niya na bahagyang nainsulto ito sa alok niya. Judging from her expression and voice earlier, Liam can't help but to keep on thinking about her. She is a mystery that he wants to immerse himself into.
Driving home didn't felt like it was before. He felt so unsatisfied. It felt like there's something lacking in his life. Siguro kaya ganito ang nararamdaman niya ay dahil ito ang unang beses na nakatikim siya ng pagkatalo. Unang beses na may babaeng tumanggi sa kanya.
The gigantic steel gates of his mansion opened for him. Nagmaneho siya papasok sa mahabang driveway kung saan sa dulo niyon ay ang entrance na papunta sa mansiyon niya. Ang nang-aasar na mukha ni Claude ang unang bumungad sa kanya nang makababa siya ng sasakyan. Inihagis niya ang susi rito at hinubad ang suot niyang coat.
"Mukha kang Biyernes Santo, hijo."
"Not now, Claude," wala sa mood na sagot niya.
"Why, she turned you down? Ano nang nangyari kay Almighty Liam?"
'Almighty Liam' ang tawag sa kanya ni Claude dahil na rin sa lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Lahat ay napapasunod niya sa isang pitik lang ng daliri. But now, it sounded more like an insult to him.
"Goddamnit Claude, don't ask. I'm not in the mood to talk about it."
Mahina itong tumawa. "First time, a."
Liam scoffed. "Yeah. But not for long, I guess. I'll make sure she'll never be able to reject my offer again."
Iniwanan ni Liam ang kanyang sekretarya at umakyat patungo sa kuwarto niya. Locking the door behind him, Liam submerged himself into the silence of his room. He removed his polo and opened his wine cabinet, took two bottles of Hennessy X.O. and went to the balcony.
Sour loser, buska niya sa sarili habang binubuksan ang isa sa mga bote ng alak na bitbit niya. Imbes na kumuha ng baso ay ibinuhos niya ang laman niyon sa kanyang bibig. He drowned with the taste of it.
"Putangina," mahinang pagmumura niya. "What the f**k is wrong with you, Liam Hayes?"
Matagal ring napako ang tingin ni Liam sa malawak na hardin sa loob ng kanyang pagmamay-aring lupain. Ipinagawa niya ang mansiyon na iyon bago ang kasal niyang hindi na natuloy.
He scoffed with the memory of his failed wedding. Kung paano siya nagmukhang tanga sa harap ng daang mga tao. Kung paano siya naghintay sa wala sa loob ng anim na oras hanggang sa sapilitan na siyang iuwi ni Claude. And how his businesses almost failed because of it.
And now, after two years, Liam became a changed man. More cruel and ruthless. More cold. And too much love killed him and changed him. He doesn't even know what to think about right now. Nor what to do about that waitress. His mind is filled with thoughts of work and Vanessa.
Or is it Rian?
No, not in my wildest dreams, depensa niya. Pilit niya pa ring isinisiksik sa kukote na interesado lang siya sa dalaga dahil kamukha nito ang dati niyang nobya. Dahil pakiramdam niya ay si Vanessa ang kasama niya kapag kausap niya ito. Liam was in his own dreamland whenever he's with her. She's like a drug that keeps him away from reality and pain.
Naglakad si Liam papunta sa study room niya. Papunta sa drawer niya na palagi niyang ikinakandado. His hands were shaky when he opened it. And even more when he took the sole picture and ring stored in it.
"Vanessa..." he mumbled. "'Tangina, bakit ka ba biglang nawala?"
He's losing his mind. Patunay ang bawat sulok ng malaki niyang mansiyon, ang mga piping saksi ng pagdurusa niya gabi-gabi. All Liam needs is one clear reason why she left him. And why she disappeared so suddenly.
"f**k, am I not worth it for you? Kulang pa ba ang yaman ko? Am I not good-looking enough? If not, then f**k it... f**k it! Why did you left me? Why did you f*****g left me? Why did you f*****g left me, Vanessa?"
Ang nakabibinging sigaw ni Liam ay umalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang study room. Nasundan iyon ng tunog ng pagkabasag ng study lamp niya at ng mga nagliliparang gamit. Liam's hands were covered with his own blood but he doesn't care. His frustrations are growing bigger and bigger for every single second he doesn't see her face nor hear her voice.
That's why he needs Rian Vera Cruz. Not her love, not her heart. But her face. Her presence. Her voice. Kapalit ng nawawala niyang nobya. At kung sakaling pumayag ito, alam niya sa sarili niya na mas gugustuhin na niyang mabuhay sa loob ng kasinungalingan at pagpapanggap na ito si Vanessa.
He knew he badly needs her presence. And her face. But not her love.
Just for the sake of somewhat feeling Vanessa's presence.