Oliver
“Eheemmm” tikhim ko. Sabay sabay pa silang tumayo sa pag kaka upo ng makita kami ni Olivia. Hanggang ngayon bakas pa din sa mga muka ng mga loko loko ang ngiti dahil sa nakita nila kanina.
“Olivia this is Ram Montemayor ang asawa ni Bella,, this is Theo and Coco Kuya Zach and Sparkle at si kuya J-
“Ako si Kuya JM mo ang pinaka gwapo sa lahat.. at ang original na anaconda” singit ni kuya JM. Buti Hindi niya kasama si Ate RaRa Kung Hindi na aboog boog nanaman ito.
“Nice to meet you all..” Bati ni Olivia.
“Anak susunod sila kuya Matteo mo at Kuya Clay mo bukas” singit ng mommy.. matapos kong ipakilala ang mga bwisita ko na upo kaming lahat sa living room.
“Ano bang Meron Bakit ba kayo nandito late na ha” Naiinis Kong tanong.
“Pinag tatabuyan mo ako Choy!!” Ma sungit na tanong ni Bella. Napakamot ako ng kilay kahit kailan talaga tiklop ako kay Bella.
“Hindi naman sa ganon Bella nag tataka lang ako Bakit napasugod kayo dito ng ganitong oras” paliwanag ko.
“Because we saw Tita Helen’s post na engaged kana kaya I called Tita Helen.. and Tita Helen told us na may party bukas that’s why we’re here” litanya ni Bella.
“Nang Galing kami sa farm ni Theo at Coco tapos nag kayayaaan sa bar ni JM at doon namin nakita ang post ni Tita Helen” si Ram.
“Ah Ok.. akala ko galing pa kayong Manila.. nandito na pala kayo sa Tagaytay.. so Anong Oras niyo balak umuwi”
“Oliver!!”
“Choy!!!” Sigaw ng mommy at ni Olivia.
“Joke lang.. pero bawal mag puyat ang asawa ko dahil buntis kaya maiwan na-namin kayo ha..” paalam ko. Tatayo na sana ako pero nag parinig ang mga Siraulo.
“Bitin yarn..?” Si Theo
“Bakit naka tayo pa ba?” Si Kuya JM
“Gustong ituloy bro ang naudlot na Bebe time” si kuya Zach.
“Hoy!! Mahiya kayo kay Olivia oh! Ang mga bibig niyo itikom niyo” saway ni Sparkle.
“Sorry Olivia ha.. nagulat lang talaga kami sa tili ni Tita Helen” si Bella
“Ok lang yun.. kasalanan ko din naman Hindi ko ni lock ang pinto”Sagot ni Olivia.
“Ok guys!! see you tomorrow byeee!!” Paalam ko ulit. Tayong tayo pA kasi ang upo ko ang sakit sa puson mabitin .
“Oliver Pwede ba muna akong makipag kwentuhan sakanila kahit saglit lang ngayon ko lang sila nakilala” pigil na pigil ang mga tawa ng loko loko. Huminga ako ng malalalim.
“Ok love..” sabay halik ko sa noo niya.
“Ang sweet naman ni Sandoval kahit na bitin!!” Asar ni kuya JM. Tumayo si Kuya Zach at hinila ako patayo.
“Iwan mo yang fiancée mo at mag inuman tayo sa labas” ayoko sanang iwan ang love ko pero itong mga bwisita ko ang kukulit.
“Babalik ako Kaagad love ok” paalam ko habang akbay ako ni kuya Zach.
“You guys are annoying kahit kailan storbo kayo ang galing niyong tumayming!!” Biro ko sakanila. Nasa teresa kami at nagiinuman.
“Sandoval diba si Mia ang last mong ka relasyon what happened to her” Usisa ni Ram.
“After Bella wala na akong naka relasyon Montemayor.. Mia is just a fling siya nga lang ang Tumagal but she’s in the US now” tumango tango naman si Ram.
“Ika-kasal ka na bro!! Planuhin natin ang bachelor party mo gawin natin sa VIP ng bar ko” si kuya JM.
“Yeah bro ilang babae ang gusto mong sumayaw saiyo” si kuya Zach.
“Saakin oh sainyo? pag narinig kayo ng mga asawa niyo yari kayo!” I’m not even thinking about bachelor party mas naiisip ko pang paglanuhan ang kasal namin ni Olivia.
“Ano ka ba Sandoval kasama yan sa pag papakasal ang I celebrate ang huling gabi ng pag ka binata mo” si Theo.
“Ayoko ng bachelor party.. ayokong bigyan ng sama ng loob ang asawa ko lalo na at buntis siya” seryoso Kong Sagot.
“Good boy na nga si Choy.. I’m happy for you bro at nakahanap ka na ng forever mo” sabay tapik ni kuya JM sa Balikat ko.
Olivia’s POV
“Mukang in love na in love saiyo si Choy ayaw ka ng pakawalan” bungad ni Bella ng makalabas sila Oliver at si mommy Helen naman ay pumasok na sa kwarto niya.
“Sa tingin mo Bella mahal na talaga ako ni Oliver hindi kaya napipilitan lang siya na pakasalan ako dahil nabuntis niya ako” paniniguro ko. Dahil kung May nakaka kilala ng husto kay Oliver si Bella yun.
“Oo naman kitang kita sa mga ni Choy.. Kilala ko yun Hindi yun mag papakasal sa babaeng Hindi niya mahal” segunda ni Bella.
“I know! last girlfriend niya si Mia diba ang tagal nila I didn’t even know na Wala na sila akala ko nga sakanya na engaged si Kevin” napalingon ako kay Coco sa sinabi niya.
“Mia? Sino si Mia” sinamaan ng tingin ni Bella si Coco.
“Wala ka fling lang ni Oliver yun” Sagot ni Bella.
“Really? They’re not serious? Akala ko talaga mag jowa sila” tinakpan ni Sparkle ang bibig ni Coco.
“Huwag niyo ng pag takpan si Oliver kung May alam kayo I think I deserve to know” malumanay kong Sambit, lumapit si Bella saakin at hinawakan ang kamay ko.
“Believe me Olivia Wala silang relasyon ni Mia.. they were friends with benefits nothing more ikaw ang mahal ni Choy at ikaw ang pakakasalan niya” Ngumiti ako sakanya.
“Yeah believe Bella dahil sila naman ang close ni Kevin.. asumera lang ito si Coco dahil nga si Mia ang laging kasama noon ni Kevin” segunda ni Sparkle.
“Wala kasing nababanggit si Oliver about kay Mia kaya nagulat lang ako”
“Dahil she’s not important to him kaya Hindi na siya kailangan banggitin pa” si Bella ulit. Hindi na ako nag tanong pang muli naisip ko kung May dapat mag sabi saakin kung Sino si Mia si Oliver yun.
“Dito kayo matutulog?” Tanong ko
“Oh no dumaan lang kami pero kami ni Sparkle sa Montemayor Grand plaza hotel kami tutuloy” Sagot ni Bella.
“Kami ni Theo sa farm namin doon kami matutulog” segunda ni Coco.
“Eh si kuya JM saan matutulog?”
“Dito Olivia.. dito ako matutulog Pwede ba sa gitna niyo ni Choy?” Nagulat pa kami ng sumungit si Kuya JM. Mukang nakainom silang lahat. Lumapit saakin si Oliver at niyakap ako. “Let’s go love tuloy natin ang Bebe time natin” pilyong Sambit ni Oliver kahit na may mga nakakarinig
“Miguel! Dami niyo yata ininom?” Sita ni Bella. Mag kaka akbay pa kasi sila habang nag lalakad papasok.
“Yeah napa dami ng konti.. si kuya JM kasi tagay ng Tagay” sisi ni Ram.
“Siyemre nasa tagay-tay tayo kaya tagay lang ng tagay” pilosopong Sagot ni Kuya JM sabay tawanan nila.
“Tagay lang ng tagay kaya ngayon mga lupaypay kayo! Ngayon sino ang mag da-drive pa uwi ha Theo-ling!!” Pingot pingot ni Coco si Theo. Nakakatuwa silang panoorin.
“Dito nalang kayo matulog may mga extra room naman dito”Alok ko. Pumayag na sila Bella na dito matulog kesa mag drive pa sila pabalik sa hotel at Farm.
Pinag tabi nila ang mga lasing nilang asawa sa isang kwarto at tabi tabi kaming mga girls sa master bedroom.
“Ayusan ka namin bukas Olivia para sà engagement party mo..makikilala mo din sila Ate RaRa Ate Abby at Ate Lara Mae” excited na Sambit ni Sparkle. Ang gaganda nila kahit mga Wala ng make up at May mga anak na. Tumango ako ng sunod sunod. Ang sarap sa pakiramdam na kaibigan agad ang turi nila saakin.
***
Oliver
“Ang bango mo Love sarap mong kayakap”
“Mas ma bango ka RaRa Amoy pinipig” naramdaman kong May humahalik sa talampakan ko.
“Love Bakit parang dry ang lips mo ang gaspang eh” narinig kong May mga tumatawa kaya Minulat ko ang mga mata ko. Nagulat ako ng makita ko na ang kayakap ko ay paa. Paa ni-
“Kuya JM!!!” Mabilis kong itinulak palayo ang paa ni kuya JM. Pero Hindi ako ma kabangon dahil hawak hawak niya ang isang hita ko. Hinahalik halikan pa nga.
“My gosh Sparkle look at Theo and Zach mag kayakap face to face pa” Sambit ni Coco habang tawa sila ng tawa. Lumapit si Sparkle kay kuya Zach.
“Sweet heart.. kiss mo nga ako” bulong ni Sparkle kay kuya Zach.
“Of course sweetheart” hinawakan ni Kuya Zach ang pisngi ni Theo pero bago pa maglapat ang mga labi nila tumili si mommy Helen.
“Acchhkktt!!! Anong nangyayari dito?!” Si Kuya JM na nakayakap pa din sa binti ko ay nagising, pati si Theo at Kuya Zach din.
“Tang ina mo Bro kailan ka pa naging bakla!!” Angil ni Theo.
“Ang Bastos ng anak niyo Tita Helen pati ako gagahasain dahil nabitin kagabi!” Punas punas ni kuya JM ang labi niya dahil kanina pa niya hinahalik halikan ang binti ko..
“Naku tama na nga kayo!! Mag si ligo na kayo at mag almusal para makatulong tayo sa pag aayos ng venue” masungit na Sambit ni Bella.
“Nasaan si Ram?” Tanong ko.
“In the kitchen.. he’s eating breakfast already” sagot ni Bella.. bwisit na yun Hindi man Lang kami ginising.
Matapos kaming pag tripan ng mga asawa namin isa isa kaming nag si paligo dahil pakiramdam namin nakadikit pa din ang mga labi ng isat isa sa katawan namin.
“Oh kamusta ang tulog ng mga Playboy? Maganda ba napanaginipan niyo?!” Tatawa tawang tanong ni Ram ng abutan namin siya sa kusina at sarap na sarap sa pag higop ng kape niya.
“Nay Tessa paki kuha po ako ng tubig yung kumukulo po sa sobrang init ha” utos ni kuya JM.
“Tubig lang iho ayaw mo ng kape.” Takang tanong ni Nanay
“Hindi po nay ibubuhos ko kay Rambutan! A-gigil niya ako eh hindi man Lang kami ginising pinabayaan kaming makipag halikan sa mga paa!” Inis na Inis na Sambit ni kuya JM.
“Maka reklamo ka naman diyan ang kinis kaya ng legs ko ako nga paa mo na halikan ko ang gaspang ất dry na puro Kalyo pa!!” Reklamo ko.
“Ganyan talaga ang mga tunay na lalaki magagaspang ang mga paa lalo na pag dati kang hearthrob football player.” Bida bida ni Kuya JM.
“Pero tama ka Kevin makinis ang binti mo mas magaspang pa nga ang labi ni ate Ra-
“Kaninong labi ang magaspang John Michael Smith!!!” Napa pikit si Kuya JM ng marinig ang boses ni Ate RaRa.
“Boo nandito ka na pala halika mag kape ka muna pagtitimpla kita” biglang naging maamong tupa.
“Kaninong labi ang magaspang Kuya JM?” Tanong ni Ram habang naka ngiti. Pinanlakihan ito ng mata ni Kuya JM.
“Labi ko ba ang sinasabi mong magaspang JM!!!”segunda ni Ate RaRa.
“Hindi no!! Lambot kaya ng labi mo!!yung labi ni Ra- Ram!! Tignan mộ dry na dry Wala sigurong pAmbili ng lip balm regaluhan natin sa pasko boo” kaila ni kuya JM.
“Nag sisimula ka na-naman ng kalokohan mo saglit lang kitang napa kawalan sa mental!!” Nagtawanan kami lahat sa sinabi ni ate RaRa.
“Oh by the way ate RaRa si Olivia nga pala my fiancée and my only love” pakilala ko.
“Oh my gosh nice to meet you!! Sorry I thought it’s Mia.. but I’m glad Hindi siya hahaha” napa sulyap saakin si Olivia si ate RaRa lang ang Tumawa lahat tahimik. Mag asawa nga sila ni kuya JM parehong pasmado ang bibig eh.
“What?! Ang tahimik niyo.. did I say something wrong? Anyway Matteo Lara Mae Clay and Abby are outside kausap si Tita Helen” tumango lang kami.
“Love Ok ka lang?” Tanong ko dahil nanahimik siya bigla kanina lang tawa ng tawa.
“Yeah I’m ok” tipid nitong sagot.
“Hi guys!!!” Napalingon kami ng pumasok sila Kuya Matteo.
“Finally Bro mag papakasal kana!! Bakit mo iniwan yung fiancée mo sa labas?! Swerte mo bro maganda na mabait pa” si Kuya Clay.
“Kuya Clay this is Olivia my fiancée sino bang sinasabi mo na fiancée ko na nasa labas?!” Naiinis na ako dahil I can feel that Olivia is getting uncomfortable.
“F*ck! Sorry my bad si ano kasi nasa labas kausap ni Tita Helen. Si-
“Hi Kevin”
“Mía?!” Sabay Sabay pA kaming sambit.