KINAUMAGAHAN, aandap-andap na gumising si Zairah dahil pasado alas-dose na ng gabi siya nakauwi at nag-overtime siya ng isang oras. Umuwi ang kasama niyang si Louise dahil masama na ang pakiramdam nito. Ayaw din naman siyang pauwiin ng manager niya dahil marami pa ang mga customer na naiwan. Humihikab pa siyang dinampot ang tuwalya niyang nakasabit sa gilid ng kaniyang aparador saka tumungo ng banyo. Mabuti na lang at alas-onse ang pasok niya dahil kung hindi, sabaw na naman siyang guguhit sa pentab. Bago pa man siya pumasok sa banyo, narinig niyang tumunog ang kaniyang cell phone. Marahan niyang tinungo ito kung saan nakapatong ito sa ibabaw ng kaniyang unan saka tinignan ang caller. Naka-rehistro roon ang pangalan ng kaniyang ina. Dinampot niya ang cell phone at sinagot ang tawag ng kan

