NASA couch si Zairah habang pinupunasan niya ang damit na nabasa kanina sa loob ng banyo. Natalsikan din ang suot niyang pantalon ngunit kaya namang patuyuin. “May damit akong pinahanda sa kasambahay ko. You can use that for a while. Kung bakit kasi hindi mo sinuot ang apron na nasa loob lang ng banyo.” Naroon na ang binata sa gawi niya na kakatapos lang magbihis. Muli niya itong tinignan na ngayon ay may hawak itong sobre saka nito inilapag sa center table. Nagtataka siya kung para saan iyon. “Here’s the money as you write in the contract. Kumpleto iyan.” “S-Salamat.” “By the way, are you working?” Tumango siya. “Iyon pa pala ang dapat kong sabihin sa inyo, Sir. Full-time ako sa work ko at part-time naman sa isang sikat na club sa BGC.” “Just call me Zack. From now on, I am your pr

