“Pumasok ka na sa loob. He needs you,” wika ni Raven. “R-Raven, ayos lang ba siya?” pag-aalala niya. Tumango ito. “Yeah. Wala naman siyang natamong major injury.” “Mabuti naman kung ganoon. Sige at pupuntahan ko na siya.” Naglakad na siya at nilagpasan niya ang binata. “Sandali...” pigil nito. Napatigil siya saka marahang lumingon kay Raven. “Don't tolerate him if whatever he wants. Ikakapahamak niya iyon.” Nakatitig lamang siya sa mga mata nitong tila seryoso sa mga katagang binitiwan nito. Hindi siya sanay na ganoon ang ipinapakitang emosyon ng binata sa kaniya. Tumango na lamang siya bilang pagtugon saka niya muling tinalikuran ito at tinungo ang kwarto ng binata. Naramdaman niyang may alam si Raven sa nangyari sa kanila kaya ganoon na lamang ito kung paalalahanan siya. Nakakahiy

