Ten

1604 Words
AGAD NA PINUNTAHAN nila ang park na sinabi nito. Nagpatawag siya ng pulis para imbestigahan ang nangyari. Pambubully ang ginawa ng mga babae kay Yuka. Mga nasa twenty plus na ang mga ito kaya hindi siya papayag na hindi mananagot ang mga iyon sa ginawa ng mga ito kay Yuka. "Ser, nakilala na namin ang sinasabi ni Miss Yuka. Pupuntahan na lang namin sa mga bahay nila at dadalhin sa pulis station." Tumango si William, "Sige, hintayin ko ang update niyo ngayon. Gusto ko silang makaharap at kunin ang bagay na kinuha nila sa asawa ko." "Sige ho. Mauna na kami." "Salamat." Nang makaalis ang mga pulis ay agad na inaya niya si Yuka pero ayaw nitong umalis. "Kunin natin si Lily.. Ayaw ko uwi, wala si Lily.." "Honey, hinahanap na ng mga pulis ang bahay nang kumuha kay Lily at sa alahas mo. Kaya sa bahay na lang natin hintayin, okay?" "Ayaw ko.." "Yuka, isa.. Sumunod ka ngayon sa akin dahil may kasalanan ka pa. Akala mo ba hindi ako galit sa ginawa mo?" Napanguso ito na nagbabadyang umiyak kaya inakay na niya ito. Pagdating sa bahay ay agad na lumapit sa kanila si Yaya Pen. "Yuka, saan ka naman nagpunta, ha? Lagi mo na lang pinag-aalala kami, lalo na ang asawa mo." "Tampo po kasi ako kay William. Gusto ko play duyan, hindi naman niya tupad promise niya." "Is that a good reason to go outside and let your life to be in danger again." mariing sabi ni William. Umiyak naman si Yuka kaya agad na inalo ito ni Yaya Pen. "William, 'wag mo naman pagalitan si Yuka." "Yaya Pen, kung hindi ako dumating ay baka na-r**e na naman siya ng hayop na lalake. Tapos binully pa pala siya sa park." Tumingin naman si Yaya Pen kay Yuka na nagsusumiksik sa kanya. "Yuka, totoo ba 'yon?" Humihikbi na tumango ito kaya naman ay hindi mapigilan ni Yaya Pen ang mapaiyak. "Anak, pasensya na pero tama ang asawa mo. Dapat hindi ka basta-basta lumalabas ng bahay kung nagtatampo ka. Hindi mo alam na mapanganib sa labas. Paano kung ano na ang nagawa sa 'yo ng masasamang tao sa labas? Ayaw lang namin na masaktan ka o mapahamak. Sana ay 'wag ka nang lalabas ulit." "O-opo.." Napahinga ng malalim si Yaya Pen at tumingin kay William na umalis. Inaya naman niya si Yuka sa kwarto nito at inayusan. "Yaya, saan po punta si William? Iwan na po ba niya ako kasi bad ako? Huhuhu.." "Sshh, hindi ka niya iniwan. May pinuntahan lang. Sige na, matulog ka na at mamaya ay baka bumalik rin agad 'yon." Tumango-tango ito at pumikit. Hinaplos ni Yaya Pen ang buhok nito habang hindi niya mapigilan na maawa na naman sa alaga. Hindi talaga pwedeng lumabas ito ng bahay ng mag-isa. Palaging trinatrato ng ibang tao na parang hayop si Yuka. Tumayo siya ng makita na nakatulog na ito. Lumabas siya ng kwarto at bumaba. Nakita niya si William na kakapasok lang at may dalang mga gamit. "O, William, saan ka ba galing at ngayon ka lang? At saan mo gagamitin 'yan?" Lumingon ito, "May binili lang hong materyales para gumawa ng duyan. Kasalanan ko rin kung bakit nagtampo sa akin si Yuka. Kung sana ginawan ko na siya ng duyan ay hindi siya lalabas ng bahay para magpunta sa park." Napahinga naman ng malalim si Pen, "Unawain mo na lang sana si Yuka." "Nauunawaan ko naman ho siya kaya nga kahit napakatigas ng ulo ay hindi ko magawang sukuan. Mahal na mahal ko ho siya." Napangiti naman si Pen at tumango, "Kung kailangan mo ng tulong ay magpatulong ka sa mga driver at haciendero." "Gagawin ko ho kapag hindi ko kaya." "Sige.." "Magpapatawag po ako ng doctor niya. Baka mamaya ay napano din ang baby namin. Gusto kong makasiguro na safe silang pareho. "Sige. Tama 'yan. Nag-aalala rin ako na baka napano ang baby sa sinapupunan niya." "Tawagin niyo lang po ako kapag dumating na ang doctor." "Oo." Kaya naman ng makalabas si William ay tumawag siya ng kasambahay para magpagawa ng meryenda para kay William at sa doctor na dadating. - "BASE SA PAGSUSURI ko ay safe ang baby. Medyo namamaga lang ang pisngi ni Yuka sa sampal na natamo niya." Nakahinga naman ng maluwag si Yaya Pen at William dahil sa sinabi ng doctora nito. "Doctora, wala naman po bang epekto sa isip ni Yuka ang natamo niyang sampal?" "Well, hindi ko malalaman ngayon dahil wala akong masyadong gamit na dala. Pero kung malakas at may iba pang ginawa sa kanya specially sa ulo ay baka may malaking impact ito sa kanya. Kaya minumungkahi ko na dalhin niyo rin siya sa hospital para doon ko masuri ng mabuti. Mahirap magsabi sa ganitong sitwasyon dahil wala akong masyadong gamit. Ang sitwasyon ng bata at physical lamang ang masasabi ko sa ngayon." Tumango naman si William, "Susundin ko ho ang sinabi niyo. Bukas na bukas rin ay dadalhin ko siya sa hospital." "Good. Paalala ko lang na masyadong emosyonal ang mga buntis, kaya sana ay iiwas siya sa maaaring magdala sa kanya sa stress." Naunawaan iyon ni William at tinatak sa isip niya. Kaya nang makalabas si Doctora at Yaya Pen ay naupo siya sa tabi ni Yuka na natutulog. Hinawakan niya ang mukha nito at hinaplos. "Patawad at palaging hindi sapat ang ginagawa ko para protektahan ka. Pero pinapangako ko na ito na ang huli." Bigla itong dumilat at napangiti, "William, dito ka na." Agad na bumangon ito kaya inalalayan niya. Agad na yumakap ito sa kanya kaya napangiti siya. "Hindi mo ako iwan kahit bad ako.." "Never.. Hindi kita iiwan kahit sobrang tigas ng ulo mo." Napahagikhik ito at tumingin sa kanya, "Sorry na po.. Promise hindi na ako pasaway ulit." Ngumiti naman si William, "Talagang hindi na.." Tumingin sa kanya si Yuka at napatingin sa kamay nila na pinosas niya. "Bakit may ganito?" "Para hindi ka na nakakaalis sa tabi ko. Kapag ganito ay saan ka man magpunta kasama mo ako. Hindi ka na mapapahamak pa." "Ihh!" "Wala ng reklamo. Para rin sa 'yo 'to." Hinawakan niya ito sa kamay at inakay ito paalis sa kama. "Saan tayo punta?" tanong ni Yuka. "Secret. Malalaman mo kapag nakarating na tayo sa likod." Na-excite naman si Yuka kaya napangiti si William. Pagdating sa likod ay may bagay na nakatakip ng tela. Lumapit sila doon at tumingin si William kay Yuka. "Ready to my surprise, Honey?" "Yes!" pumapalakpak na tugon ni Yuka sa sobrang excitement. Napangiti lalo si William at hinatak ang tela. Pag-alis ng tela ay bumulaga kay Yuka ang mini play ground. Ang slide na gawa sa inflatable playground. Habang may isang duyan na mismo si William ang may gawa. "Wow!" Halos lumuwa ang mata ni Yuka sa tuwa at gulat dahil may napakalaking playground na makukulay. "Ano, nagustuhan mo ba?" "Yes! Ang ganda-ganda. Laro na ako!" nagtatalon sa tuwa si Yuka at humawak sa braso ni William para payagan na siya. "Okay pero kailangan mong mangako sa akin." Tumango si Yuka, "Pangako hindi na ako layas at takbo." Tinapik naman ni William ang ilong nito, "At dahan-dahan lang at 'wag malikot. Tandaan mo na baka masaktan ang baby natin kapag napahamak ka." Tumango ng maraming beses si Yuka kaya kinuha niya ang susi at inalis ang lock ng posas sa kamay nila. Agad na lumapit si Yuka sa inflatable playground at nagtatalon doon na kinatawa ni William bago siya napahalukipkip ng braso. "William.." Napalingon si William at nakita niya si Yaya Pen na kasama ang mga pulis. Kaya tinignan muna niya si Yuka at nang makitang masayang nakahiga ito doon ay lumapit siya sa mga pulis. "Anong balita?" tanong niya. "Mabuti at ni-report mo sa amin ang mga kababaihang grupo na nambully kay Miss Yuka. Nalaman namin na nagbabatak sila ng droga at nagbebenta. At hindi lang si Miss Yuka ang nabiktima nila kundi ang iba pang bata na binubully nila at inuutusan ding magbenta ng droga. Kaya ngayon ay deretso kulungan sila dahil nahuli din namin silang gumagamit." "Maraming salamat ho kung gano'n. At least nagkaroon ng hustisya ang nangyari sa asawa ko dahil sa pambubully nila." "Walang ano man, Mr. William. Ginagawa lang namin ang aming trabaho.." may nilabas ito at inabot sa kanya kaya kinuha niya, "Nakuha din namin ang mga bagay na kinuha kay Miss Yuka." "Maraming salamat. Memorable itong mga gamit na ito sa asawa ko. Kaya napakalaking tulong ng ginawa niyo. Iniiyakan niya ito at ayaw umalis sa playground ng hindi nakukuha ang manika niya." "Masaya kami na nakatulong. Paano ho, mauna na kami." Tumango siya at kinamayan ang mga ito sa lubos na pasasalamat niya. Nang makaalis ang mga pulis ay tumingin siya kay Yuka at lumapit. "Yuka!" Napalingon si Yuka kay William mula sa pag-i-slide. Umalis siya sa inflatable playground at lumapit kay William. "Bakit?" "Taran!" Nang makita niya na hawak nito si Lily ay agad na nagalak siya at kinuha si Lily at niyakap. "Yehey! Dito na si Lily! May kalaro na ako." "Sige, bumalik ka na sa paglalaro at dito lang ako." Bigla naman hinawakan niya si William sa kamay at hinatak. "Laro tayo." "Yuka.." "Please.." Wala namang magawa si William at natatawa na lang na nagpahila kay Yuka. Agad na tinulak siya nito kaya napahiga siya, pero imbes na masaktan ay natawa siya. Hinatak niya si Yuka kaya napahiga din ito. Niyakap niya ito at napatingin sila sa langit. "May fireworks!" biglang turo ni Yuka sa langit ng may maliliwanag na ilaw na bumulaga sa kalangitan. "May nagkakasiyahan siguro sa malapit. Swerte natin at nakita natin 'yan." "Bakit swerte kapag nakakita ng fireworks?" Tinignan niya ito habang nakaunan ang ulo nito sa braso niya. "Dahil maliwanag at masaya ang maging pagsasama natin araw-araw." Napahagikhik ito habang nakatapat sa bibig nito si Lily. "Gusto ko saya tayo araw-araw.. Ikaw, ako, at baby." Napangiti siya at hinalikan ito sa labi, "Yes, gagawin kong masaya parati ang buhay natin, lalo na kapag nakasama na natin si Baby. Kaya para ma-achieve 'yon ay hindi ka pwedeng makatakas sa akin." Tinaas niya ang kamay nila na nakaposas muli kaya napasimangot ito. Natawa siya at muling tumingin sa kalangitan para pagmasdan ang magandang gabi nilang magkasama. WAKAS... All rights reserved August 24, 2019 © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD