Eight

3948 Words
MAHIRAP MAN PARA kay William na sandaling mawalay sa asawa ay kailangan niya ring magtrabaho para mabuhay ito. Malaki din ang bayad sa kanya sa gagawin niyang pelikula kasama ng mga holywood actors. Dagdag sa ipon niya para sa future nila ni Yuka. Kinabukasan rin ay agad lumipad si William patungong los angeles. Naibilin naman niya sa lahat ng katiwala at kay Yaya Pen si Yuka. Hindi na siya nagpaalam rito dahil tulog pa ito at alam niya sa sarili na mahihirapan siyang umalis kapag umiyak ito. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ito. Agad siyang tumawag sa mansion para lang alamin kung kamusta na ito. "Naku, William, ayaw bumangon sa higaan. Inaantok pa daw siya at nahihilo." Agad na nakaramdam ng pag-aalala si William sa binalita ni Yaya Pen. "Pinatingin niyo na po ba sa doctor? Baka may sakit na naman siya, Yaya." "Oo, tinawagan ko na ang anak ko.." "Ho? Bakit si Geoff?" agad ay parang nais niyang umuwi. "Hindi ko kasi ma-contact ang doctor ni Yuka. Kaya kesa hintayin pang sagutin ang tawag ay ang anak ko na lang ang tinawagan ko para kumunsulta." Napahagod ng buhok si William. Nasa set na siya at malapit ng ayusan. Tumayo siya pero napatingin siya sa huminto sa harap niya. Napamaang siya ng makita ang hollywood actress na si Amanda Mayer. "Hi. I heard you are William Dela Torre? The famous actor in scandal video." Ngumiti ito at naglahad ng kamay. Napaka-sexy nito sa suot na simpleng jeans pants at blouse na kita halos ang kalahati ng dibdib. Blonde ang hair at maamo ang mukha. "It was a misunderstanding video." aniya at tinanggap ang kamay nito. Ngumiti ito at humalukipkip matapos nilang magkamay.. "So, are you ready for our scene?" Hindi pa niya nababasa ang script niya kaya hindi niya alam ang sinasabi nito. "I'm always ready." aniya. Ngumiti ito lalo, "Okay. See you in bed." Nagtaka siya sa sinabi nito pero tumalikod na ito kaya tumingin siya kay Charlie, pero ang ambang pagtatanong niya ay naudlot ng maalala na nasa kabilang linya pa si Yaya Pen. "Yaya Pen." "Mukhang busy ka William. 'Wag ka nang mag-alala at kami na ang bahala kay Yuka. Tatawagan na lang ulit kita kapag sinabi na ni Geoff ang resulta." Napahinga siya ng malalim at walang magawa kundi ang ibaba ang tawag. Napahilamos siya ng mukha dahil nag-alala siya kay Yuka. "William, basahin mo na at tandaan ang script mo. Malapit ka nang sumabak kasama si Amanda." "Charlie, pwede bang mag-back out? Kailangan kong bumalik ng pilipinas." tinignan niya ito at inilingan siya. "Nakapirma ka na, naalala mo? Kapag nag-back out tayo ay kakasuhan tayo." "Edi magbayad tayo ng danyos, Charlie. Nag-alala ako kay Yuka dahil nahihilo daw." "Naku, William, malay mo simpleng hilo lang 'yon? Tapos sasayangin mo ang opportunity na ito sa walang kasiguraduhan sa nararamdaman ni Yuka." Napatayo siya, "Pero asawa ko 'yon. Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala." Napahinga ng malalim si Charlie, "Okay, naiintindihan ko. Maghanda ka na lang at ako na ang bahala makipag-usap sa laxamana para alamin ang lagay ng asawa mo. Sa ngayon ay kailangan mong mag-focus dito sa film dahil isa itong big break para sa 'yo. Mas lalo kang aangat. Kaya kalimutan mo muna si Yuka at mag-focus rito." Napaupo si William at pinakalma ang sarili. Sinubukan niyang basahin ang script pero walang pumapasok sa utak niya kundi si Yuka. "William, your turn." Napaangat siya ng tingin at napatingin sa director. Tumingin siya kay Charlie na tumango sa kanya kaya tumayo siya at lumapit sa director. "I want you in naked body with Amanda in the bed." Nagulat siya sa sinabi nito, "Wait.. What do you mean? Naked body with other girl?" "Yes. It's all written in script." Agad na napabasa siya sa script at halos mapamura siya dahil bed scene ang gagawin niya kasama si Amanda. At ang mahirap doon ay kailangan nilang magmukhang nagse-s*x kaya kailangan walang saplot. "But--" "C'mon, we need to start. Just act like you are a wild animal while having s*x with Amanda." Walang magawa si William dahil mahirap umatras ngayon lalo't hollywood film ang gagawin niya. Nagtapis siya ng roba matapos hubarin sa banyo ang saplot niya. Pagkalabas niya ay agad na pinahiga siya sa kama kaya hinubad niya ang roba. Agad na nahiga siya at tinakpan ng kumot na puti ang ibabang parte ng katawan niya. "Okay, William, you need to act like you are sleeping. And wait for Amanda's move, okay?" Tumango siya at nahiga habang nakaunan ang ulo niya sa isang braso niya kaya naglabasan ang muscle at ugat doon. Pumikit siya at hinintay si Amanda. Naramdaman niya ang pagsampa nito sa kama at napadilat siya ng pumatong ito sa kanya habang nasa ilalim sila ng kumot. Napamaang siya dahil kita niya ang dibdib nito at alam niyang wala rin saplot ito sa pang ibaba. Hinawakan niya ito sa braso para itulak pero napatigil siya ng halikan siya nito. "Just act, William. But I want this scene to be real, so, I want you inside me." Pinigil niya ito sa braso ng maupo ito sa hita niya at gumiling. Napahinto siya ng laliman nito ang halik tila dinadala siya. "Ohhh!! You are so big, William.. I want you inside me right now.." Bulong nito at muli siyang hinalikan. Agad na tinulak niya ito kaya nagpalit ang pwesto nila. Tinignan niya ito at sa gilid ng mga mata niya ay pinapanood sila ng crew, director, at staff. "Sorry, but I love my wife. I'll do the fake pump." Gaya ng nais ng director na mukha silang nagse-s*x kaya ginalingan ni William ngunit hindi gaya ng nais ni Amanda na totoong may nangyayari sa kanila. Kung alam lang niya na ganito ay hindi na sana niya tinanggap ang offer. "William, I'm not sexy and beautiful to you? I'm sure I'm better than your wife." Pinigil siya ni Amanda matapos ang scene nila. At talagang sinundan pa siya sa dressing room kung saan siya nagbibihis. "My wife is better than you. She's so sexy, beautiful, and very innocent in bed. I love her and I respect our marriage. So please, stop doing this." "Really? Do you still prefer her than me while we are alone here? And no one can sees us." inalis nito ang roba sa harap niya kaya hubo't hubad na ito. Inaamin niya na sexy, maputi, makinis, at maganda ito, pero nang maalala ang lagay ni Yuka ay gusto niyang umuwi na lang kaysa tapusin pa ang film kung ganito din pala ang actress na makakasama niya. "I'm sorry, Miss Amanda." "Okay, that's good. I'll never thought that there's a guy like you. No one can't resist my body and my kiss." Umiling siya, "You have it all, Miss Amanda, so there's someone who deserved to your beauty and body. Just give it to someone that you love." Nang maayos na niya ang polo ay iniwan na niya ito sa dressing room at lumabas siya para kausapin si Charlie. Nilapitan siya nito kaya inakay siya nito. "Great, William. Nagustuhan ng director ang acting mo." Napahinga siya ng malalim, "Ano 'to, Charlie? Bakit hindi mo sinabi na gano'n ang gagawin ko?" "Hindi ko na sinabi dahil alam kong aayaw ka. Marami ng sumikat lalo sa hollywood sa paggawa ng mga erotic film. Gusto ko lang na sumikat ka lalo.." Napagulo siya ng buhok habang nakapamaywang. "Charlie, alam mong hindi gano'ng film ang nais ko ngayon. Gusto ko 'yung maayos na maaari kong maipagmalaki sa asawa ko." "Si Yuka na naman. Wala naman siya rito at 'wag mo na lang ipanood sa kanya ang film na gagawin mo." Umiling siya, "Kung ganito lang din, Charlie, i-terminate mo ang contract. Handa akong magbayad gaano man kalaki. Uuwi na ako dahil mas kailangan ako ng asawa ko ngayon doon kesa rito." Tinatawag siya nito pero tinalikuran na niya ito.. Agad na tumawag siya sa mansion para alamin ang lagay ni Yuka.. "AYAW KO PO!" Mainit ang ulo ni Yuka habang pilit pinapakain ni Yaya Pen ng lugaw para mainitan ang sikmura nito. Ayaw din nitong magpatingin kay Geoff kaya nag-aalala sila kung anong dinaramdam nito lalo't suka ito ng suka. "Yuka, kainin mo na ito, please anak. Masarap ito. 'Di ba ito ang pinapakain ko sa 'yo kapag may sakit ka." "Ayaw! Wala akong sakit, Yaya. Huhuhu. . . Gusto ko kita si William. Nasaan po siya?" Hindi alam ni Pen ang gagawin dahil dalawang araw nang wala si William mula ng umalis ito para mag-shooting sa ibang bansa. "Umalis lang pero babalik din. Kaya kainin mo na ito para mainitan 'yang sikmura mo." "Ayaw ko nga po. Huhuhu. . . Iwan ako, William! Bakit niya ako iwan?" Hindi malaman ni Pen kung bakit pabago-bago ito ng mood. Hinawi niya ang buhok nito sa mukha at pinunasan ang luha. "Okay, kainin mo 'to at pupuntahan natin si William." Bigla itong napatigil at natuwa na dahil sa sinabi niya. "Talaga po? Puntahan natin si William?" tumango siya, "Yehey!" "Kaya kumain ka na nito para mapuntahan na natin si William." "Okay po." Kaya napangiti siya at sinubuan ito, pero agad na nag-alala siya ng mapahawak ito sa bibig. "Y-Yaya, suka ako.." Nang sabihin nito iyon ay agad na sinamahan niya ito sa banyo at doon nga sumuka ito ng sumuka. Hinagod niya ang likod nito para makatulong na mahimasmasan ito. "Ano bang nangyayari sa 'yo at suka ka ng suka?" "Huhuhu.. Yaya, ayaw na ata ng tiyan ko kumain. Mamamatay na po ba ako?" Napahinga naman siya ng malalim at umiling rito. "Hindi. Pero kailangan mong kumain para hindi mangyari 'yon. Ano bang gusto mong kainin ngayon?" Nakita niyang napaisip ito at agad na napangiti. "Hehe. . Gusto ko po 'yung itlog ni William." "Ano?!" parang lumuwa ang mata niya sa sinabi nito. "Hihihi.." Kaya kinurot niya ito sa singit pero agad na umiwas. "Bakit po ba?" "Ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Napanguso ito, "Ano po ba sinabi ko?" Na-stress ata siya sa gusto nito, "Sabi mo gusto mo ng ano ni William. Ano bang ginagawa sa 'yo ni William at 'yan ang lumabas sa bibig mo?" "Sabi niyo sabihin ko gusto kong kainin, tapos ngayon galit ka sa akin. Gusto ko nga po no'n, e." "Anong gusto ng honey ko?" Parehong nagulat si Yaya Pen at Yuka sa biglang pagsulpot ni William. "William!!!" Agad na lumapit si Yuka kay William at nagpabuhat rito na kinatawa ni William. "Nandito ka! Yehey!" "Na-miss kita kaya agad akong umuwi." Agad na kiniss ni Yuka si William sa labi kaya napangiti ito. "Ano bang gusto mo at hindi kayo magkasundo ni Yaya?" Lumapit naman si Yaya Pen at pumamaywang. "Naku, gusto daw ng itlog mo. Ano bang tinuturo mo d'yan at ganyan ang lumalabas sa bibig?" Natawa naman si William, "Yaya, ang ibig sabihin ni Yuka ay 'yung kwek-kwek na binili ko bago ako umalis ang tinutukoy niya." Napasapo naman si Yaya Pen sa noo, "Ano ba naman. Ako pala ang marumi ang isip." "Hihihi.." Napahagikhik si Yuka kaya pinalo ito ni Yaya Pen sa pang-upo. "Bumaba ka nga sa asawa mo at hindi magandang tignan, Yuka." "Ayaw." yumakap sa leeg ni William si Yuka na parang bata. "Ayos lang, Yaya Pen. Ako na ho ang bahala sa kanya." Tumango si Yaya Pen, "O, sige.. Hindi ko alam ang ipapakain d'yan at sinusuka niya lang lahat. Papatignan ko sana kay Geoff, kaso ayaw naman ng batang 'yan.' Tumango naman si William, "Sige po. Sasamahan ko muna sa labas na bumili ng kwek-kwek at saka ko siya dadalhin sa hospital." "Mabuti pa nga." Kaya ng makalabas si Yaya Pen ay tinignan ni William si Yuka na tumingin sa kanya habang nakanguso. "Honey, bakit ayaw mong kumain ng mga binibigay ni Yaya Pen? May dinaramdam ka ba?" Umiling ito, "Ayaw ko lasa, e. Tapos ang baho." Napahinga naman siya ng malalim, "Okay. Bibili tayo ng kwek-kwek at sasamahan kita na magpa-checkup." Ngumiti ito, "Yung barbie ko? Sabi mo uuwian mo ako barbie." Natawa naman siya dahil naalala pala nito. "Syempre makakalimutan ko ba 'yon. Nangako ako sa 'yo kaya hindi ko kinalimutan." Buhat-buhat ni William si Yuka na lumapit sa kama at binaba niya ito sa kama. Niluhod niya ang isang tuhod habang nakaharap rito. "Ready?" "Yes!" Natawa siya sa pagkasabik nito, kaya kinuha niya ang paper back na nilapag niya sa gilid ng kama nila. Binigay niya ito rito kaya agad na kinuha nito. "Wow! Barbie!" Agad na niyakap nito ang barbie na binili pa niya sa Los Angeles. Napangiti siya nang halikan siya nito sa tuwa kaya humawak siya sa baywang nito at nilaliman ang halik dahil sobra niya itong na-miss. "Ayaw ko na." sabi nito na bumitaw sa labi niya. "Tsss. Ikaw ang nauna tapos ikaw ang bibitaw." aniya na bitin na bitin sa labi nito. "Basta! Bili mo na ako itlog mo." Natawa naman siya, "Kaya iba ang iniisip ni Yaya, e. Iba pala pagkakasabi mo." pinisil niya ito sa ilong na kinainis nito kaya napangiti siya. Hindi pala talaga niya kaya na mawalay rito. Pagkauwi pa lang niya ay ito na agad ang hinahanap niya. Sabik na sabik na mayakap at mahalikan ito---iyon ang naramdaman niya kanina. "Tara na kasi!" Nagdadabog nitong aya sa kanya kaya tumayo siya at inalalayan ito. "Iwan mo muna 'yan." tukoy niya sa barbie. "Ayaw. Sama siya pati si Lily." Wala naman siyang magawa sa katigasan ng ulo nito kaya hinayaan na niya. Sakay ng kotse niya ay tumungo sila sa parke kung saan niya binilhan si Yuka ng kwek-kwek. May mga bumibili din na nasa parke kaya bumaba siya para bilhan si Yuka, pero bumaba din ito. "Sama ako." "Kulit mo naman. Sabing ako na lang." Nginitian lang siya nito at yumakap sa braso niya kaya napailing siya at kinuha ang isang kamay nito para hawakan. Pinagsiklop niya ang mga daliri nila bago niya ito ayain sa nagtitinda ng kwek-kwek. "Kuya, pagbilan ho ng tatlong kwek-kwek." "Sige ho, boss." tugon nito kaya naghintay sila dahil may nauna sa kanila. Batid niya ang pagtinginan ng mga bumibili kay Yuka dahil may bitbit pa itong barbie habang nilalaro. "Isip bata siguro." "'Di ba siya si William Dela Torre at 'yung babaeng nasa video noon? Grabe pala no, mag-asawa nga sila. Pero kawawa si William, responsibilidad ang isip batang babae." Hindi siya nakatiis at tinignan ang dalawang babae na pinagbubulungan sila. "Mawalang galang ho, kung magchichismisan po sana kayo doon naman sa hindi ko maririnig." natahimik naman ang mga ito. "Naku, talaga kayong mga chismosa, walang ibang gusto gawin kundi pagchismisan ang buhay ng iba." sabi ni Manong at nakangiti na binigay ang kwek-kwek nila kaya kinuha niya. "Salamat ho." Ngumiti ito at tumango. Agad na hinipan naman niya ang kwek-kwek at inuma sa bibig ni Yuka. Agad na sinubo nito 'yon kaya pinunasan niya ang gilid ng labi nito ng may sauce na naiwan. "Yumyum.." Napangiti siya dahil nagustuhan nito. "Gusto mo ba ng buko juice?" Tumango ito kaya bumili siya kay Manong ng malaki para hati na lang sila. "Tara doon.." aya niya rito. Lumapit sila sa duyan ng mga bata at pinaupo niya doon si Yuka. Naupo siya sa harap nito para mapantayan ito at nilapag muna sa damuhan ang baso ng juice. Muli niyang sinubuan ito hanggang maubos nito lahat. "Ano, gusto mo pa?" "Ayaw na. Busog na monster sa tiyan ko." Tumango siya at pinainom ito ng buko juice. "Magpahinga lang tayo sandali tapos deretso tayo sa doctor mo, okay?" "Okay." ani nito habang nakatingin sa barbie. Tumayo siya at nagpunta sa likod nito para iugoy ng mahina ang duyan na kinauupuan nito. "Yehey! Duyan mo lakas!" "Hindi pwede." Lumingon ito sa kanya at sumimangot, "Sungit!" Natawa siya at napailing na lang. Mahirap na, hindi siya sigurado sa duyan kaya dapat mild lang. Bumaba naman ito kaya halos umusok ang ilong niya sa galit. "Bakit ka bumaba ng duyan? Paano kung mapahamak ka?" Nagdadabog na naglakad pa rin ito palayo sa kanya kaya napailing siya. "Ayaw mo kasi ako duyan ng malakas, e!" "Yuka, huminto ka at anong tono 'yan, ha?" Napahinto ito kaya agad na lumapit siya sa harap nito. Nakasimangot pa rin ito. "Hindi ba't sinabi ko na 'wag ganyan sumagot?" "Kasi naman, e! Gusto ko nga duyan malakas, ayaw mo!" umatungal ito ng iyak kaya napagulo siya ng buhok. "Tahan na.. Sorry, pero hindi pwede." niyakap niya ang ulo nito at hinalikan ang tuktok. "Gusto ko sakay doon." "Hindi na pwede. Pupunta pa tayo sa doctor mo." "E!" Nagpapadyak ito kaya napahinga siya ng malalim. Naninibago siya sa mabilis nitong pagpapalit ng mood. "Okay, pagkatapos natin sa doctor mo ay dadalhin kita sa star city. Doon ay isasakay kita sa ferris wheel." Agad na tiningala siya nito at yumakap sa baywang niya habang nakangiti. "Sige." Natawa siya dahil napakadali nitong magpalit ng emosyon. Hinalikan niya ito sa tungkil ng ilong at sa labi nito. "Tara na baka gabihin pa tayo." Agaran itong tumango kaya hinawakan niya ito sa kamay at inakay na. Sa hospital sa St. Lukes sila nagpunta kung nasaan ngayon ang doctor ni Yuka. Pinagtitinginan sila at alam niyang siya ang dahilan. Mabuti at sinuot niya ang sumbrero niya kay Yuka. Iwas na din ito sa tinginan ng tao. Hawak niya ito sa kamay na inakay sa opisina ng doctora nito. "Oh, Hi, Mr. Dela Torre and Yuka." Ngumiti siya kay Doctora Vicky at tumingin kay Yuka na agad na napakapit sa braso niya. "Bakit tayo nandito? Ayaw ko. Uwi na tayo." umiiling-iling nitong sabi. "Relax, Honey. Magpapa-checkup ka lang. Gusto lang natin makasiguro na wala kang sakit." Umiling pa rin ito, "Ayaw ko! Sakit tusok niya sa akin dito." sumbong nito habang tinuturo ang braso nito kung saan ito sinasaksakan noon. Umiling siya at hinawakan ito sa likod para akayin palapit kay Doctora na nakatayo sa harap ng table nito. "I'm glad na bumisita kayo dito. Have a sit." Pinapaupo niya si Yuka pero ayaw nito habang pilit na umalis na sila. Kaya naupo siya at kinalong ito. Pilit nitong nagsusumiksik sa kanya tila takot na tumingin kay Doctora. "Pasensya na po, Doctora." Ngumiti ito, "Ayos lang, William.. Ano ang sadya niyo ngayon?" Tinignan niya si Yuka at pinisil ang braso nito. "Nawawalan ho siya ng gana sa ibang pagkain lalo na sa mga favorite niya. Tapos ho nagsusuka kapag nakakaamoy ng kakaiba o nakakain. Doc, ano po kaya ang sakit niya? Nag-aalala lang kami ni Yaya Pen na baka sinisikmura siya." Napangiti si Doctora at tumayo.. Dahil base pa lang sa sinabi ni William ay alam na niya ang dinaramdam ni Yuka. "Alam ko na ang sintomas ng dinaramdam niya pero we need to make sure. So, I recommend na dumeretso tayo sa medical test." Naguluhan man si William pero sumang-ayon siya para malaman ang sakit ni Yuka. Pinatayo niya si Yuka at tumayo na rin siya. "Let's proceed here." turo sa hospital bed. "Sige ho. Yuka, tara doon." "Ayaw." nagdadabog nitong sabi. Nagseryoso siya, "Yuka, it's bad. I want to know your condition, so please cooperate." Napanguso ito at nakatingin sa kanya tila nagmamakaawa. Umiling siya at hinawakan ito sa likod para alalayan palapit sa isang higaan. "Takot ako.." bulong-bulong ni Yuka sa kanya. "Sshh, nandito naman ako, hindi kita iiwan." Takot pa rin ito pero wala na itong magawa ng buhatin niya ito para ihiga. Nang makahiga na ay itinaas ni Doctora ang t-shirt ni Yuka ng kaunti. "Makikiliti ka lang rito kaya 'wag kang matakot." paalalahanan nito. "Hihihi kiliti ako." Natawa siya at hinawakan ito sa kamay. Tinignan niya ang ginawa ng doctor kay Yuka at napatingin siya sa monitor. "Malakas nga ang ECG mo, Yuka." "Ho? Anong ibig sabihin no'n, Doc?" tanong niya. Tumingin ito sa kanila at ngumiti. "Congratulations, Yuka is pregnant." Tila siya na-estatwa sa kinatatayuan habang nakatanga na napatingin kay Yuka. "Pregnant? Ibig sabihin po buntis ako?" "Oo, Yuka, magkaka-baby ka na." "Yehey! Magkaka-baby na ako. Lalaro kami." "William, are you okay?" Doon lang siya natauhan at napalunok siya dahil hindi siya makapaniwala na nabuntis niya si Yuka. "D-Doc, tampalin niyo ako. Nananaginip ba ako?" "It's true, William. You are going to be a Father." Napangiti siya at tumingin kay Yuka. Hinalikan niya ang kamay nito na hawak niya at hinalikan niya ito sa labi. "Magkaka-baby na tayo, Honey." "No! Ako lang kaya sabi ni Doc. Hindi ka kaya pwede magka-baby kasi boy ka, 'di ba po?" Natawa na lang siya at muli itong hinalikan sa labi sa sobrang kasiyahang nararamdaman niya. Pagkagaling sa hospital ay agad na umuwi sila dahil gusto niyang ibalita sa mansion na buntis na si Yuka. "Sabi mo punta tayo star city?" Binalingan niya ito na nakasimangot dahil hindi sila natuloy sa star city.. "Next time, Honey. Saka buntis ka na kaya dapat mag-ingat tayo, okay?" "Gusto ko punta do'n, e! Sabi mo punta tayo do'n!" Nagdadabog ito sa kinauupuan kaya hininto niya sandali sa isang tabi ang sasakyan at hinarap ito. "Honey, hindi ba sabi ng doctor ay mag-ingat ka. Kung pupunta tayo doon ay baka mapahamak si baby. Gusto mo ba no'n?" Napatigil naman ito at napanguso kaya hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan. "Okay, bukas na bukas ay magpapagawa ako ng mala-amusement park sa mansion para doon ka na lang at mabantayan ko pa." Biglang nangislap ang mga mata nito na napatingin sa kanya at ngumiti. "Katulad sa star city? May duyan din katulad kanina?" Tumango siya at ngumiti, "Oo." "Yehey! Sige, hindi ako tampo sa 'yo. Uwi na tayo." Natawa siya at pinisil ang pisngi nito sa sobrang gigil niya rito. "Ikaw talaga." Humagikhik lang ito kaya napailing siya at pinaandar na muli ang kotse pauwi sa mansion. Pagkadating naman nila ay agad silang sinalubong ni Yaya Pen. "Anong resulta? May sakit nga ba si Yuka?" Ngumiti si William at humawak sa tiyan ni Yuka habang nasa likod siya nito. "Well, Yaya, mali ang hinala natin. Buntis pala si Yuka." Nanlaki ang mga mata nito at maging ang mga kasambahay ay napasinghap na lihim na nakikinig sa sasabihin ni William. "Dios mio. Hindi nga?" Natawa siya, "Yes, she's pregnant, two weeks." pagmamalaki niya. "Kung gano'n ay magandang balita 'yan. Pero William, alam mo ang responsibilidad mo ngayon?" Ngumiti siya, "Yes, Ya. Balak kong mag-leave muna sa showbiz para mabantayan si Yuka 24/7. At aalamin ko rin lahat ng dapat gawin habang nagbubuntis siya." Napahinga ng malalim si Yaya Pen, "Inaalala ko lang ay baka hindi niya kayanin. Diyos ko. Napakalikot pa naman ng batang 'yan. Tapos hindi na nga niya maalagaan ang sarili, paano pa ang anak niyo?" "Yaya Pen, narito naman po ako. Saka tutulungan niyo naman kami kung paano maalagaan ni Yuka ang baby namin, 'di ba po?" "Ano pa nga ba?" ngumiti ito at lumapit kay Yuka na laro-laro ang barbie nito, "Yuka, buntis ka na kaya malimit lang ang laro at takbo, ha?" "Bakit po?" "Anong bakit? Gusto mo ba malaglag ang baby mo kapag takbo ka ng takbo? Dapat palagi ka lang mahinhin gumalaw para safe si baby mo." "Edi, alisin ko muna si baby ko kapag laro ako o takbo." Napakamot si Yaya Pen sa ulo at kinurot sa singit si Yuka kaya agad na napatago ito sa likod niya. "Papatayin mo ba ang baby mo? Hindi mo aalisin 'yan dahil kapag nangyari 'yon mamatay siya, maliwanag?" "Okay po." Natawa na lang siya, "Yaya Pen, ako na ho ang bahala. Ang gawin natin ay i-celebrate ito para sa pag-welcome kay baby sa mansion." "O, sige. Magpapahanda ako at sasabihan ko si Eduardo." Tumango siya at hinawakan si Yuka sa baywang para dalhin sa tabi niya. "Halika, Honey, magpahinga ka muna." "Laro tayo?" "Saka na.." Sumimangot ito kaya natawa na lang siya at inakay ito sa kwarto nila. "May gusto ka bang kainin, Honey?" tanong niya ng maupo siya sa kama at pinaupo ito sa hita niya. "Hmm, gusto ko... fish." "'Yun lang?" Tumango ito at tumingin sa kanya, "Nasaan ang baby?" Ngumiti naman siya, "Nandito sa tummy mo." hinawakan niya ang tiyan nito kaya napatingin ito doon. "Wala naman e." ani nito na tinaas ang t-shirt. "Syempre nasa loob ng katawan mo. Makikita lang natin siya kapag nine months na siya nasa tummy mo at lumabas na." Napatango ito at ngumiti, "Pwede kami laro 'pag wala na siya sa tummy ko?" Niyakap niya ito at pinatong ang baba sa balikat nito bago halikan 'yon. "Depende. Kapag siguro malaking-malaki na siya doon mo lang siya pwedeng makalaro, pero kapag baby pa lang ay aalagaan muna natin siya." Napatango ito at tinapon ang barbie na hawak nito sa kama nila. Napahikab ito at sumandal sa kanya. "Antok ako." sabi nito. "Okay. Gusto mo nang humiga sa kama?" Umiling ito at yumakap sa kanya, "Ayaw." Napangiti siya at hinalikan ang tutok ng ulo nito. Masarap sa pakiramdam na mayakap ito. At mas masarap sa pakiramdam dahil hindi niya akalain na bibiyayaan na sila ng anak. Pinapangako niya sa sarili na aalagaan ito sa abot ng kanyang makakaya. Hindi hahayaang mapahamak muli lalo't magkakaanak na rin sila. Hiniga niya ito sa kama ng makatulog na ito. Hinaplos niya ang buhok nito bago kumutan. Naisipan niyang lumabas ng kwarto para makatulong sa paghahanda sa celebration nila para sa parating na anghel sa pamilya nila. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD